Part 27

1078 Words

TILA SARIWA PA sa pagiisip ni Jaime ang lahat ng kaganapang nangyari sa kanya. Mula sa pagkakatakas nila sa DOA at ang engkwentro nila ni Yael kay Bruce Tiongco. Tila binabagabag pa rin siya nito sa mga panaginip niya kahit pa alam niyang tapos na ang lahat at wala na si Bruce sa landas nila. "Yael!" Nasambit na lamang ni Jaime ng biglang magising ito mula sa masamang panaginip. Halos hinahabol niya ang hininga niya na para bang sinasakal siya. Napabangon siya ngunit nakapaupo pa rin mula sa kanyang hospital bed. May tapal pa ang sugat niya sa noo at sariwa pa ang mga gasgas sa iba't ibang parte ng katawan niya. Bakas sa kanya ang pangamba at takot dahil hindi niya alam kung ano na ba ang lagay ni Yael simula pa noong sumabog ang speedboat na sinasakyan nila. Yun na lamang ang huli niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD