Part 20

1020 Words
"PLAYERS! CONGRATULATIONS for all your wins. You made it to the semi-finals of the tournament." speech pa ni Bruce habang nagkatayo at nagsasalita sa may veranda. Lahat naman silang limang nanalo ay nakatayo sa gitna ng arena. Lumabas sa ere ang hologram ng vote tally nilang lima at kung sino-sino ang maaaring maglaban para sa huling slot. Nakita nilang pasok na kaagad dito sina Jaime, Yael at Fina. At ang mukhang magtatapat ng laban ay sina Brookes at Clein. "Whatta? Seriously?!" halos hindi naman makapaniwalang saad ni Brookes. Nagpipigil naman ng tawa si Fina dahil ang crush ni Brookes ang makakalaban niya. Napatingin naman ng masama si Brookes sa kaibigan. Wala namang nagawa sina Brookes at Clein at nagkatapatan na sila sa loob ng arena. Nanonood naman sa baba sina Jaime, Yael at Fina. "Poor Brookes, hope she can still kick his ass rather than smacking it." natatawa namang saad ni Fina at napatingin sa kanya sina Jaime at Yael. Tila napipilitan naman si Brookes sa gagawing laban kay Clein at hindi malaman ang gagawin. "I — just want you to know that — I don't mean anything of this. This is just a game, okay? I don't mean to hurt you." pagpapaliwanag naman kaagad ni Brookes at napa-smirk naman si Clein sa kanya. "I don't mind." Pero nagulat ang lahat dahil hindi nila inaasahan ang nangyayari. Lumuhod si Clein sa tapat ni Brookes at bahagyang tinaas ang dalawang kamay. "I surrender!" Sigaw nito at napalapit naman sina Jaime at Yael rito. Halos manlaki ang mga mata ni Brookes dahil hindi ito makapaniwala sa ginawa ng binata. "What?! What are you doing?! Are you out of your mind?!" "Are you sure that you have surrender, Clein?" tanong naman ni Bruce dahil napatayo rin siya sa nangyayari. "I'm sure I am. I surrender." Clein answered. "Ugh?" hindi naman makapaniwala pa rin si Brookes kaya halos hindi siya makagalaw sa kinakatayuan sa arena. Pagkababa nila ng arena ay kaagad na kinompronta ni Brookes si Clein. Tinulak niya ito sa pader at halos kornerin. "What is that? Why are you didn't fight against me?" seryosong tanong nito. Nangiti ng bahagya si Clein kahit pa halos masakal na siya sa braso ni Brookes na nasa leeg niya. "I — I can't put my hands on you. Unless, you want me to carry you again." Halos kilabutan naman si Brookes sa pagkabigla sa sinabi ni Clein. Napahiwalay siya rito at tila hindi makatingin sa binata. "You coward!" pag-walkout pa sana na ni Brookes. "I mean it!" pahabol pa ni Clein. Napahinto si Brookes sa paglalakad at saglit na tumingin rito ng tila nagtataka saka ulit tumalikod at naglakad palayo. Napansin naman ni Clein ang pamumula nito. "WHY did you do that?" bulong ni Jaime kay Clein habang hinahatid nila ang mga ito papuntang yacht na paghahatid sa kanila sa main port. Kaagad na pinauwi rin ngayong gabi ang mga natalo sa laban. "So, I could send back help to IRA and rescue everyone. Wait for us." mabilis nitong sagot at kaagad na sumakay ng yacht. "Good luck on us tomorrow." saad naman ni Fina bago tuluyang humiwalay sa kanila. Yumakap naman si Brookes kay Jaime. "Good luck on us. I hope this all went well." yumakap lang din naman si Jaime sa kanya pero nakatingin ito kay Yael na pasimple ring napatingin sa kanila bago ito tuluyang iwan din sila roon. Kaagad na pinapabalik sa kani-kanilang kwarto ang mga players para makapagpahinga para sa laban nito kinabukasan. Umaasa naman si Jaime na babalik si Clein kasama na ang backup nila para na rin matapos ang mission nito bago pa man ito matunugan nila Bruce at Ethon. Papalapit na si Jaime sa kwarto niya pero napansin niyang may dalawang guards na nakatayo doon at tila hinihintay siya. "May I help you?" nagtatakang bati niya sa mga ito. "Mr. Bruce wants to have a word with you." seryosong saad lang ng isang guard sa kanya. Sumama naman si Jaime sa mga ito patungo sa penthouse kung saan ang opisina ni Bruce. Papalabas sana si Yael ng kwarto niya ng napansin siyang dumaan nga ang guards at kasunod si Jaime kaya binalik niya ang pagsara ng pinto niya pero nakasilip siya sa maliit na uwang rito. Tila nagtaka naman ito bakit kasama sila ni Jaime. Pagkadating sa opisina ni Jaime ay nakita niyang nakaupo si Bruce sa table nito pero nakatalikod sa kanila. Nang maramdaman nito ang pagdating nila ay umikot ang upuan nito at nakangiting humarap sa kanya. "Jaime Madison. Glad to see you tonight, honey." "What do you want?" seryoso lang tanong ni Jaime "I just want to congratulate you for making here on the finals. I admit, I underestimated you. But you have impressed me really well." tumayo na si Bruce sa kanyang swivel chair at nilapitan si Jaime. "I guess, your father's death doesn't affect you in this competition. I apologize on what happened. I wish I could do something to save him." umarteng nalulungkot pa si Bruce rito pero nakatingin lang sa kanya si Jaime ng seryoso. "I've moved on. All I wanted is to win this tournament, and make all people involved in my father's death pay for this." Pero sa loob-loob niya hindi niya malaman kung bakit mas lumalakas ang kutob niya sa pagkakinalaman nito sa pagkamatay ng ama niya. Lalo pa’t nakita niyang kasama nito si Ethon. "I understand. I would like to do the same but — the secret organization is under protection of the government and some private sectors all over the world. Even me, I — I could go against them." "I'll do everything to give justice to his death." Napatingin ulit si Bruce kay Jaime. "But — if we work together Jaime, together we can take this organization down and make them all suffer to your father's death." tila proposal naman ni Bruce kay Jaime at napaisip ito sa sinabi ni Bruce. Napatingin uli si Jaime sa ibaba at tila nangingisi naman si Bruce dahil alam niyang makukumbinsi niya si Jaime na umanib sa kanya laban sa IRA dahil sa paggamit sa ama nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD