Kabanata 12

2163 Words
Napahawak ito sa kanyang batok at tila hindi mapakali. Umangat ang isang kilay ko habang unti-unting umuusbong ang malapad na ngisi. “Oh, bakit ka ganyan? Nahihiya ka ba? Huwag kang mahiya, makikita mo rin namang suot ko ang mga ito,” dagdag asar ko pa sa kanya. Halos maihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha niya. Kita ko rin ang matinding pamumula ng tenga niya. I looked around and saw the disappointed look of all the women watching us. Mahina akong tumawa habang kumukuha ng ilang pares ng underwear saka umalis na doon. Kervy followed me silently. Naramdaman ko ang pagdikit ng braso niya sa akin. Pasimple itong bumulong sa akin habang diretso ang tingin sa dinadaanan namin. “That’s not funny, Suzetthe,” malumanay na sabi niya. “What? Why?” patay malisya kong tanong. “What you just said is inappropriate. It’s obvious that you did it in purpose,” kalmado pa ring sabi niya. Hindi ko napigilang sumimangot. “I really did it in purpose. Para lubayan na tayo ng mga tao na kanina pa sunod ng sunod sa atin. Why can’t we enjoy shopping without them disturbing us? Kung may tanong naman ako ay kukunin ko ang atensyon nila. Hindi nila kailangang magpapansin lalo na sa’yo,” naiiritang paliwanag ko. Dumiretso ako sa isang rack na puro mga damit. I focused myself there dahil naiinis ako kay Kervy. Palibhasa kasi ay hindi niya ako naiintindihan. Hindi ko rin siya maintindihan dahil wala namang klaro sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano ba dapat ako makitungo sa kanya. Habang namimili ng damit ay naramdaman ko muli ang pagdikit niya sa akin. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon nang pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Parang nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. “Hold my hand so that they will know that I’m off limits anymore, Suzetthe. Huwag mo akong bibitiwan. Dito ka lang sa tabi ko,” he said softly. Napalunok ako. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin at sinikap na mag-focus sa pagtingin ng damit na nasa harapan ko pero lahat ata ng atensyon ko ay nakatuon na sa kamay naming dalawa. This is the first time he held me like that. Noon naman ay nahahawakan namin ang kamay ng isa’t-isa pero hindi katulad ngayon. My hands felt smaller than his pero tila perpekto ang pagkakahawak namin sa isa’t-isa. It felt comfortable holding his soft hand like this. Dahil natutuliro na ako ay sinabihan ko siya na ayos na ang mga kinuha ko at bayaran na namin ang mga iyon. Hawak pa rin niya ang kamay ko at napapansin ko ang pagbaba ng tingin ng mga babae na nakakasalubong namin doon. Pagkarating namin sa tapat ng cashier ay kaagad niyang inabot ang card sa babae. Matipid lang itong ngumiti kay Kervy at iwas na iwas ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil atleast, dahil hawak ni Kervy ang kamay ko ay kahit papaano, alam na ng mga tao sa paligid kung saan sila lulugar. Pero hindi ko rin maiwasan na kabahan. Kanina niya pa hawak ang kamay ko at nakakahiya dahil baka namamawis na ang mga iyon! Pasmado pa naman ako at hindi sanay ng may ka-holding hands! Plus the fact that I’m tensed and nervous right now might trigger my hands from getting wet. Mamaya ay kapag bumitiw si Kervy sa akin, bumabaha na rin ng pawis ang kamay niya. Nakakahiya! Dala niya ang lahat ng pinamili ko palabas ng department store. “You sure you don’t want to eat?” mahinahong tanong nito. Mabilis akong umiling. “May natira pa kasi akong pagkain kaninang umaga at baka masira lang ang kanin na sinaing ko kung sa labas na naman tayo kakain,” sagot ko. Tumango na lang ito at hindi na niya pinilit iyon. Dumiretso kami sa parking area. Sa wakas ay binitiwan niya ang kamay ko. Nauna akong sumakay sa loob dahil nilagay niya pa sa backseat ang mga pinamili ko. Maya-maya ay pumasok na ito sa driver’s seat. “Salamat nga pala, Kervy. Ang laki ng nagastos mo sa akin ngayong araw. Huwag kang mag-alala. Babayaran ko ito ng paunti-unti. Hindi ako papayag na libre ang mga ito,” wika ko. He glanced at me and smiled softly. “You don’t have to do that but if that’s what makes you comfortable then its fine with me. Bayaran mo na lang ako kapag may mga sobra ka. Huwag mong ipilit na mabayaran lahat. Mamaya ay maubos naman ang allowance mo,” paalala nito. Tumango ako at nagsuot na ng seatbelt. Pagkarating sa building ay nagprisinta ito na tulungan akong iakyat ang mga pinamili ko sa unit ko. Hindi na rin ako nag-inarte dahil medyo mabibigat ang mga pinamili ko sa Watsons at mahihirapan talaga akong umakyat ng hagdan kapag dinala ko iyon ng mag-isa. Nang makarating kami sa unit ko ay hinayaan ko siyang makapasok. Inilapag niya ang mga pinamili ko sa sala saka mabilis na nagpaalam para umalis. I even asked if he wanted some water dahil baka nauhaw siya sa pag-akyat or what pero humindi ito. “Umakyat lang naman ako rito para tulungan kang magbitbit. I have no plans to stay longer inside your unit dahil hindi magandang tignan,” seryosong sabi nito. Napangiti ako. Kervy and his principles. He really stick to it strictly. Muli akong nagpasalamat at nagpaalam sa kanya. Pagkasara ko ng pinto ay nagtungo ako sa sala at naupo sa tabi ng mga paperbag. Sinilip ko ang mga iyon at marahang hinawakan. Ginagawa pa rin ba ito ng mga magkakaibigan? He was spoiling me a lot. We even held hands like what the normal couples do! Nagkatikiman na rin kami, I mean we already kissed pero hindi pa rin malinaw kung ano kaming dalawa. Parang napakalabo para sa akin na magkaibigan lang kaming dalawa. Kapag hindi pa ito nalinaw at baka mabaliw na ako. I think it’s time for us to talk about it. Kukuha lang ako ng tiyempo sa mga susunod na araw at i-o-open up ko na ang tungkol doon. Mag-iipon lang din muna ako ng lakas ng loob para makapagsabi ng saloobin ko. I like him. There’s no doubt. And I think I’m slowly getting deeper with it. May pumipigil lang sa aking takot. Besides, this is my first time feeling all of this so this is new to me. Maybe, if Kervy and I set things straight, I can sort out my feelings for him. I just need to hear the right words from him. Ang hirap umusad kapat wala akong idea sa kung ano ba ang nasa utak niya. Ilang araw din ang pinagpaliban ko habang nag-iipon ng lakas ng loob. Pasimple akong tumingin kay Kervy na abala sa pagbabasa at sa paggawa ng assignment niya. Kasalukuyan kaming nasa library ng simbahan. Hindi ako mapakali. Tumayo ako. Nakita ko ang pag-angat ng tingin niya sa akin. “Saan ka pupunta?” kuryosong tanong nito. “Pupunta lang ako sa banyo,” paalam ko. Ngumiti ito at tumango. Naglakad ako palabas. Ngumiti ako kay Sister Anne na nagbabantay sa entrance habang hawak ang isang bible. Pagkalabas ko ng library ay dumiretso ako sa mismong simbahan. Walang misa ng ganitong oras kaya naman wala akong nakikitang ibang tao. Tanging ang mga madre at ilang staff lang ng simbahan ang naroon. Tumingin ako sa altar at napa-sign of the cross. Diyos ko, maawa’t mahabag. Sana maging maayos ang takbo ng pag-uusap namin ni Kervy ngayon. Papatapusin ko lang siyang sa assignment niya tapos po ay kakausapin ko na siya. Halos mapaigtad ako nang makarinig ako ng yabag ng paa sa tabi ko. Napalingon ako sa aking gilid at nakita si Father Ethan na diretso rin ang tingin sa altar. Napalunok ako at bumati sa kanya. “Magandang hapon po, Father.” Lumingon siya sa akin at ngumiti. Kaagad akong nag-bless sa kanya. “May exams na ba kayo ulit kaya nagdadasal ka ngayon?” magaang tanong niya. Napakamot ako sa ulo ko. Mukhang alam ni Father ang galawan ko. Nagpupunta lang dito at nagdadasal kapag may kailangan. Sorry, Lord. “A-Ah, hindi po. May iba lang po akong pinagdarasal ngayon,” nahihiyang sabi ko. Of course, I won’t elaborate it anymore. Nakakahiya dahil tungkol iyon sa pamangkin niya. Lucky enough that he didn’t ask me about it. “Whatever it is, the Lord can always hear us. Just keep on praying and wait for it to be answered by Him in the most beautiful way. Kapag hindi nangyari, then maybe, it’s not the right time yet,” malumanay na sabi nito. Bumaling ito sa akin at marahang tinapik ang balikat ko bago ito nagpaalam at nagtungo sa kanyang opisina. Grabe, I feel blessed whenever I’m talking to him. Pakiramdam ko ay nalilinis ang pagkatao ko kapag nakakarinig ako ng mga words of wisdom galing kay Father. Bumalik ako sa library at naupo muli sa harap ni Kervy. He glanced at me. Nakita kong nagliligpit na ito ng gamit niya. “Tapos ka na?” kinakabahan kong tanong. Kuryoso itong napatingin sa akin. “Yup, why? Don’t worry, take your time. Aalis tayo kapag tapos ka na sa ginagawa mo,” sabi nito. Umiling ako. “Gusto kitang makausap, Kervy.” Napatitig ito sa akin. “About what?” kalmadong tanong nito. Lumingon ako sa paligid. Kami lang ang tao at si Sister Anne. Tumingin ako sa likod at nakitang bukas ang bahaging iyon. “Pwede ba tayo doon sa dulo?” Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. “You’re making me nervous. Sandali, ipapaalam ko kay Sister Anne.” Tumayo ito at nagtungo kay Sister Anne. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang pinapanuod silang mag-usap. Ang tindi ng kaba ko dahil wala akong idea sa kung ano ang kahihinatnan ng pag-uusap namin. Dalawa lang iyon, pwedeng hindi maganda ang kalabasan niyon at baka magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin. Worst is baka maputol pa iyon. Ang pangalawa naman ay maaaring pareho kami ng gustong mangyari at handa kaming magtungo sa susunod na level ng relasyon naming dalawa. Maya-maya ay bumalik si Kervy at inaya na ako doon sa dulo. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at kasabay niyon ay ang pamamawis din nito. Tensyonado na naman ako. Naupo kami sa bakanteng upuan doon. Nag-aalala itong tumingin sa akin. “What is wrong, Suzetthe? Anong pag-uusapan natin? May problema ka ba?” seryosong tanong nito. “Gusto kong mag-usap tungkol sa atin. Ano ba talaga tayo, Kervy?” diretso kong tanong. Nakita kong napahinto ito. “Suzetthe…” tawag niya sa akin. Huminga ako nang malalim. “Nalilito na kasi ako, Kervy. Hindi ako manhid para hindi mag-isip sa mga ginagawa nating dalawa. Hindi ko maiwasan na mag-assume ng mga bagay-bagay dahil pakiramdam ko hindi naman na pangkaibigan lang ang ginagawa nating dalawa pero ang hirap din niyon kasi wala naman akong naririnig mula sa’yo. I had no idea what’s running inside your mind,” sunod-sunod na sabi ko. Para akong sasabog habang pinapakawalan ang mga salita at nararamdaman ko na matagal kong kinimkim sa sarili ko. “Mamaya kasi ay masyado lang akong nag-iisip sa mga ginagawa mo sa akin. Alam kong mabait ka at baka nature mo lang talaga iyon. Baka lahat ng ginagawa mo sa akin ay normal lang para sa’yo at ginagawa mo rin sa ibang tao. Baka ako lang itong assuming at umaasa na may kakaibang meaning ang lahat. Kaya gusto kong mag-usap tayo. Para ngayon pa lang ay malinawan na ako sa kung saan ba talaga ito patungo,” dagdag ko pa. He remained silent. Nakikinig lang ito at hinahayaan ako na magsalita. Tila inuunawa niya ang lahat ng sinasabi ko and I appreciate it. I appreciate that he’s not cutting me off and he’s waiting for his turn to speak. “Just so you know, I like you, Kervy. I liked what you’re doing to me. I liked what you’re making me feel whenever we’re together at kung wala ka namang gusto sa akin at pure friendship lang talaga ang intensyon me then better say it now. Para mapatay ko na itong nararamdaman ko dahil habang tumatagal na ganito tayo ay lumalalim na ang pagkagusto ko sa’yo,” wika ko. Narinig ko ang paghinga nito nang malalim. I watched him as he stood up and walked towards me. Marahan niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. “Come here,” mahinang wika nito. Tumayo ako. I was taken aback when he hugged me gently. I heard his soft sigh near my ears. My heart started beating rapidly. “I’m sorry if you misunderstood my actions. I thought actions really do speak louder than words but it only created confusions in you. You are so special to me, Suzetthe. Let me prove it to you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD