NAGMAMADALI NAMAN NA silang makalabas roon hanggang sa makarating kung saan banda raw naroon ang submarine na ginamit ni Clein. Naghandaan naman silang lahat para lumangoy na ng mapansin ni Brookes na may mga paparating ulit na mga guards sa gawi nila. "Ahm guys, they're coming!" "Com'on!" mula sa batuhan ay nagtalunan naman na silang lahat sa dagat at sumisid dahil paparating na ang mga guards sa gawi nila. Pinagbabaril naman sila nito sa tubig kaya minadali nilang makalubog kaagad. Habang nasa ilalim ay nagkasenyasan sila Jaime at Yael na lumangoy na ng makita ang submarine sa hindi kalayuan. Sinundan naman na sila ng iba papunta rito. Nang makapasok silang lahat sa submarine ay naupo naman sina Troy at Jaime sa magkatabing controller. "Agent Troy, do you copy?" saad pa ni Troy ng

