Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Tila nakalimutan kong huminga dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Natatakot akong harapin siya but I know I had to face him and embrace the truth that he was really here and Bench purposely said those statements while he was listening to him. Dahan-dahan akong umikot para harapin siya. Sa bawat paghinga ko ay ramdam ko ang unti-unting pagbalatay sa akin ng sakit habang nakikita ko ang mukha niya na may blankong expression. “K-Kervy…” namamaos kong sabi. “Sagutin mo ako, Suzetthe. Totoo ba lahat ng narinig ko kay Bench?” mariin na sabi nito. I wanted so badly to explain and defend myself but what for? Pagod na akong magtago and maybe, ito na ang tamang panahon para malaman niya. I had been keeping this secret for a long time already. Siguro n

