MATAPOS NGA NG ilang araw ay nakatanggap na sila ng invitation mula sa DOA at nakapasok nga sila rito. Ngunit si Troy ay nakapasok bilang isa sa mga staff nila upang mas makapagimbestiga ito ng hindi napaghihinalaan dahil siya lang ang makakapagikot ng buong DOA na hindi mapagdududahan.
Nauna na si Troy sa DOA na tila isa raw itong malaking palasyo na nasa isang buong isla sa South Atlantic Ocean. Walang ibang daan papunta at paalis kung hindi dadaan sa karagatan o eroplano.
Ilang araw matapos makapasok ni Troy sa headquarters at mapakapaglibot rito ay nabigyan niya ng hudyat ang tatlo na may susundo sa kanilang eroplano pero mula sa himpapawid ay kailangan nilang mag-skydiving sa dagat at languyin papuntang isla. Parte daw ito ng hamon sa kanila bago magsimula ang labanan. At kung sino man ang hindi makarating kaagad bago lumubog ang araw ay hindi na maaari pang makasali.
Napaghandaan naman ng tatlo at kinabisado na nila kung saan sila maaaring dumaan kung sakali man saan parte sila bumagsak sa paligid ng isla.
Bumagsak si Clein sa harapan ng mismong palasyo ng DOA kaya hindi siya nahirapan makarating rito. Gayun din si Yael na naunahan lang ni Clein makarating doon. Ilang sandali pa ay tila wala pa rin si Jaime sa tagpuan ng mga players kasama ang iilan pa sa mga naimbita.
Nagkakatinginan naman sina Clein at Yael na alam na ang nasa isip ng isa't isa ngunit hindi sila maaaring magpahalata na magkakakilala sila kaya kailangan nilang kumilos na magkakahiwalay.
Nakita naman ni Troy sa system ng DOA na si Jaime at ang dalawa pang players ay napunta sa likuran ng compound kung saan ay walang ibang daan kundi kailangan nilang akyatin ang gabundok na lugar para makarating sa taas ng palasyo.
"Holy sh*t! Let's walk around to find a way up." saad ng isang medyo blonde na babae na may kalakihan ng katawan, halatang batak ito sa ensayo.
"We have no time, the sun will go down." sagot naman ng tila nasa 30s ng babae pero fit ito at mas matangkad sa kanila.
"She's right. We’re going to get up to that mountain." napatingala pa si Jaime para tanawin ang taas ng dapat nilang akyatin.
Naghanda naman silang tatlo at nagsimula ng umakyat sa mga bato-bato. Wala pa sila sa kalahati tila napapagod na sila at napapansin nilang papalubog na ang araw.
"We're not gonna make it on time." saad ng blonde.
"We have to work together." suggestion naman n ani Jaime sa kanila.
"I agreed."
Nagkatinginan naman silang tatlo at tila naghahanap ng paraan para makaakyat sila ng mas mabilis bago pa man sila ma-disqualified.
Nakakuha ng mga tali si Jaime at pinulupot sa sarili. Since siya ang pinakapayat at mas maliksi, siya ang naunang umakyat hanggang sa makakita ng malaking bato na pwede niyang pagbaunan ng pundasyon at kapitan ng mga tali na kakapitan at aakyatan ng dalawang naiwan sa baba. Hihilain din naman niya ang mga ito at gagamitin ulit ang mga tali.
Nag-work ang plano nila at nakakaakyat nga sila ng mas mabilis. Ngunit ng sa huling paghila nila Jaime ay lumubog naman ang batong tinapakan niya at napahulog siya. Kakaagad naman siyang nahabol at nahawakan sa kamay ng babaeng pinakamatangkad sa kanila habang nakahawak rin dito ang babaeng naka-blonde.
"Oh my! Can you please help your ass up here princess!" saad pa ng naka-blonde.
"Hold tight! Pull us!"
Nakaakyat nga silang tatlo sa taas at palasyo ng DOA. Tila namangha naman sila ng makita ito. Pang out of this world ang ganda nito at laki. Parang ngang sa mga video games lang makikita ang ganitong lugar.
"Glad you made it girls. Welcome to DOA. Please follow me, I'll take you to the main entrance and conduct you with the others." saad ng isang babae na tila nag-a-assist sa kanila.
Kung titingnan sa labas ay tila mukhang ancient palace ang buong kapaligaran at ang building ngunit sa loob ay modern style ito. Automatic glass and metal doors, fiber glass stairs at thick tiles flooring. Hindi mo aakalaing ganito ito sa loob.
Nakita na ni Jaime ang ilang players na nagiintay at hinanap kaagad ng paningin niya sina Clein at Yael.
"Muntikan na kayo." bulong naman ni Yael sa likuran ni Jaime pero hindi siya nito nilingon.
"Welcome to DOA. I present to you the founder and host of this year's tournament, Mr. Bruce Tioco." pag-announce naman sa paligid ng lobby at napatingin lahat ng benteng players sa may itaas kung saan para itong veranda.
Lumabas doon si Bruce at napakuyom si Jaime ng kamao niya. Hinala niya ay may kinalaman ito sa pagkamatay ng ama niya kaya kailangan niya itong alamin.
"Welcome players! This year, we have invited the best of best fighters all over the world. I'm glad you all made it. It is an honor for me to meet you and join to this competition. Best of luck players." speech pa ng Bruce.
MATAPOS ng introduction ay kaagad na naimbitahan ang mga players para sa recording system nila. Lahat ng player ay dadaan sa ganitong proseso para makasiguro rin sila ng physically and mentally fit ang mga ito. Kinabitan rin sila ng microchips sa katawan nila para ma-monitor kung nasaan sila at kinabitan ng smart watch bracelets kung saan doon nila makikita kung sino at saan ang mga laban nila.
Isa si Troy sa mga nagre-record ng mga data ng mga players. Habang nakatutok sa screen ay nilapitan siya ni Bruce.
"Zoom in camera 4." utos nito kay Troy at sinunod naman siya ito.
Si Jaime ang nasa camera 4 na ini-scan ang buong katawan para sa physical screening. Hindi naman kumikibo si Troy rito.
"Can't be wrong. That's Arkin's daughter." tila natutuwa naman ito na malaman na nakasali nga si Jaime sa competition. "Who would have thought?"
"Sup princess?" paglapit naman ng blonde kay Jaime na nasa pool party na sila ngayon bilang welcome party sa kanila.
"It's Jaime." sagot naman nito pagkababa ng iniinom na cocktail habang nakaupo sa bar area. Tahimik lang itong nagmamatsag sa paligid.
"Brookes." sagot naman kay Jaime at kinuha rin ang binigay na cocktail sa kanya.
Sabay silang napainom pa at nakitang papalapit sa kanila ang kanina rin nilang kasama.