Muli kaming nagkatinginan ni Father Ethan. I felt like I can already imagine what’s going on inside his head. Lalo akong nahiya and at the same time ay natakot. Kung sa kanya nga ako nag-confess kanina ay malaki ang possibility na malaman ni Kervy ang tungkol doon kung gugustuhin niyang sabihin. I cleared my throat and took a deep breath. Nanginginig ang kalamnan ko habang hinahanap ang sarili kong boses upang magsalita. Pakiramdam ko ay lalabas na sa loob ko ang puso ko dahil sa labis na kabang nararamdaman. Para akong sasabog sa takot at kahihiyan. “U-Uhm, okay lang po siya…” matipid kong sagot. Nakita kong magsasalita pa sana ito nang mag-ring ang phone niya. Laking luwag sa kalooban ko nang nagpaalam siya saglit at lumayo para sagutin iyon. Naiwan kami ni Father Ethan. Nakita ko an

