Kabanata 3

2159 Words
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigla ay ako naman ang hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa pagkabigla. “H-Huh? Nagpapatawa ka ba, Kervy? Kung ano-ano iyang pinagsasabi mo…” Pilit akong tumawa pero napahinto rin nang makita ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. Nakaramdam ako ng pagka-ilang. Pinipilit ko ang sarili ko na magsalita ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Isn’t it too fast? Parang kalian lang ay kakakilala pa lang namin sa isa’t-isa. Oo, mabilis kaming naging close pero hindi pa naman namin talaga lubusang kilala ang isa’t-isa to the point na magugustuhan niya ako o magugustuhan ko siya. Gwapo siya, oo! Pero hindi naman iyon sapat na basehan para magustuhan ko siya ‘no. Natataranta talaga ako. Nahihiya at kinakabahan sa itsura niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at feeling ko ay na-on the spot niya ako. Maya-maya ay nagulat ako nang bigla itong humagalpak ng tawa. Napangiwi ako at napatitig sa kanya. Pinagti-trip-an ata ako ng lalaking ito! “You should have seen your face, Zetthe!” Napahawak pa siya sa kanyang tiyan bago ipinagpatuloy ang pagtawa. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko naiisip na lalagpas kami ni Kervy sa pagiging magkaibigan, sa ngayon. I’m just enjoying his company and I liked that I am so comfortable with him. Sa kanya pa lang ako nagiging ganito kakampante lalo pa at sa lalaki, simula nang makarating ako dito sa Manila. Dumakot ako ng maraming fries at sinalpak sa nakabuka niyang bibig ang mga iyon. Halos mapaubo siyang muli dahil sa pagkabigla habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Tawa pa, Kervy! “Ang epal mo, Kervy! Bwisit ka! Kinabahan kaya ako sa’yo!” Pilit niyang nginuya ang pagkaing isinalpak ko sa kanyang bibig. Inabot niya ang tubig at mabilis na ininom iyon. Pinunasan niya ang kanyang labi bago ako sinamaan ng tingin. “Nagbibiro lang naman ako! Grabe kang babae ka,” iling nito. Inirapan ko siya saka nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos kami ay hinatid niya na ako sa unit ko. Alam na alam niya na iyon kung saan dahil madalas talaga ay hinahatid niya ako pauwi. Pakiramdam ko nga ay na-chi-chismis na ako dito sa amin dahil sa madalas na paghatid sa akin ni Kervy. Wala naman akong pakialam doon dahil hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanila. Hindi ko naman sila close at hindi ko sila friends so why do I owe them something to explain? Alam ko naman ang totoo sa amin ni Kervy and we’re just friends. Hinarap ko si Kervy at nginitian. “Salamat sa paghatid,” wika. Mapaglaro itong tumingin sa akin. “Anong salamat? Hindi uso pasasalamat dito, Zetthe. Ambag ka naman sa gasolina ko,” pang-aasar nito. Kaagad ko siyang sinuntok sa braso. Kinuha ko ang wallet ko sa aking bag saka palihim na kinuha ang laruang ipis doon. Mariin kong itinago sa aking palad ang hawak kong ipis. I saw him watching me intently na tila ba nararamdaman niya na may hindi ako magandang naiisip sa utak ko. Inilahad ko ang aking kamay sa harapan niya. He looked at my hand suspiciously. “What are you thinking, Zetthe?” nagdududang sabi nito. I shook my head. Pinandilatan ko siya ng mata at ngumuso sa aking palad. Gusto kong ilahad niya rin ang kanyang palad sa ibabaw ng aking kamay para kapag inilagay ko itong laruang ipis ay hindi siya makakapalag dahil hawak ko ang kamay niya. Gusto mo ng biruan ha? Pagbibigyan kita. Dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa aking palad na tila nakikipag-apir sa akin. Hinawakan ko iyon at ibinaliktad upang makaharap ko ang kanyang palad. Kaagad siyang naging alerto at pilit na binabawi ang kanyang kamay. “W-What are you doing?” kinakabahan na sabi nito. Nagpipigil ako ng ngiti habang nakatingin nang diretso sa kanya. “Magbabayad lang ako, Kervy. Naniningil ka ‘di ba?” I said playfully. Napalunok ito at napatitig sa isang kamay ko kung saan nakatago ang laruang ipis. He told me one time how scared he is with cockroach. Sobrang nandidiri raw siya sa pakiramdam ng ipis na gumagapang sa balat niya. Dagdag pa ang hindi nito kaaya-ayang amoy sa tuwing napapatay kaya diring-diri talaga siya. Noong una ko ngang nalaman iyon ay tawang-tawa pa ako. Lalaking tao ang arte-arte at takot sa ipis. Mahirap talaga kapag anak-mayaman. I have already did this prank on him the last time kaya alam kong nagdududa talaga siya pero hindi siya makakapalag sa akin. Idinikit ko sa kanyang palad ang ipis saka mabilis na bumaba ng sasakyan. Kumaripas na ako kaagad ng takbo palayo doon hanggang sa makapasok ako sa unit ko. Tawang-tawa ako dahil narinig ko pa ang sigaw niya kahit nasa labas na ako ng sasakyan. Ako pa talaga hinamon niya sa asaran, alam naman niyang hindi ako pakakabog sa kanya. Nakangiti ako habang naghuhugas ng plato. I can imagine his face when he realized what I gave him. Buti na lang at limang piso lang iyon kaya pwede pa ako ulit bumili para panakot sa kanya next time. Baka magamit ko iyon sa kanya in case of emergency. Saktong pagkatapos ko ay narinig ko ang pag-ring ng phone ko. Sa pag-aakalang sila Mama iyon ay dali-dali ko iyong kinuha at sinagot. “Hello…” Napahinto ako nang marinig ang boses ni Kervy. Awtomatiko akong napatawa nang malakas. “Sasamain ka talaga sa aking babae ka!” sigaw niya. Ngumisi ako sa kanya. “Bakit na naman? Binayaran ka na nga eh. Imbis na mag-thank you ka!” sigaw ko sa kanya. “Nakakadiri talaga, Suzetthe. Saan mo ba nabibili ‘yon? Feeling ko mapapanaginipan ko ‘tong ipis na ito mamaya!” Lalo akong napatawa. Napaka-OA! Ginawa ko ang mga assignments ko sa gabing iyon. Maaga pa ang pasok ko bukas at may mga quizzes ako sa ibang subjects. Malapit na kasi ang exam week kaya kailangan ko na ulit magbatak sa pag-aaral. Hindi ako matalino, medyo masipag lang at nakakakuha ng katamtamang taas na grades. Average, kumbaga. Ang swerte ko nga dahil kahit kalian ay hindi ako nakarinig kila Mama ng kahit ano sa tuwing may natatanggap akong hindi magandang grade. Wala akong nararamdamang pressure sa kanila kaya maayos akong nakakapag-aral dito. Kinaumagahan ay nahuli na ako ng gising. Hindi na ako nakakain at pagkatapos kong maligo at magbihis ay kaagad na akong umalis. Anong oras na kasi ako natapos kagabi at dahil sa pagod ay napasarap ang tulog ko. Hindi ko manlang naramdaman ang pagtunog ng alarm ko! Pagkarating sa room ay dumiretso ako kaagad sa upuan ko. Inilabas ko ang isang notebook at nagbasa saglit habang naghihintay sa professor namin. Medyo hindi ako makapag-focus dahil ang iingay ng mga kaklase ko. Kanya-kanyang pwesto na sila kung saan sila pwedeng magkopyahan. Kanya-kanyang pagtatago na rin sila ng mga kodigo nila. Pambihira. Ang lala talaga sa college. Wala ng kinatatakutan. Napagpasyahan kong lumabas muna ng room. Sumandal ako sa pader. Wala na gaanong tao sa hallway kaya naman matiwasay akong nagbasa doon. Pilit kong sinasaulo ang mga terms at ibang formula na covered para sa quiz naming ngayon. Nakapikit ako habang ni-re-recite sa utak ko ang mga iyon. Halos mapaigtad ako nang may kumalabit sa balikat ko. Pagkadilat ko ay nakita ko si Kervy na nakangiti nang malalaki sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Isinara ko ang aking notebook saka mapang-asar na tumingin sa kanya. “Kamusta? Nakatulog ka ba ng payapa?” pang-aasar ko. Napanguso siya saka malakas na kinurot ang pisngi ko. Kaagad akong napangiwi at napadaing sa sakit. Ramdam ko ang gigil niya sa paraan ng pagkurot niya sa pisngi ko. Natitiyak ko na pagkatapos nito ay mamumula ang mukha ko. “Ang cute-cute mo talaga sa umaga, Suzetthe! Good morning!” bati nito. Sinuntok ko siya sa tiyan kaya napabitaw siya sa akin. Tumatawa siya nakatingin sa akin at tila hindi ininda ang pagkakasapak ko sa kanya. “Ang sakit ng pisngi, Kervy!” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at naramdaman ang pag-iinit niyon. Lalo itong napatawa. “Ayaw mo niyon? Natural blush,” nakatawang sabi nito. Napahinto kami sa pagbabangayan nang may tumikhim sa likod namin. Sabay kaming napalingon doon at nakita ang professor ko. Napatayo kami nang tuwid at bumati. “Ang aga niyo naman maglandian at talagang sa harap pa ng room ko. Ms. Buenafe, nakapag-aral ka na ba?” striktang sabi nito sa akin. Napakagat ako ng labi at humingi ng paumanhin. Pinandilatan ko ng mata si Kervy. I urged him to go already. Mabilis itong tumango at umalis. Pagkapasok ko sa room ay ramdam ko ang bigat ng tingin sa akin ng professor ko. Mukhang kasalanan ko kung magiging mahirap ang quiz namin ngayon ah. Palibhasa kasi ay matandang dalagang inggitera. Sumakit ang ulo ko pagkatapos. Unang subject pa lang pero pinadugo na kaagad ang utak namin. Feeling ko talaga ay nadagdagan ang hirap ng quiz dahil sa inis niya sa akin eh. Pambihira naman oh. Mukhang kakailanganin ko tuloy bumawi ng malaki sa major exam. Sana naman ay huwag kong maranasan ang unang bagsak sa subject na ito. Sana huwag niya akong pag-initan sa mga susunod na araw parang awa. Dumiretso ako sa susunod kong mga subject. Mabuti na lang at kahit papaano ay pamigay pa ang mga quiz ko doon. Nang mag-lunch break ay para akong lantang gulay habang naglalakad papuntang canteen. Dito na lang siguro ako kakain dahil wala na akong lakas at tinatamad na akong lumabas pa ng campus. Umorder ako ng usual na kinakain ko sa canteen. Paulit-ulit lang kasi ang ulam. Minsan ay nauumay na rin ako kaso wala talaga akong choice. Gutom na gutom rin naman ako ngayon dahil hindi ako nakapag-almusal kanina kaya kahit anong pagkain ngayon dito ay masasarapan ako. Dala ko ang tray saka dumiretso sa bakanteng lamesa. Mag-isa akong kumakain. Tuloy-tuloy at walang tubig-tubig. Ngayon ko naramdaman ang gutom at pagod ko. Habang patuloy ako sa pagsubo ay naramdaman ko ang isang tao na umupo sa harapan ko. Hindi na ako nagulat nang makitang si Kervy iyon. “Dahan-dahan lang, Zetthe. Baka pati ang plato ay makain mo na,” natatawang sabi nito. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Nagsimula rin itong kumain habang naaliw sa panunuod sa akin. Tinignan ko ang pagkain niya at nakitang bukod sa pagkain na binili na rito sa canteen ay may nilabas siyang tupperware mula sa kanyang bag. Uminom ako ng tubig at tumingin doon. “Ano ‘yan?” kuryosong tanong ko. Kukunin ko sana iyon nang mahina niyang tinampal ang kamay ko. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Titignan lang eh! “Ubusin mo muna ang pagkain mo bago mo ‘yan pakialaman. Takaw-tingin ka na naman eh,” wika nito habang kumakain. Nagkibit-balikat ako saka pinagpatuloy ang aking pagkain. Kaunti na lang naman iyon. Nang matapos ay kinuha ko na iyon at binuksan. Nagningning ang mata ko nang makita kong chocolate cake iyon. Sakto at naumay ako sa kinain ko. “Sinong may birthday?” tanong ko. Humalakhak ito. “Kailangan ba may birthday para magkaroon ng cake?” Napanguso ako saka tumango. “Oo, sa amin ganoon eh. Kapag may okasyon saka lang bibili ng cake,” wika ko. Nakangiti itong umiling. “Wala namang okasyon sa amin. Nagugulat na lang din ako at may mga kung ano-anong pagkain sa ref kaya naisipan kong dalhan ka. Kawawa ka naman baka kasi hindi ka pa nakatikim ng chocolate mousse,” asar nito. Kaagad ko siyang sinipa sa binti. Napadaing siya nang malakas kaya naman may iilang tao sa canteen ang napatingin sa amin. Nakangiti akong umiling at humingi ng dispensa sa mga ito saka muling hinarap si Kervy. “Nakatikim na ako niyan, bwisit ka. Ikaw ang aga-aga nanggigil ako sa’yo ha.” Kinuha ko ang cake at sinimulang lantakin iyon. “Ano na naman ang ginawa ko sa’yo? Ako nga itong dapat na manggigil sa’yo dahil sa ginawa mo sa akin kahapon,” nakasimangot na sabi nito. Hinihimas niya ang kanyang binti at masamang nakatingin sa akin. “Pinag-initan ako ni Mrs. Cruz kanina! Bwisit ka kasi bakit mo ba ako pinuntahan sa room kanina? Akala pa tuloy mag-jowa tayong naglalandian.” Umismid ito at pumangalumbaba sa akin. Diretso ang kanyang tingin kaya napaupo ako nang tuwid. “Bakit, bawal ka na ba bisitahin sa room mo? Saka hayaan mo siya sa iisipin niya. Makakalimutan niya rin iyon. Matanda na iyon eh,” kalmadong sabi nito. Muli ay nagkibit-balikat na lamang ako at sumang-ayon sa kanya. Nakakalahati ko na ang cake nang tumikhim si Kervy. “Baka gusto mo akong bigyan?” Tumititig ako sa kanya at inilapit sa akin ang tupperwear. “Meron naman sa inyo ah. Doon ka na lang kumain. Sabi mo para sa akin ito. Makikihati ka pa,” wika ko sa kanya. Napatawa ito sa sinabi ko. “Ibang klase ka talagang babae ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD