AT THE SAME night... Tumakas ulit si Yael para sana sundan si Jaime ngunit alam niyang maraming nakabantay malapit sa opisina ni Bruce at mas active ang mga cctv sa paligid ng headquarters. Sinubukan niyang lumabas ng palasyo at nagmamasid sa paligid, nagbabakasakaling nakabalik na si Clein ng isla. May mga nagpapatrol na guards at umiikot-ikot na ilaw sa buong paligid ng palasyo at ng isla. Maingat naman niyang iniiwasan ang mga ito. Bumalik siya kung saan nakakulong ang ama ni Jaime, nagbabakasakaling maitakas na niya ito kung sakali mang dumating kaagad si Clein. Tinangka niyang muli buksan ang secret passage at sa unang attempt palang niya ay bumukas ulit ito. Ngunit bago pa man siya makapasok ay hindi niya inaasahan na may humawak sa balikat niya at pinigilan siyang tumuloy roon.

