Araw ng Linggo at nangako si Kervy na hindi ito aalis sa tabi ko. Hindi ko na rin ginawang big deal iyon masyado dahil uuwi na rin naman ako mamaya. Hindi makakabuti kung magkakaroon pa kami ng hidwaan bago magkalayo. It’s better to leave something memorable here with him para naman pareho kaming may baon sa oras na nagkalayo na kami ulit. We’ve decided to go out for a date. Mamasyal sa labas at kakain ng lunch bago kami umuwi para sa paghahanda ko sa pagbalik sa Manila. His family is full support on it. Pansin ko ang katahimikan kay Keira at ang kakaibang tinginan ng mga tita ni Kervy which was really off. Maybe I’ll ask Kervy later about it. Natapos akong mag-ayos ng sarili. I was told by Kervy to wear anything comfortable that’s why I wore a cotton shirt and a maong pants. Nauna si K

