Part 16

1024 Words
PAGKABANGON NI JAIME mula sa mga natamo niya ay kaagad itong nakabawi at sinugod ulit ang kalaban. Sa pagkakataong ito nakapagpakawala siya ng mga suntok at sipa rito na hindi nailagan. Nang makahawakan nito ang kaliwang paa niya ay ginamit naman niya ang kanang paa at naipit nito sa ulo ang legs niya saka sinakyan sa leeg. Nag-vertical rin si Jaime mula sa likuran nila at halos napatilapon niya rin si Wadea. Naghiyawan at palakpakan naman halos ang lahat ng nanonood sa isla at gayun din ang mga audiences. Palihim naman nangingiti si Troy at napansin niyang nagiba ang aura ni Bruce. Sumeryoso ito at tila hindi gusto ang napapanood. Nagpatuloy naman si Troy sa gawain at alam na niyang lamang si Jaime sa laban. Mas lumaki naman ang mga bet ng viewers kay Jaime at tila nage-enjoy na rin siya sa larong ito. Parehong hirap ng bumangon sina Jaime at Wadea. Basa na ang buong katawan nila dahil sa ulan, putikan na rin silang dalawa kaya madulas na ang mga pagpapatama nila sa isa't isa. "Quite tough little girl." saad pa ni Wadea habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Nagkibit balikat lang naman si Jaime na may bangas na rin sa kanang cheekbone. "Aaahhh!" Sumugod ulit si Wadea kay Jaime at sinalubong din siya nito. Natapik ni Jaime ang suntok nito at nagantihan naman siya ni Jaime ng suntok sa sikmura. Bago pa man makakilos ito ay nabigyan na siya ni Jaime ng suntok sa mukha at sinipa ang paanan nito para mawalan ng balanse. Napuruhan din ni Jaime ang batok nito saka hinatak ang isang braso para mapakaladkad habang nasa ere bago malakas na binagsak ito sa sahig. Mabilis ang pangyayari pero hindi na nakabangon si Wadea sa pagbagsak na iyon. Naiwan namang nakatayo si Jaime sa harapan nito at tila natulala naman ang lahat ng nanonood. "She won! Woah!" sigaw ni Brookes na bumasag sa katahimikan nila sa clinic. Naghiyawan at nagbunyi naman ang lahat ng mapagtantong tapos na ang laban at nanalo nga si Jaime. "Yes!" hindi naman napigilan ni Troy na mapasigaw sa saya ng manalo ang kaibigan. Napatingin naman ng masama sa kanya si Bruce at kaagad siyang natahimik. Umalis ito at prenteng nilagay na ang pangalan ni Jaime sa huling slot para sa next round. Kompleto na ang sampung maglalaban-laban para sa semifinals. Lahat ng mga natalo ay kaagad na napauwi na at ang mga nanalo ay nasa pool area ulit para sa celebration. "Cheers!" -pagtama pa ng mga baso ng champagne nila Brookes, Fina at Jaime sabay inom. "Nice fight bitches!" dagdag pa ni Brookes pagkaubos niya ng iniinom. "See y'all at the next round!" pagtaas pa ni Fina ng baso niya. Tila hindi na nito inda ang sakit na natamo. "You sure you okay, Jaime? You had a tough fight earlier." pagaalala pa ni Brookes rito. "I'm all good." ngiti pa ni Jaime sa kanila at patuloy sila sa paginom. Napatingin naman si Jaime sa gawi ni Clein na nakatayo sa bar area at tila nagtaas ito ng baso sa kanya. Gayun din naman ang ginawa nito. Napatingin rin siya sa gawi ni Yael na umiinom ng beer habang katabi ang kaibigang Chinese nito na tuwang-tuwa rin na nanalo. Napansin ni Jaime na may bangas ito sa mukha at napansin ni Yael na napatitig doon si Jaime kaya hinawakan niya ang pasa niya at nagkibit balikat lang habang nakangiti sa kanya. KINABUKASAN ay habang nag-iintay ang lahat sa susunod na laban nila at nageensayo ang iba, nagtungo naman si Jaime sa opisina ni Bruce para makausap ito. "Jaime. The daughter of my best friend, Arkin. Is it amazing that I'm seeing him to you." pagbati ni Bruce kay Jaime ng pumasok ito sa opisina niya at nakitang nakatayo ito na nakatalikod sa kanya dahil nakaharap ito sa isang painting. "It's one of your father's work of art that he gave me on my birthday." dagdag pa ni Bruce ng mapansin na nakatingin si Jaime sa canvass painting. Alam ni Jaime na hilig ito ng ama at tinuturuan din siya nito mag-paint noong bata pa siya. "What happened to my father?" diretsong tanong ni Jaime ng harapin niya si Bruce. "God, you got his eyes." komento naman ni Bruce dahil ngayon lang din niya nakita ng malapitan at personal si Jaime. "I've known your father before he married Jeevan. We're been close since we got back from Iraq. It his idea that build this DOA foundation and become a tournament battle field for those best fighters all over the world." paliwanag pa ni Bruce kay Jaime habang nakatayo sila sa veranda ng opisina nito at nakatingin sa tanawin ng buong paligid ng isla sa baba. "My mother never told me about this my father's doing." "Your mother never agrees to this but she knows how your father wants to protect his family, especially you, Jaime." "They said my father died during the battle. Which battle?" "The truth is --" napabuntong hininga si Bruce bago pa man magsalita. "He was been assassinated by an intelligence organization of government and non-government movement. They think Arkin's idea of this competition is too defensive in human rights that's why they had him killed by their agents." Tila kinabigla ni Jaime ang narinig at nalaman tungkol sa pagkamatay ng ama. Hindi siya maaaring magkamali, ang International Reinforcement Association ang tinutukoy ni Bruce na pumatay sa ama niya. Halos mangilid naman ang luha niya pero hindi siya nagpapahalata kay Bruce. "He fought for his life with honor, he had him killed the spies before he loses his breath." Tuluyang tumulo ang mga luha ni Jaime dahil hindi ito makapaniwala sa mga nalaman. Mas hindi siya makapaniwala na ang organisasyon na nag-recruit sa kanya ay ang tunay na pumatay sa ama niya. Bumalik si Jaime sa kwarto niya at nagbabad sa bath tub niya. Iniisip niya pa rin kung totoo nga ba ang sinabi ni Bruce tungkol sa pagkamatay ng ama niya. Kung totoo man ang sinabi nito sa kanya na sinunog na ang katawan nila, bakit hindi man lang naiuwi ang abo ng mga labi ng ama sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD