Kabanata 11

2074 Words
Simula na ng second semester namin. Things really went well with Kervy. We got so much closer now at ako na ang nalilito kung ano nga ba talaga kami. Hindi naman ito nagsasalita tungkol sa kung anong meron kami kaya nanahimik lang din ako. Mamaya ay isipin niya na nag-a-assume ako ng mga bagay-bagay. But really, I have the right to think something with the way we were acting to each other. We were not just friends, that’s for sure. Akala ko ay ayos lang sa akin na mag-go with the flow lang muna pero habang tumatagal kasi ay tila hindi na maganda ang nararamdaman ko. Something inside me is nurturing this feeling for him and I was starting to question myself if I’m ready for it. Tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang masaktan at isugal ang pagkakaibigan namin para sa nararamdaman kong ito. He is a good friend and I’m torn between staying friends with him or making our relationship into the next level. Pero natatakot ako. I am not hearing anything from him. Although ramdam ko naman na kakaiba ang kinikilos niya sa akin. I really felt special with everything he’d done for me pero hindi naman pwedeng aasa lang ako dahil doon. His different treatment for me may actually meant something that might cause a huge disappointment in me. Actions without words can cause misunderstanding. I need the assurance. Lumabas ako ng room at nakita ko na kaagad na nag-aabang siya sa labas. Sabay kaming nag-enroll kaya meron na kami kaagad schedule ng bawat isa. He was usually waiting for me outside my room para sabay kaming kumain o umuwi. Kapag naman nag-overtime ang professor niya ay ako naman ang naghihintay sa last class niya na matapos. People around us were giving us the look pero tila hindi namin pinapansin ang mga iyon. We were just doing everything in normal without minding people’s opinion of us. He smiled softly and walked towards me. “Kamusta naman ang klase mo? Bakit parang nakasimangot ka? May surprise quiz ba at wala kang nasagot?” kaswal na tanong nito. Umiling ako. “Wala naman,” tipid kong sagot. He looked at me curiously. “Is there something bothering you then? You’re not your usual self today. Kahit kaninang lunch ay tahimik ka. What is it? Tell me,” kalmadong sabi nito. Nope. Not yet. “Wala nga. Baka magkakaroon lang ako kaya parang wala ako sa mood,” palusot ko. Tumititig ito sa akin ng ilang segundo. Matapang kong nilabanan ang titig niya. Diretso ang tingin ko sa kanya sa mata. I’m good in hiding my feelings. I’m also good in lying. Kaya kong tumitig sa mata ng tao kahit puro kasinungalingan na ang sinasabi ko. I’m not that good of a person. I am flawed and imperfect. I have some red flags in my attitude from which I am already trying to change for the better. Nakadepende lang talaga sa kaharap ko ang nagiging ugali ko at nagkataon na kasama ko palagi si Kervy kaya madalas ay mabait ako at tahimik pero alam ko sa sarili ko na nasa loob ang kulo ko. I acknowledged all of that but I’m not proud. Mas mabait pa nga sa akin si Kervy. Halata iyon sa pagiging malapit niya sa simbahan. It even runs in his blood. Kaya nakakatakot kapag tuluyan akong nahulog kay Kervy. I’m not sure if I will be able to change myself because I grew up being like that. Feeling ko naman ay kakayanin ko, nakakaya ko na ngang tumagal ngayon sa simbahan nang hindi naiilang o naasiwa. I just really need to get used to the new things around me. I just need more time. “Okay. Sungit mo talaga kapag magkakaroon na. Nakakatakot. Para kang mangangain ng buhay,” magaang sabi nito. Napailing na lang ako at hindi na sumagot. We silently we walked towards his car. Pagkasakay namin doon ay nakita ko siyang patingin-tingin sa akin. He turned on the engine and aircon. “Do you have any cravings? Ice cream or anything? Baka kaya ka nabubugnot dahil may gusto ka na hindi mo magawa o makain? Name