NAGHAHANDA NA ANG apat sa kanilang pinakaunang misyon. Lahat ng mga kakailanganin nilang kagamitan ay iniayos na nila lalo na ang mga gagamitin nilang sandata kung sakali mang mapapalaban sila.
Dahil isang socialite event ito, nagbihis ng elegante sina Jaime at Clein para makapasok sa auction event. Habang si Troy naman ang kanila mata sa kabuuan ng lugar. Siya ang nagsasabi sa tatlo kung saan sila dapat magpunta at kung anu-ano ang kahaharapin nila.
"Alright guys, everything's under control. Yael, go to your left side sa ventilator exit area, go straight from that tunnel and it will take you to the girl's restroom. That's the fastest way you can get in. Clein, Jaime, after you get in, make sure to never let anyone get your attention. Do you copy all that guys?"
Nakapwesto lang siya sa loob ng van kung saan naroon din ang lahat ng monitor ng tracking devices niya at cameras kung saan na-hacked na niya ang mga ito para ma-monitor rin ang tatlo.
(Copy!)
Sagot lang sa kanya ng tatlo mula sa earpiece nila, naka-speaker naman sila sa linya ni Troy na na-hack na rin ang security system ng kabuuan ng resort.
Si Yael ang pinakatagong pumasok sa lugar para mas mabilis niyang matagpuan kung anong pakay nila. Kailangan niyang dumaan sa mga tunnels at kisameng bahagi ng gusali para mas mabilis siyang makalibot, sa tulong na rin ni Troy.
"Welcome to Resorts World Manila mam, sir!" bati naman ng mga hostess kina Jaime at Clein na sabay pumasok sa event. Nakakapit si Jaime kay Clein tila nawiwindang sila sa nakikita dahil wala naman silang nakikitang mga nakapusturang kagaya nila sa lugar. Pawang ordinaryong mga tao lang ang naroon sa loob at tila kinakabahan sila na baka mabisto sila.
"Is Deric really sure about this?" nagaalangan na bulong ni Clein. Rinig pa rin naman nilang tatlo yun.
"Let's just wait and see." pagmamatyag pa ni Jaime sa paligid.
Ilang saglit lamang ay may lumapit sa kanilang lalaking naka-coat and tie pang itim at tila bumulong sa kanila.
"This way ma’am, sir." bulong nito sa kanila at kakaagad nang nauna sa kanilang maglakad.
"See?" saad pa ni Jaime at nakangisi na lamang kay Clein. Sinundan lang din nila ang lalaki at pumasok ito sa isang pulang kurtina sa gilid ng silid.
Pinaunang pumasok ni Clein si Jaime at napatingin pa muna ito sa paligid at sa mga gwardyang nakaitim rin at nakabantay sa lugar na yun bago tuluyang pumasok.
Nang makapasok sila at nahinto sila sa isang bakal na pinto na may gwardya rin sa magkabilaan.
(Jaime, Clein, I think that is the way going to the hidden place. Just keep on your way.) saad pa ni Troy sa linya nila.
"Invitations?" pagtanong sa kanila ng isang lalaki na nakatayo rin sa gilid ng pinto. Inabot ni Jaime ang invitation at kakaagad itong tiningnan ng lalaki. "Welcome Mr. and Mrs. Emerson? I'm glad you made it. I thought —." pagkabalik kina Jaime ng invitation ngunit parang nagaalangan ito sa dalawa kaya napatingin ito sa mga bodyguards sa paligid at mukhang nakaalerto naman ang mga ito.
"Rosette and Robert Jr., our parents couldn't make it for tonight, they were in Maldives. They sent us here for this event." confident namang sagot ni Jaime.
Nag-undercover silang mga anak ng invited socialite na sina Mr. Robert and Mrs. Rowena Emerson. Napagalaman ni Deric na hindi makakapunta ang magasawa dahil sa business trip, may mga anak ito pero mga nakatira na sa ibang bansa. Ginamit nila ang pagkakataon ito para makapasok sa event.
"Our parents said this would be the greatest auction in the century, I'm actually an antique collector." pagsagot pa ni Clein na naka-brushed up ang buhok at nakasuot ng eyeglasses. Si Jaime naman ay nakasuot na light brown hair wig para maging mas magkahawig sila ni Clein.
"Alright, I hope you enjoy the night." paghaya naman na sa kanila ng lalaki at kakaagad na pinagbuksan ang pintuan.
Naglakad na papasok sina Jaime at Clein at tila hindi makapaniwala sa mga nakikita.
Tila isa itong grand ball party at napapalibutan ng mga security ang buong silid. May mga nagpe-perform na orchestra sa gilid na baba ng stage at pawang mga kilala at maimpluwensyang tao ang naroon. Kagaya rin nila ang mga pustura at tila may namumukhaan silang ilang sikat na artista at mga politikong naroon.
"These bastards." bulong pa ni Clein.
"We're in." pasimpleng saad naman ni Jaime.
Narinig naman ng lahat yun kaya inayos na ni Troy ang mga tracking device na nakakabit sa tatlo.
Si Yael naman ay gumagapang pa rin sa kisame ng gusali at patuloy na sinusundan ang direksyon na pupuntahan niya sa relos niya. Nang makarating sa dulo, sumilip muna siya sa siwang ng exhaust at nakita niyang nasa restroom na nga siya ng mga babae.
"I'm here."
(Stay put ka lang dyan ah, magsisimula na rin ang auction.)
"Ladies and gentlemen! Thank you for coming to this year's Black market’s Annual Auction!" panimula ng host at nagpalakpakan naman ang mga tao.
Habang sina Jaime at Clein ay patuloy pa rin paghalubilo sa mga guests sa auction party pa rin. Ngunit pasimple silang nagmamasid at humahanap ng ibang daan kung saan maaring nakatago ang pakay nilang kayamanan.
Nang makapasok na si Yael ay kakaagad siyang nagtungo sa hallway para makapasok sa ibang kwarto. Dahan- dahan nitong sinusuyod ang lugar at kapag nakakakita ng tao ay kakaagad siyang nagtatago kung saan.
Hanggang makarating siya sa dulong pinto at tila may naririnig na mga naguusap na tao sa loob nito. Nang maramdaman niyang lalabas na ang mga ito sa kwarto ay kaagad siyang umakyat sa mga pader hanggang sa makarating sa kisame at doon siya nakalapat para makapagtago.
Lumabas nga ng kwarto ang dalawang lalaki na nakauniporme kagaya ng mga bantay sa labas at tila hindi man lang siya napansin sa itaas habang nakakapit sa may pagitan ng pader.
Bumaba na si Yael at sinubukang buksan ang pinto ngunit naka-lock na ito. Dumungaw-dungaw pa siya sa paligid at saka naglabas ng card at sinuksok sa pintuan hanggang nagbukas ito at kakaagad rin siyang pumasok.
Tumambad kay Yael ang iba't ibang uri ng mga alahas at iba pang artifacts na naroon sa kwarto. Kakaagad niyang hinanap kung naroon ba ang pakay nila ngunit hindi niya ito makita. Bago pa man makabalik ang dalawang bantay ay nakalabas na rin si Yael ng kwarto.
"Negative. I'll try to find in other rooms." Saad pa nito habang patuloy sa paglibot sa lugar.
Habang sina Jaime at Clein naman ay kunwari pa ring nanonood at nakikipag-participate sa auction.