Halos hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Paulit-ulit kong naalala ang itsura niya. He was crying and I can feel how much he was dealing with the pain I had caused him. Noong nakita ko ang mukha niyang puno nang sakit ay parang nadurog ang puso ko kasabay niya. Parang may pumupunit sa puso ko noong halos hilingin niya na sana sa kanya na lang si Samira. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. It felt like he was torturing himself especially when he pushed me and my daughter to live with him. Hangga’t nakikita niya ako at si Samira ay palagi niyang mararamdaman ang sakit mula sa mga kasalanang ginawa ko sa kanya. Dahil sa puyat ko kagabi ay hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog. Nagising na lang ako na mataas na ang sikat ng araw at wala na sa tabi ko si Samira. Kaagad

