“Gabi iyon at nagulat kami ng Papa mo nang makita namin si Kervy sa labas ng bahay natin sa Davao. Maayos niya kaming kinausap. Humingi rin ito ng tawad para sa mga nasabi niya sa’yo at para na rin sa gagawin nitong hindi pagpapakita sa’yo pansamantala. Nakiusap siya na pumayag kaming umuwi para masamahan ka sa pagbubuntis dahil hindi niya pa raw iyon magagawa sa mga oras na iyon dahil hindi pa naghihilom ang sugat sa puso niya,” panimula nito. “Ito ang sumagot ng lahat ng gastos sa pagpunta namin dito. Sinabi niya ang lahat ng plano niya at isa doon ang hindi naman talaga paglayo sa’yo. Halos sa buong durasyon ng pagbubuntis mo ay gabi-gabi siyang umuuwi kahit saglit para mabantayan ka. Palagi namin siyang sinasabihan kapag malalim na ang tulog mo. Hindi rin naman siya nagtatagal ng mga

