Muling dumaan ang isang linggo na hindi umuuwi si Kervy. Sa mga panahon na iyon ay sinunod ko ang sinabi ni Bench na hindi ko siya tatanungin tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanila ni Meng Liu. I don’t know but I can sense that Bench was not lying to me when he said that to me. Saka mas gugustuhin ko na makausap si Kervy tungkol doon sa personal so I have decided to just wait for him to go home. Kahit papaano kasi these past few days ay nakikita ko na ang liwanag ng pagbalik niya. Maaliwalas na madalas ang mukha nito noong mga nakaraang araw. Baliktad sa nagiging bungad niya sa akin noong nagdaang buwan na mukha siya laging pagod at stressed. Probably, there’s a good news in the making. Tuloy pa rin kami ni Bench sa kalokohan na ginagawa namin. Isa pang dahilan kung bakit ramdam k

