Ilang gabi na ganoon ang nangyayari sa amin. Hindi ko mapigilang manliit sa sarili ko dahil halos parehong-pareho niya akong itrato ngayon tulad ng ginawa sa akin ni Bench noon. Parang sinasakal ang puso ko dahil tila naging ibang tao siya dahil sa sakit na naramdaman niya mula sa akin. Hindi siya ganito at kahit paulit-ulit ay hindi ko magawang masanay. Ngayon ko napagtanto kung ano ang kawalan ng ginagawa niya sa akin noon. Ngayon ko hinihiling na sana nakuntento ako sa kanya dahil hindi ko pala makayanan na siya na mismo ang halos bumababoy sa akin. Ang sakit sa pakiramdam na noon, halos sambahin niya ako. Noon ay ramdam na ramdam ko ang pag-iingat at respeto sa bawat haplos niya sa akin. Ang mga halik niyang malumanay at nakakahalina. The soft whispers of love he was saying on my e

