Chapter23 Pagkauwi nila Snow sa bagong bahay na tinitirhan nila ngayon ay pinaliguan nga siya ng nilagang dahon ng dalandan.Pinahakbang din siya sa usok mula sa balat ng niyog.Mga kasabihang ginagawa ng mga nakalabas ng bilangguan para matanggal daw ang malas bago pumasok sa loob ng bahay. Agad siyang pumanhik sa kanyang bagong kuwarto.Naligo at nag-ayos nang sarili.Sa wakas ay tapos na ang kanyang kalbaryo at ngayon ay panibago na naman.Sa ngayon ay hindi pa alam ni Snow ang susunod niyang plano.Nang matapos siyang mag-ayos ng sarili ay lumabas siya at nagtungo sa kusina kailangan daw niyang kumain ng nilutong baboy sa kanya.Hindi man siya naniniwala sa mga kasabihang iyon ay wala namang masama kung susunod siya. "I don't know how to thank you, Jackie," ani Snow sa babaeng kaharap. "So

