Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Bumitiw sa akin si Bench at ramdam kong maging siya ay nabigla nang bumungad sa amin si Kervy. Lumabas ito sa elevator at tumabi sa amin. He was holding his keys and he looked worried. “I was waiting for you to come home since five pero wala ka pa. Hindi naman kita matawagan o ma-text dahil gusto kong surpresahin ka. I was about to call you right now pero mabuti na lang at nandito ka na,” nag-aalalang sabi nito. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Pinipilit ko ang sarili ko na magsalita ngunit tila nalunok ko ang dila ko dahil sa pinaghalong gulat, kaba at takot na narito na nga siya sa harapan ko. I was not expecting him to come home, especially facing him right now! “Kervy, my man! You’re back! You surprised me as well!” wika ni Bench na tila na