it and I’ll buy it for you. Para gumaan ang pakiramdam mo,” wika nito. See. He’s that kind. He always caring like that to me pero wala akong idea kung ano kami. Ang gulo talaga. Lalo lang ako naiirita. Nag-isip ako kung ano ang makakapagpagaan sa kalooban ko. He kept on suggesting things and doon din ako nag-ba-base. “Do you want to eat burger, fries or milktea? Sa favorite fastfood natin, baka gusto mo?” suhestiyon pa nito. Umiling ako. “Ayoko muna niyon. Nauumay na ako. Paulit-ulit na lang na doon tayo kumakain. Do you have something new in mind? Parang wala naman akong ganang kumain. Hindi ako nagugutom,” wika ko. Napaisip ito. “Then what do you want to do? How about shopping?” tanong nito. “Pero wala akong pera.” He smiled and shook his head. “Ano ka ba. I told you. It’s all on me. Buy everything you want. Huwag kang ma-guilty sa magagastos. I’ll let you buy anything you want,” nakangiting sabi nito. Hindi ko napigilang mapangiti rin sa kanya. He is willing to make me happy. Handa siyang gawin ang kahit na ano para mapagaan ang loob ko. Hay, Kervy. You’re making me confused. Nagsimula na siyang magmaneho. Papunta kami sa pamilyar na daan papuntang malapit na mall. I actually have nothing to buy. Gusto ko lang na maglakad-lakad muna sa labas kasama siya. Kapag kasi umuwi na ako kaagad ay ma-stress lang ako sa pag-iisip. Atleast kahit papaano ngayong kasama ko siya habang nag-iikot sa mall ay may distraction ang utak ko. Kaagad kaming dumiretso sa Watsons. Kumuha ito ng cart at lumingon sa akin. “Let’s go. Ano bang gusto mo? Make-up? Skincare products?” Hindi ko mapigilan ang paglapad ng ngiti ko. Nakakaramdam din ako ng kilig lalo na nang mapansin ang naiinggit na mga tingin sa amin ng sales lady. Hindi araw-araw na may lalaking handa kang samahan sa Watsons para bumili ng kaartehan. Lalo pa kung libre. Kervy is really one of a kind. Partida, ‘friends’ lang kami pero he’s spoiling me a lot already. Who wouldn’t want to like someone like him? Nasa tabi ko siya habang naghahatak ng cart. Nagtitingin tingin ako sa mga skincare products habang iniisip kung ano ang wala ng stock sa apartment ko. Biglaan naman kasi ito. Hindi tuloy ako prepared. Habang namimili ay lumapit sa amin ang dalawang sales lady. Nahihiya silang ngumiti kay Kervy at bumati. “Ano pong hanap nila, Ma’am, Sir? Cream? Toner? Facial wash?” sunod-sunod na tanong ng isa. Parang pumangit na naman bigla ang mood ko dahil sa mga ito. Bakit ba kailangan nilang lumapit? Hindi ko naman sila tinatawag. Binitawan ko ang hawak kong cream at hinila si Kervy papunta sa kabilang aisle kung saan walang tao. Hindi ko naitago ang pagsimangot ko. “Oh, bakit tayo umalis doon? Wala ka bang napili?” inosenteng tanong nito. Wala talaga siyang malay! Hindi niya alam na kaya lumapit ang mga iyon para makapagpa-cute sa kanya. Wala siyang pakialam sa impact niya sa mga babae! “Mamaya babalik ako doon para kumuha kapag wala na sila,” nakasimnagot kong sabi. I saw the side of his lips rose. He looked amused by my reaction. “Hindi ka sanay na nilalapitan ng mga sales lady ‘no?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi! Palibhasa kasi ikaw ay sanay ka. Natutuwa ka pa nga kamo kapag nilalapitan ka nila. Enjoy na enjoy ka sa atensyon nila sa’yo,” iritable kong sabi. Napahalakhak ito. He pinched my cheeks slowly. “Stop being so cute, Suzetthe.” Inirapan ko siya saka tumingin ng mga lotion. Ilalagay ko pa lang sana sa cart ang napili kong lotion nang lumapit na naman ang dalawang sales lady. Mahigpit ang naging hawak ko sa lotion saka iyon dahan-dahan na nilagay sa cart. Tinignan ko ng masama ang dalawa pero masyado silang focused kay Kervy para mapansin ako. Gusto kong matawa ng sarcastic. Ang tibay ng dalawang ito! Halatang-halata na ang pagpapa-cute nila at ito namang si Kervy ay natatawa lang habang nagmamasid sa akin! He’s not doing