NAPAGDESISYUNAN NA LAMANG na ipagpaliban muna ang laban ni Yael at Shao Long kaya nag-proceed na sila sa huling laban na lamang, ang kay Jaime at sa isang real-life gladiator na si Maximus.
"I thought being matched with Wadea is bad, but this Maximus seems worse!" saad pa ni Brookes ng mapagtantong ito ang makakalaban ng kaibigan nila.
"I don't mind being match with him, he's hot though?" maarte namang saad lang ni Fina at napatingin si Brookes sa kanya ng masama.
"You ready, princess?" saad pa ni Maximus kay Jaime na magkatapat na sila sa arena. Seryoso lamang si Jaime na nakatingin rito.
Bago pa man magsimula ang laban ay napansin niyang dumating na si Bruce sa pinakataas na pwesto ng tila veranda para manood siguro ng laban nila. Pero kinabigla niya ng hindi inaasahan ang kasama pala nito. Si Ethon Hallisk.
Halos titigan niya ang mga ito habang naguusap pa na magkatabing naguusap para manonood sa laban niya. Napakulom na lamang siya ng kamao niya at alam niyang mas gigil siya sa laban na ito.
HABANG naglilibot si Clein sa likuran ng palasyo ay lumapit na siya bandang daungan ng mga speedboat at napansin na tila may papalapit na yacht rito. Nagtago muna siya sa taas ng puno at sinisilip kung anong meron dito.
Nang mahinto ang yacht ay bumaba ang ilang mga lalaking tila malalaki ang katawan at ang ilan sa kanila ay may dalang mga rifle.
Tila hindi naman siya makapaniwala na ang isa sa mga bumaba ay pamilyar sa kanya. "Ethon."
Nasambit na lamang niya ng makita ito at tila sinalubong at binati ng mga escort din ni Bruce. Naglakad ito papuntang headquarters ng palasyo.
Naisip niyang kailangan malaman ng mga kasama niya na narito na si Ethon upang maisagawa na nila ang misyong paghuli sa mga ito.
Nagmamadaling tumatakbo si Clein sa kakahuyan pabalik na ng arena area ng hindi niya inaasahang makakasalubong niya rin si Yael roon na tila nagmamadali ring tumakbo.
"Yael!" sigaw nito kaya napahinto si Yael at napalingon kung nasaan siya. Nilapitan niya kaagad ito na tila parehas silang hinihingal. "Where have you been, bro?"
"You wouldn't believe what I have discovered. I need to tell Jaime about this. It's his father. He's alive."
"Ethon, he's here too!"
Nagmadali naman din silang dalawa pabalik na sa arena baka sakaling maabutan si Jaime at makausap na ito pero naabutan na nilang nakikipaglaban na pala ito kay Maximus.
"Oh, look who's here." wika pa ni Fina ng makitang halos sabay nakarating doon sina Clein at Yael.
"Where have you been? You're almost lose to Shao Long by default."
Napatingin lang ulit sina Clein at Yael kay Jaime sa may arena at nakikipaglaban. Napansin na rin ni Clein sa may itaas na veranda sina Bruce at Ethon na nanonood sa laban at tila nagbubulungan magusap.
Nakita rin ito ni Yael at napatingin lang ng masama sa mga ito.
NANG malaman din ni Troy ang tungkol kay Ethon, sinusubukan niyang makapuslit para makapag-report sa IRA at makahingi na ng backup pero mahigpit ang security sa ngayon lalo't narito si Ethon at kasalukuyang nagaganap ang mga labanan.
Tila nahihirapan naman si Jaime sa laban kay Maximus dahil kahit malaking tao ito ay magkasingliksi sila. Tila natutuwa naman sina Ethon at Bruce panoorin ang laban ni Jaime.
"I'm sure she turns down her loyalty to the IRA." panigurado ni Bruce.
"You think she believes in you?"
"I know she did. Knowing her trusted organization that recruits her to take us down is the one behind her father's death. Jaime will be our alas against them."
"She could be a good ally though. I knew it was her in the circus."
Nang ma-armlock ni Maximus si Jaime at sakalin ito, sinusubukan ni Jaime na sikuhin ito sa katawan pero hindi ito tinatablan kaya ginamit nito ang dalawang daliri niya at tinusok ang magkabilang mata ni Maximus. Nasaktan ito at binitawan si Jaime, napuruhan ni Jaime ang kanang mata nito at dumudugo. Napahawak doon si Maximus at tila lalong nagalit.
Lumakas naman ang hiyawan sa paligid lalo ang mga kaibigan ni Jaime.
Sumugod ulit si Maximus at gayun din si Jaime. Pero imbes na makipagsalubong ng suntok ay lumusot siya dito at pinuntirya ang lalamunan ni Maximus dahilan para saglit mahirapan itong makahinga. Napaluhod ito at nakapahawak ang dalawang kamay sa leeg. Saka siya binigyan ng malalakas na sipa ni Jaime at napuruhan siya sa panga. Napabitaw si Maximus sa leeg at tila nakaluhod lang ng hindi man lang gumagalaw.
Nang sinipa ulit siya ni Jaime ay nasalo nito ang paa ni Jaime pero kaagad na nakabwelta ng sipa sa kabilang paa niya ito at tuluyang napabagsak si Maximus. Kaagad rin itong nawalan ng malay.
Naghiyawan naman ang lahat at napatayo naman si Ethon at pumapalakpak kay Jaime. Napatingin doon sa itaas si Jaime at nakita niya si Ethon. Pero ang paningin niya ay nakatitig lamang kay Bruce na seryoso ring nakatingin sa kanya.
Lumapit naman sa arena sina Brookes at Fina.
"Congrats Jaime! We're all going to kick each other's asses on finals!" natutuwang bati pa nito at saglit niyakap ang kaibigan.
"This is so exciting!"
Napansin naman ni Jaime si Yael na katabi ni Clein. Naramdaman niyang kailangan niyang makausap ang dalawa ngunit kailangan pa munang lumaban ni Yael kay Shao Long.
Kaagad umakyat ng arena si Yael at tinapik ang balikat ni Jaime. Hinabol lamang siya ng tingin ng dalaga.
Nagsimula na ang laban sa pagitan ng nila Yael at Shao Long ngunit tila naguusap pa ito bago simulan ang laban nila.
Habang nasa baba si Jaime kasama ang dalawang kaibigan, nagkakatinginan sila ni Clein ngunit alam nilang hindi sila maaari pang makapagusap lalo't sa harap ng maraming tao.
Ilang sandali pa ay tila hindi inaasahan ng lahat na ganoon kabilis ang magiging laban nila Yael at Shao Long. Kung kanina ay halos parehas sila ng galaw, ngunit biglang napabagsak at nawalan ng malay si Shao Long sa isang suntok lamang na ni Yael. Kinabigla rin iyon nila Jaime lalo na ni Fina.
"No way." bulong lamang nito ng makitang natalo ni Yael ang kasabwat.