ILANG SANDALI PA lamang at habang mainit ang labanan nila Jaime at Fina, nakaramdam sila ng malakas na dagundong na tila lumindol. Halos mawalan sila ng balanse sa lakas ng tila impact na yun. "What the hell is that?!" sigaw pa ni Brookes. Natigilan naman sa paglalaban sina Jaime at Fina na tila malaki ang pagtataka dahil parang may kung anong sumabog at gayun din si Yael. Napansin kaagad ni Yael na tumayo at umalis si Ethon sa pwesto niya. "Dad?" bulong ni Jaime ng may mapagtanto at napatingin naman sa kanya si Fina ng marinig ito. "Jaime, let's go!" sigaw ni Yael kay Jaime at kaagad sila nanakbo palabas ng arena. Sinubukan pa silang harangin at pigilan ng ilang guards pero hindi na sila nagpapigil. "Brookes! Fina! Com'on!" sigaw pa ni Jaime sa dalawa at tila nagtaka ang dalawa p