anything to shoo the two sales lady away! I knew it! “Ma’am, Sir, try niyo po itong lotion na ito. This have some instant whitening effect and moisturizing property to keep your skin soft and glowing po,” sabi ng isa. Tumikhim ako at doon ko lang napukaw ang atensyon ng dalawa. “Mayroon na akong kinuha, Miss.” Tinuro ko pa ang laman ng cart dahil mukhang hindi nila napapansin dahil busy sila sa pagtingin sa mukha ni Kervy. Wala bang mask dito? Sarap takpan ng mukha ni Kervy! Hindi lang kasi mga sales lady ang nakatingin sa kanya. Even the customers were looking out for him! I can’t believe this! Muli kong hinatak si Kervy patungo sa susunod na aisle. Tuluyan ko nang narinig ang malulutong na tawa ni Kervy. Kaagad ko siyang hinampas sa braso. Wala namang nakakatawa, Kervy! “Hindi naman nila ako makukuha palayo sa’yo, Suzetthe. Calm down. They are just doing their job,” natatawang sabi nito. Nanggigil ako lalo sa sinagot niya kaya kinurot ko siya sa braso. Napadaing ito ngunit patuloy pa rin sa pagtawa. “Edi sana sa akin nila inalok ang lotion at sa akin sila nakatingin kasi obvious naman na para sa akin ang mga items doon. Lulusot ka pa eh halata namang tuwang-tuwa ka, Kervy!” akusa ko dito. He was trying so hard to stop his laugh. He took a deep breath and looked at me softly. “Sa’yo at sa reaction mo ako natutuwa, Zetthe. Hindi sa kanila,” mahinang sabi nito. Napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring naghahanap na ng sabon. Ramdam ko ang pag-iingay ng puso ko sa loob ko. Simple actions. Simple words but my heart is already in chaos. Sumunod pa rin sa amin ang mga sales lady pero hindi ko na sila pinansin. Kinuha ko na lang ang mga gusto kong bilhin doon para matapos na at makalabas na kami ng Watson. Dala-dala niya ang isang paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko. Mabait pa ako dahil iniisip ko ang presyo habang kumukuha ng items kanina. Kung pinairal ko siguro ang pagkainis ko ay baka nasagad ang limit ng walllet at card niya. “So where to go? Gusto mo rin ba mamili ng mga damit? Gusto mong pumunta ng department store?” nakangiting tanong nito. Napakamaaliwalas ng kanyang mukha. Mukhang enjoy na enjoy talaga siya sa gala namin ngayong araw at ako lang itong iritable at naiinis na sa nangyayari. Pumayag ako sa gusto niyang mangyari pero mukhang hindi magandang desisyon iyon dahil kung ano ang nangyari sa watsons ay ganoon rin ang nangyari pagkapasok namin ng department store. Dumiretso kami sa ladies’ wear at doon ay hinayaan niya akong magtingin-tingin. Nakasunod siya sa likod ko at ramdam ko naman ang pagsunod sa kanya ng tingin ng mga babaeng sales lady doon. Pambihira talaga. Hindi magandang idea na isama si Kervy kapag mag-shopping. Imbis na mawala ang stress ay lalo lang madadagdagan dahil nakakairita ang paraan ng pagtitig sa kanya ng mga babae. Napadpad kami sa mga underwear ng babae. Pasimple akong napangisi saka nilingon si Kervy. I saw him looking a bit uncomfortable when he noticed all kinds of bra, panty and other lingerie in every stall. “Okay lang ba kung bibili ako ng underwear?” inosente kong tanong sa kanya. Napangiwi ito. Napakamot siya sa kanyang batok saka alanganing ngumiti at tumango. I smiled sweetly at him and walked towards the bra at panty section. Kumuha ako ng isa na sakto sa size ko at hinarap siya. Itinapat ko sa dibdib ko ang naka-hanger na set ng bra at panty na hawak ko saka ngumiti. “Okay ba ang kulay sa skin tone ko?” tanong ko sa malakas na boses. Narinig ko ang pag-ubo niya. “A-Ang lakas naman ng boses mo, Zetthe.” Umangat ang isang kilay ko at pasimpleng tumingin sa mga tao sa paligid. All of them were focused on us. Manigas kayo ngayon. “Bakit? Tinatanong ko lang naman. Bagay ba? Saan ako mas mukhang sexy? Sa black o sa maroon? Saan ka mas ma-tu-turn on?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD