Part 15

1011 Words
HALOS MAPABALIKTAD NAMAN si Yael sa pagkagulat ng tinawag at tinapik siya ni Troy mula sa likuran. "Jesus, man!" "Sorry. Saw you in the CCTV heading down here. Pinalitan ko kaagad yung camera system para hindi ka mapansin." Paliwanag pa ni Troy rito. "Thanks man. How you been doing inside?" "So far, so good. Mahigpit ang system. Si Bruce lang ang halos may access sa lahat. Recording ang monitoring lang talaga kami then ipapasok sa system niya, once na makapasok na ang data ay wala ng ibang makakakita noon kung hindi siya lang. At yun ang kailangan kong ma-hack. Kailangan kong malaman ang history battle at details. " "That sucks." "Uhm by the way, be prepared for your first match by tomorrow. It will Neon." "Neon? That street kid? Are you serious?" tila nangamba naman si Yael dahil mukhang bata pa ang match niya. "Well, let's just see. His physical results are more than I expected. He's good at Capoeira." "GET ready... Fight!" At nagsimula na nga ang DOA battle. Sunod-sunod ng nalalaman ng mga players kung sino ang match nila at nagsimula na rin ang mga laban nila. Natapat nga si Brookes kay Phuk Ma at tila hindi inaasahan ang Muay Thai skills nito sa Wrestling skills niya. Pareho rin naman silang maliksi. Si Fina naman ay natapat din sa isang babaeng Japanese Ninja na si Ayako kaya ang laban nila ang pinaka inaabangan ng mga audience. Assassin vs. Assassin. Habang sina Yael ay natapat kay Neon na mas mabilis kumilos sa kanya. At si Clein ay natapat kay Juancho na isang Brazilian Jiu-jitsu expert. Habang lahat ay abala sa mga laban nila, abala rin si Troy sa pagre-record ng mga battle system, sinusubukan niyang kumuha muna ng kopya bago ipasok sa system ni Bruce. Siya rin ang nagaayos ng tally system kung sinu-sino na ang pasok sa susunod na rounds. Nanalo na sa mga laban nila sina Yael at Clein, gayun din sina Brookes at Fina na halos napuruhan ito kaya nagpapagaling na sa clinic. Napansin niyang si Jaime na lang yata ang hindi pa naisasalang sa laban sa mga ito. Nang nakita niya kung sino ang match nito ay tila nagtaka siya dahil kanina lamang ay si Sonya ito, isang Karate world champion, ngunit bago pa man mai-announce ay napalitan ito ng isang Israeli military Krav Maga expert na si Wadea. "This can't be serious." bulong na lang ni Troy sabay ayos ng salamin niya. Napatingin siya sa gilid niya kung saan nakatayo si Bruce at nanonood ng mga laban ng players through monitor ng mga camera. Nakita niyang nakangisi ito habang pinagmamasdan ang mga laban. "Since she decided to stay, let's see what she got as she has the same spirit with her father." Alam ni Troy na may kinalaman ito para mapabagsak kaagad si Jaime sa unang round palang. Wala naman siyang nagawa kung hindi ilagay na sa system ang laban ni Jaime. Dahil ito na lang ang natitirang match para makompleto ang sampung slot sa susunod na round. Kumagat na ang dilim pero tuloy pa rin ang huling laban. Ang lahat ay nakatutok rito dahil ito ang huling laban at hindi inaasahan ng lahat ang ganitong match. Nanonood sina Clein at Yael sa malaking monitor sa field kasama ang ilang players na nanalo. Sina Fina at Brookes naman ay nanonood mula sa clinic dahil sinasamahan siya nito magpahinga. "Is it such a harsh fight?" komento pa ni Brookes na hindi makapaniwala sa match ni Jaime. "Let's see if she'll going to send home right away tonight." hindi man nagpapahalata pero nagaalala rin ito sa kaibigan. "This can't be serious, I thought Troy doing the matching? He shouldn't match Jaime to that --" pagaalala pa ni Clein. "I think she's good. Let's just have faith in her." kompyansa naman si Yael sa kakayahan ni Jaime. Maulan na at madilim sa may bakawan na parte ng isla. Parehong may military trainings sina Jaime at Wadea kaya sanay sila sa dilim at maputik na lugar. Magkaiba nga lang ang fighting skills nila. Kung sa unang tingin ay tila hindi sila match pero hindi ito alintana kay Jaime. Mas determinado siyang malaman kung anong totoong nangyari sa ama niya kaya kailangan niyang manalo. Magkaharap na sina Jaime at Wadea na nagpatunog pa ng mga daliri sa kamay sa harap nito. Sabay halos silang sumugod at umakma ng susuntok. Pero bago pa man sila maglapit ay sinipa ni Jaime ito sa sikmura at napatiklop naman. Hindi nito akalain ang gagawin niya. Nilapitan niya pa ito para tuhurin at napabagsak niya kaagad. Laking tuwa naman ng mga kaibigan niyang nanonood sa kanila. Napansin din ni Troy na tutok si Bruce sa laban na ito. Tumataas na rin ang bet ng mga audience kay Jaime na kanina ay halos kay Wadea lahat. Pagkabangon naman ni Wadea ay nasalubong naman niya ng magkasunod na suntok si Jaime na halos mapatumba ito. Halatang mas malakas ito sa kanya. Nakabawi naman din ng suntok si Jaime pero tila hindi nito ininda at ng muli siyang suntukin ni Jaime ay nasalo niya ang kamao nito at hinablot ang dalaga para ma-headlock. Nagpalakad naman sila sa mga bakawan habang nakasakal sa leeg ni Jaime ang braso ni Wadea pero isang saglit lang ay nabaligtad ni Jaime ang sitwasyon. Siya na ngayon ang may sakal kay Wadea habang nagpapalakad sa bakawan. Nabalibag naman ni Wadea si Jaime pero hindi ito nagpapatalo sa kanya. Naibalibag din siya ni Jaime pero kakaagad siya napabangon at biniyan ng mga tama si Wadea sa katawan bago nito sipain ng dalawang paa at halos tumilapon ito. "Com'on Jaime!" bulong naman ni Clein. Halata naman ang pagaalala nito at ni Yael na focus lang sa panonood. "Woah? Didn't expect how strong is she, isn't it? Though they're both in military trainings, still I like how she fights." "Guess, I have a close match on the next round." "So, you think I'm not that match enough for you?" Sarcastic namang ngumiti at tiningnan siya ni Fina na nakapaupo na sa kama sa clinic. "We'll see."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD