Part 10

1013 Words
UNA NILANG na-raid ang circus at nagkagulo ang lahat ng taong naroon. May mga security na rin na nagpaputok ng baril kaya ginatihan na rin sila ng SWAT team. "What's that?" rinig naman ni Ethon pero kaagad na nilihis ni Jaime rito ang atensyon at binaling sa kanya. "Let's just mind our business here baby." saad naman ni Jaime at kaagad na nangiti si Ethon at bumalik sa pagtingin lang sa kanya. Unti-unti naman hinahaplos ni Jaime ang katawan ni Ethon para i-check kung may baril ito o patalim sa katawan. Nang marinig na din ng mga security ni Zol Zomac ang putukan ay nagmadali silang lumabas ng kwarto pero bago pa man nila mabuksan ito ay pumasok na roon sina Yael at Clein at nagpaputok. Napatumba na rin nila ang lahat ng bantay nito sa labas ng kwarto. "Bullshits!" sigaw naman ni Zol habang pinoprotektahan siya ng ilang security niya na nakikipagpalitan ng putok ng baril kina Clein at Yael. Nang tila narinig na ni Ethon ang dalas ng putok ng baril ay bigla niyang hinatak ang kamay mula sa pagkakatali. Nakakabigla ang lakas nito at napaatras si Jaime. Akmang lalabas na sana ito ng kwarto para i-check ang naririnig na putukan pero kaagad siyang pinakawalan ni Jaime ng sipa at kaagad naman siyang napabalik sa pagupo. "Where you think you're going baby?" "Out of my way!" Nagpakawala pa ulit si Jaime ng sipa pagkatayo ni Ethon pero nahawakan nito ang binti niya at tinapon siya kung saan. Hinabol naman siya ni Jaime na sumampa sa likod niya at na-neck lock niya ito sa leeg. Pumalag naman si Ethon pero makapit si Jaime sa kanya. Umatras si Ethon at binangga si Jaime sa pader ng malakas. "Ugh!" "You b***h!" Napabitiw si Jaime sa pagkakakapit kay Ethon at hinarap naman siya nito. Hinawakan ni Ethon ang leeg niya at pilit siyang itinaas. Dahil malaking tao rin ito at naiangat niya si Jaime habang sinasakal ito. Pumalag-palag naman si Jaime hanggang sa sinipa niya si Ethon pero nasalag nito. Lalo siyang inangat ni Ethon at dinikit sa pader habang nakasakal pa rin siya gamit na ang dalawang kamay nito. Patuloy naman sa pagpupumiglas si Jaime pero ng halos malagutan na siya ng hininga ay buong lakas niyang inangat ang isang tuhod niya at sumalpok ito sa baba ni Ethon. Halos nasakal din ito kaya nabitawan bigla si Jaime. Pareho silang naubo at napahawak sa leeg nila. Nagkatinginan naman sila ng masama. Sabay silang sumugod sa isa't isa, umamba ng suntok si Ethon pero pinaikutan ni Jaime ang braso niya at na-arm lock niya ito kaagad sabay napahiga sila sa sahig. May biglang nagbukas ng pinto at isa sa security ni Ethon yun. Naabutan niya ang eksena ng dalawa at kaagad na pinaputukan nito si Jaime. Nakailag naman kaagad si Jaime at gumulong sa likod ng sofa. Patuloy pa rin siyang pinapaputukan ng baril bago pa niya madukot rin ang baril niya at gumanti ng putok rito. Nakita niyang nakatayo na si Ethon at mukhang tatakas na kasama ng mga bantay nito. Patuloy naman siya nakipagpalitan ng putok ng baril. "Damn it!" Napagtulungan naman nila Clein at Yael ang mga bantay ni Zol at nadakip na ito. Gayun din ang ibang mga parukyano. Na-rescue naman lahat ng hayop sa circus at maibabalik na ito sa natural habitat nila. Samantalang nakatakas naman si Ethon at ang mga tauhan nito. Totoo ngang tila isa itong palos sa galing makalusot sa ganitong mga sitwasyon. "GOOD job guys!" bati naman ni Troy sa mga kaibigan habang nasa opisina ulit sila ni Deric. "Nakalusot si Ethon." tila dismayado naman si Jaime sa nangyari. "Hey, don't blame yourself. You were alone there. I should've help you though." "Oo nga Jaime, mahuhuli din natin ang mokong na yun. Too risky rin ang ginawa mo. Mabuti at hindi ka natuluyan." "Are you alright?" tanong pa ni Clein kay Jaime at bahagya lang itong ngumiti sa kanya. NANG makabalik na sila sa tinutuluyan nila ay tinawagan muna ulit ni Jaime ang mama niya para kamustahin. Sinadya naman siya doon ni Yael. "Ah sige ma, I'll call you again ah? Good night. Bye." nagmadali namang nagpaalam na si Jaime dahil nakita niyang nasa bungad ng veranda si Yael at may hawak ring dalawang mug ng gatas. Lumapit naman na si Yael sa kanya at hindi niya ito inaasahan. Simula ng magkasama sila ay hindi pa man din sila nakakapagusap ng solo. "May I join you here?" pagabot pa nito ng mug kay Jaime at inabot naman ito ng dalaga. Pareho silang nakadungaw sa mataas na tanawin. Halos kita rito ang buong city. Nakatingin lang si Jaime sa tanawin habang umiinom dahil hindi niya magawang tingnan ng matagal si Yael. Napansin naman ni Yael ang bakas sa leeg ni Jaime dahil sa pagkakasakal sa kanya ni Ethon. Balak sanang hawakan ito ni Yael para tingnan pero nagalangan siya na baka hindi yun magustuhan ni Jaime kaya hindi na lamang niya tinuloy. "Why — why are you here?" pambasag naman ni Jaime sa katahimikan nila. "I just — I just want to see you. How are you?" "I'm great. Nakakapag-adjust naman na ko sa buhay natin dito. Kinda exciting to be honest." "Well, how you been doing?" Tila hindi ito nagustuhan ni Jaime. "How's Angel?" sarcastic namang tanong nito sa kanya. Tila natahimik si Yael at hindi malaman ang isasagot. Hindi niya alam kung paano magsisimula. "I hope she got any better." sabay inom pa niya ng gatas. "She's not actually sick, Jaime." Tila natigilan naman si Jaime at napatingin kay Yael na kinabigla ang nalaman. "What are you saying?" "She's not sick. She doesn't even have a cancer like what she said to us." Tila naguluhan si Jaime at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Yael. Nangilid naman ang mga luha niya at hindi pa malaman ang sasabihin. "She also fooled me. Like what she did to you. I'm so sorry Jaime. I should have told you earlier but you are nowhere to find. I tried to look for you in years but there's no luck."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD