Chapter22 Hindi tinanggap ni Snow ang alok sa kanya ni Ricky na pera upang makapag-pyansa siya sa kulungan.Kasalukuyang nakakulong ngayon si Snow habang nililitis ang kanyang kaso.Ayaw niyang tanggapin ang alok ni Ricky dahil malinis naman ang kanyang konsensiya.Kaya lang naman niya napatay si Samuel ay dahil ipinagtanggol niya ang kanyang sarili.Iyon lang at sapat na. "Bakit ayaw mong tanggapin ang alok saiyo ni Ricky?" ani Jackie sa kanya.Binisita siya nito nang araw na 'yun. "Ayos lang ako dito." Maiksi niyang sagot. "Hindi naman nila ako pinapabayaan. Isa pa everything here is free," kunwa'y biro niya. "Maganda pala ang maging preso," dagdag pa niya. "Pero...." Sumimangot sa kanya si Jackie. "Hindi ka ba natatakot na baka ahasin ko ang asawa mo?" May birong himig nito.Prangkahan ma

