Part 12

1100 Words
Para namang may kirot sa dibdib ni Jaime ng marinig ito. Hindi rin siya makatingin ng diretso kay Deric o kung kanino pa man. Tila lahat naman sila ay nagiiwasan ng tingin. "I know, what you've been all thinking -" "He's not like that." sabat ni Jaime at tila naiilang silang lahat tumingin sa kanya. "I know he left us when I was young but he did that for our safety. For our country's honor." halos mangilid ang luha sa mata ni Jaime. Natatahimik naman ang tatlo at tila ayaw makisabat. Alam nila ang ama ni Jaime ang pinaguusapan, at alam nila kung gaano nito hinahangaan at nirerespeto ang ama niya dahil isa itong huwarang nagsisilbi sa bayan. Halos gusto niyang sundan ang mga yapak nito pero hiniling na lang din ng kanyang ina na huwag na dahil ito rin ang kagustuhan ng ama niya. Ngunit noong nagpaalam ito kina Jaime para sa isang misyon ay hindi na ito nakabalik pa at dineklarang patay na matapos ng ilang taon na pagkawala nito. "We know Jaime. General Madison is one of the greatest and honorable officials whom sacrifice his life for our country. But it is also true that he's the one who built the DOA and his partner and a very close friend, Bruce Tioco." paliwanag pa ni Deric. Lumapit naman si Troy kay Jaime at tila dinamayan ito. "As I said, DOA became illegal now because they have started getting some bets from the audiences. By then, it is just a friendly competition until Bruce takes over the foundation because of Gen. Madison's disappearance." "You, see? It's not your dad's idea about the deadly tournament. They just made it like that." Pagdamay pa ni Troy rito. "There's something fishy about it." "That's what we thought too. But your mission is to find the missing agents and stop this competition." "How will we going to get in the DOA?" "We sent your data to their system and they have already reviewing it. In few days, they will be sent you a mail that they're inviting you to join to be the part of DOA battle." "Aren't they going to find out who we really are?" "We just put your original data base before being our agents here." sabay kindat pa ni Deric sa kanila.  HABANG nagiintay sa susunod na misyon nila ang apat ay puspusan naman na ang pagsasanay nila dahil sa pagkakataong ito ay hindi sila maaaring makagamit ng kahit na anong uri ng armas o sandata. Kailangan mapaghusayan nila ang special fighting skills nila dahil ito lamang ang magagamit nila sa oras na nasa DOA na sila. Nag-sparring sina Jaime at Clein ng kanilang kickboxing skills habang sina Yael at Troy naman ay Muay Thai at grappling skills nila. Halatang focus sina Jaime at Clein at hindi naman din pinagbibigyan ni Clein si Jaime sa laban nila. Kahit naka-gear sila parehas at ramdam pa rin ang sakit ng mga patamang suntok at sipa nila sa isa't isa. Nang napuruhan ni Clein si Jaime sa sikmura ay napabagsak ito ng malakas at napasigaw ng bahagya. Napatingin naman ulit si Yael sa kanila at kamuntik na nitong puntahan si Jaime pero nakita niyang tinutulungan na ito ni Clein. Napahinto na lamang si Yael at napatingin sa dalawa. Naalala niya ang paguusap nila ni Jaime noong nakaraan at tila hanggang ngayon ay wala pang maisagot sa kanya ang dalaga. Tila nahahalata na yata ni Clein ang pagaligid rin niya kay Jaime kaya halos ayaw na nito lubayan naman ang dalaga. Napatitig lang si Yael sa dalawa habang naguusap at nakangiti si Jaime. Napakuyom na lamang siya ng kamao. *Pak! Biglang sinipa ni Troy sa ulo at tila iyon naman ang nakapagpabalik sa wisyo ng binata. Nasa kalagitnaan nga pala sila ng ensayo. "Dude? Tf? Nandito ako oh?" Napahawak lang si Yael sa ulo niyang tinamaan dahil halos mapatumba siya ni Troy. Binalewala na lamang niya ito at nagpatuloy sila ni Troy sa laban nila. Tila mas naging determinado si Yael sa laban nila at napabagsak niya si Troy at na-headlock habang nasa likod siya nito. Nag-tap out naman din si Troy matapos ang ilang segundo. Narinig naman din nila Jaime at Clein ito kaya napukaw ang atensyon nila sa dalawa bago pa man mapakawalan ni Yael si Troy at tinulungan itong makatayo. "Getting good man!" pagapir pa ni Troy kay Yael. Nagtama naman ang tingin nila Jaime at Yael ng ilang segundo. Tila parehas nilang hindi ito inaasahan. Ngumiti si Yael kay Jaime pero tila nailang ang dalaga at umiwas kaagad ito ng tingin. Kahit pa halos hindi pinapansin ni Jaime si Yael ay hindi naman nawawalan ng pagasa ang binata sa kanya. Kapag nakakasalubong niya ito sa bahay ay binabati niya pa rin at sumasagot naman ito sa kanya. Kapag lahat sila ay nanonood ng movie ay pasimpleng tinatabihan niya si Jaime at hinahaplos ang buhok nito kagaya ng dati niyang ginagawa rito. Nang minsan ay tangkain niyang hawakan ang kamay nito ay akala niya ay iiwas ni Jaime ang kamay ngunit tila natulala ito at nanigas ang katawan. Naramdaman niyang nanlamig din ang kamay nito bago pa man agawin sa kanya pero hindi niya ito binibitawan kaagad na tila inaasar ang dalaga kaya hinayaan siya nitong hawakan ang kamay niya habang may dini-discuss si Deric sa kanila. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay napapansin na pala si Clein ito pero nagwalang bahala na lamang sa kanila dahil alam niyang wala rin siyang karapatan kay Jaime.   Isang gabi, habang ang lahat ay nagpapahinga na sa kani-kanilang kwarto, lumabas naman si Jaime mula sa silid niya at nagtungo muling veranda. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang ina ngunit dahil sa malalim na rin ang gabi kung kaya’t hindi na siya nasagot nito. Naka-upo muli siya sa carpeted mini salas doon habang nakayakap sa isang throw pillow, nakatingin lang siya sa kawalan habang minamasdan ang maliwanag na kalangitan dahil sa dami ng bituing naroon. “Hey?” Hindi naman gumalaw si Jaime o nagulat man dahil malayo pa lamang ay dama na niya ang yabag at presensya ng kung sino pa mang papalapit sa kanya. “I knew it, you’ll be here late again.” “Why are you here?” Prente namang naupo na lamang din si Yael sa tabi ngunit kaagad itong nahiga sa may hita niya na tila kinabigla ng dalaga. “Ano ba –” “Shh… Can we stay like this for a while?” Hindi naman na umimik si Jaime at hinayaan si Yael sa pwesto nila. “I missed you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD