HABANG PATULOY ANG laban ni Clein at abala ang lahat ng tao sa pagtutok rito, nagkaroon naman ng pagkakataon si Yael na makapasok muli sa headquarters ng DOA. Sa tulong na rin ni Troy, nakalusot siya sa mga cctv at guards na nakapaligid kaya sinamantala na niya ang pagkakataon.
Dumaan siya sa tagusan mula sa likod ng bundok dahil walang nagbabantay roon at hindi na rin masyadong nababantayan ang monitor sa cctv. Binigyan siya ni Troy ng card access para makapasok sa mga automatic doors ng hindi kailangan i-hack ang system at hindi na rin makatawag pansin.
Tila isang underground headquarters ang narito at wala halos tao. Pero may nakita siyang isang nagpapatrol na guard kaya kaagad siyang nagtago sa mga batuhan. Tila isa itong naayos na kweba. Nang makita ni Yael kung ano ang binabantayan nito ay napansin niya ang malaking bakal na pinto at mukhang isang malaking vault. Nang lumagpas ng paglalakad ang bantay ay kaagad niyang tinawiran ang parteng iyon at pumasok sa kabilang hallway.
May pinto siyang nasandalan at sinubukan niya ang card at kaagad itong nagbukas.
Pagkapasok niya ay tila isang buong IT team ang naroon at nakaharap lahat sa malalaking screen. Mukhang mga busy ito kaya hindi napansing nasa likuran lang siya ng mga ito. Tila doon sinasagawa ang lahat ng mga transaction sa mga pusta ng mga viewers bago lumitaw sa system ni Troy. Naghanap naman din siya kaagad ng pwedeng tagusan ngunit wala kaya lumabas na lang ulit siya.
Pagkalabas niya ay patungo na nga sana siya kabilang kwarto ng may makita siyang nagbukas na pinto mula sa pader ng batuhan kaya kaagad niyang tinago ang sarili sa gilid nito at inabangan kung anong meron doon.
Nakita niyang lumabas doon si Bruce kasabay ang tatlong bodyguards nito at kaagad na sinara ng isa ang pintong iyon. Sa unang tingin ay hindi mapapansin ang pintuan roon kaya hindi niya akalain kung anong mayroon dito.
Pagkaalis ni Bruce ay nilapitan kaagad ni Yael ang pintuan na tila nawala sa pader. Kinapa-kapa niya ang paligid rito at naghahanap ng paraan kung paano ito mabubuksan.
Nang may makapa siyang napipindot na parte ay umangat ito at naglabas ng mga finger print detector. Malamang ay finger prints lang ni Bruce ang narito kaya naglabas si Yael ng tape at maingat na tinapalan ang printing area para makita ang prints. Nang lumitaw ito ay tinuklap niya ang tape at muling tinapal rito ngunit na-reject. Kahit sa pangalawang pagkakataon ay rejected ang print at naglabas ito ng warning sa pangatlong try ay mag-a-alarm na ang security code sa wrong attempts.
Kaya inayos at tinantsang mabuti na ni Yael ang huling pagsubok niya para mabuksan ito at sa wakas ay na-accept din.
Bumukas ang pinto at kaagad siyang pumasok bago pa man may makakita sa kanya.
"Dito siguro niya tinatago ang mga files at hindi sa office niya sa penthouse." bulong naman ni Yael sa sarili habang binabaybay ang madilim at makipot na daanan. May nakita siyang hagdan pababa kaya naglabas na siya ng maliit na flashlight para makita ang lalakaran pababa.
Bago pa man niya marating ang ibaba, may napansin siyang kaunting liwanag kaya kumapa siya at naghanap sa gilid kung saan maaaring may switch ng ilaw sa tila isang silid.
Nang may mapindot siya ay nagliwanag na ang buong lugar at tila natigilan si Yael sa nakita sa harapan niya.
May isa pang silid na nasa loob at tila isa itong kulungan. Nakita niya ang isang lalaking nakaupo at nakatalikod sa kanya. Hindi malaman ni Yael kung ano bang mayroon dito at sino ang tila isang bilango sa loob nito.
At tuluyang nahulog ang panga niya ng unti-unting humarap sa kanya ang lalaking puti na lahat ang buhok at mahaba na ang balbas at bigote.
"Ge -- General?"
Nakita naman siya ng may kaedaran ng lalaki at tila nabigla. Lumapit ito sa bintanang harang sa kanila na tila purong makapal na salamin.
"Who are you?" tanong nito kay Yael. "Where's Bruce?" tila nangangamba ito.
"General Madison."
Halos hindi naman makapaniwala si Yael sa natuklasan. Ang ama ni Jaime. Buhay pa pala ito at nakakulong lang pala rito.
MATAPOS ang pagkapanalo ni Clein kay Oswald, kaagad na in-announce ang sunod na laban. Sa pagitan ito ni Yael at ang kaibigang si Shao Long.
Ang lahat ay nagaabang na kay Yael sa fighting area dahil naroon na rin si Shao Long at nagaabang sa laban nila.
Hindi naman maintindihan ng lahat kung bakit wala pa si Yael rito. Alam ni Troy na naglilibot kung saan si Yael pero hindi niya rin alam kung nasaan na ba ito.
"Where is he?" bulong lang ni Clein sa sarili at tumitingin pa sa paligid hanggang sa makita niya si Jaime na wala ring imik lang pero halatang nagaalala na rin sa nangyayari ngayon.
Nagpasya si Clein na umalis sa arena area at sinubukang hanapin si Yael.
Papalapit pa lamang siya sa loob ng palasyong headquarters ng DOA ng makita niya si Bruce na tila galing sa likod ng building kasama ang mga bodyguards nito kaya nagtago kaagad si Clein sa likod ng puno at sinisilip lamang ito hanggang sa makapasok sila sa loob ng headquarters.
Kaagad siyang nanakbo at tumungo sa lugar kung saan tila nanggaling sina Bruce. Dumiretso nga siyang likuran ng palasyon at wala namang kakaibang narito. May mga ilang guards sa paligid hanggang sa may malapit sa dagat at mga speedboats.
Naglakad pa roon si Clein at naglibot baka sakaling may senyales ni Yael sa paligid, at kung ano nga bang meron doon at bakit nanggaling doon si Bruce.
"Why the fight hasn't started yet?" bungad na tanong ni Bruce ng makapasok sa office nila Troy na mga nakatutok sa monitor.
"Yael isn't yet at the arena, doctor." sagot ng isa ring operator kagaya ni Troy.
"10mins. If he wasn't showing yet, it will be default."
"But sir, the viewers will be backing out their bets if there will be no fight between of them."
"It will also affect the next fights and lose some bets." dagdag pa ni Troy na ayaw din ma-default ang kaibigan.
"Check all the cctv system to find Yael. Make sure he's not escaping the island at this moment." saad pa ni Bruce saka umalis at iniwan na ang mga operator doon.
May mga iilan na nag-check nga ng cctv system at nakitang nasa paligid ng isla si Yael pero kaagad na na-corrupt ang copy ng cctv kaya nagtaka rin ang lahat. Mabuti na lamang ay nabura na yun ni Troy bago pa man siya mahalata ng mga kasama niya.