“H-Ha?” Tila nabingi ako sa narinig ko. Ngumiti nang malaki ang waitress at patuloy kaming inuudyukan ni Kervy na maghalikan.
Nagtama ang tingin namin ni Kervy at nakita kong natataranta din ito.
“A-Ano… required ba talaga? Nakakahiya naman kasi in public eh…” palusot ko. Pambihira! Hayok na hayok kasi sa take out meal na iyon eh. Ayan tuloy!
Muling pumalakpak ang waitress. Nagliwanag ang mukha niya at tila nakaisip ng magandang ideya, hindi lang ako siguro kung ikakatuwa ko ba iyon o hindi.
“Halika po, pumunta na po kayo sa loob. Wala pa naman pong tao sa couple’s room kaya pwede kayo mag-kiss doon. Private na po iyon, Ma’am!” Napanganga ako. T-Teka! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Why is she still pushing it!?
Naunang maglakad ang waitress patungo sa loob. Kung hindi pa ako hinawakan ni Kervy sa braso ay baka tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon.
“Now, Suzetthe, paano natin lulusutan itong ginawa mo?” mahinang bulong ni Kervy. Napangiwi ako.
“Kiss na lang kita sa pisngi, okay naman siguro iyon? Wala namang malisya. Kunwari nagbeso lang tayo,” kinakabahan kong sabi. He glanced at me shortly and shook his head. Tila problemado rin siya dahil sa nagawa kong problema. Why do I really act impulsive sometimes? Takaw tingin kasi! Kapag may magagandang offer ay grab agad ng hindi nag-iisip.
Nilagpasan namin ang main dining area ng restaurant. May iilan na ring mga kumakain doon. Pansin ko nga ang pagsunod nila ng tingin sa amin. Ang iba ay nakangiti at nagbubulungan. Mukhang aware sila sa promo ng restaurant at iniisip nila na couple kami ni Kervy na mag-a-avail doon.
Pumasok kami sa isang double door entrance sa dulo ng main dining area. Bumungad sa amin ang puro hearts na disenyo at ang ilang lamesa na talagang pangdalawahang tao lang. Talagang specifically made for couples lang! Bakit ba kasi may ganito pang promo na nalalaman? At bakit din kasi masyado akong nagpasilaw sa take out na iyon!
Tatlo lang kami sa loob. Hinarap kami ng waitress at nginitian. Hindi ko malaman kung ano na ang itsura ko. Nakangiwi na ako habang pinipilit na ngumiti. Kinakabahan na rin ako at natataranta.
“Sige po, mag-kiss na kayo. Kahit saglit lang po,” she said while patiently waiting. Hinarap ko si Kervy at nakita kong nakatingin na pala ito sa akin. Seryoso ang mukha nito. Alanganin akong ngumiti sa kanya.
Lumapit ako at mabilis na hinalikan siya sa pisngi saka nilingon muli ang waitress.
“Is that okay?” The waitress chuckled.
“Ang mahiyain niyo naman po. Hindi po pwede ang kiss sa cheeks, Ma’am. Huwag po kayong mag-alala. Tayo-tayo lang naman po ang nandito. Kahit smack lang, Ma’am.” Napakagat ako sa aking labi. Pigil na pigil akong mapakamot sa ulo. Pambihira naman ito!
Nilingon ko si Kervy. Ganoon na lang ang pagkabigla ko nang marahan niya akong hinawakan sa aking bewang. He pushed my body against him as he lowered his face to me. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin. Nanlalaki ang mata ko dahil sa pagkabigla.
Saglit siyang dumilat at bumitiw. He was still very close to me and our lips were still almost touching. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
“Pikit, Suzetthe.” He whispered seriously. Awtomatiko ang naging pagpikit ko. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang braso nang muling dumikit ang labi niya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon hanggang sa narinig na lang namin ang pagtili ng waitress.
“Ay! Confirmed na confirmed! Mukhang inlove na inlove si Sir sa inyo, Ma’am! Congratulations! Please select your table and we will serve you the foods soon!” maligayang sabi nito saka lumabas.
Naiwan kami ni Kervy. His hand was still on my waist. Magkalapit pa rin ang aming mga katawan. Nagkatinginan kaming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang mabilis akong lumayo sa kanya.
“What was that…” pigil hininga kong sabi. I looked at him. Nakita ko ang pagkibit-balikat nito.
“You want the take out meal, right? I’m just doing you a favor,” kalmadong sabi nito. Dumiretso siya sa malapit at bakanteng table. Kaagad akong sumunod sa kanya.
“Ang sabi smack lang, Kervy! Bakit parang tagal niyon? Saka bakit dalawang beses?” Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari. That was my first kiss! At talagang sa ‘friend’ ko napunta! Hindi manlang sa unang boyfriend ko?
He chuckled.
“Smack nga lang iyon. Hindi naman gumalaw ang mga labi natin ah?” Umiling ako at tila nag-sink in na sa akin ang nangyayari.
“Oh my gosh, Kervy. We kissed!” Humalakhak ito. He looked at me softly.
“Yup, we really kissed,” nakangiting sabi nito.
Maya-maya ay may mga pumasok na waiter dala ang mga meat. May iba doon na marinated at may iba namang plain. Nagdala rin sila ng mga gulay at sila na rin ang nag-set-up ng paglulutuan.
Tahimik ako habang nagsisimulang magluto si Kervy. Napansin ko ang maya’t-mayang pagsulyap nito sa akin. Sinusubukan kong tikman ang mga side dishes upang maging abala ako habang siya ang nagluluto ng mga karne.
“Galit ka ba, Suzetthe?” tanong ni Kervy. Napaangat ang tingin ko sa kanya.
“Hindi, bakit?” kaagad kong sagot.
“Ang tahimik mo. Iniisip ko baka galit ka sa nangyari. I know I caught you off guard because of what I did but that’s the first thing that came in to my mind at that moment. Hindi ko naman gustong mapahiya ka at pakiramdam ko ay gustong-gusto mo talaga iyong promo nila so I had to do it,” paliwanag niya.
Nilagyan niya ng mga lutong karne ang plato ko. I had to stop him dahil halos lahat ay nilalagay niya sa akin.
“That’s enough meat, Kervy. And about that, hindi naman ako galit or what. I’m more on like bothered because… well… that’s my first kiss. I didn’t expect that I would lose it in that way,” mahinahon kong sabi. Kita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. He looked like he was stopping himself from smiling and doing his best to make it not so obvious infront of me.
Hindi ito nagsalita at inudyukan akong kumain na. Nang malasahan ko ang marinated beef na inuna niyang lutuin ay hindi ko naiwasang mapapikit sa sarap. Tuloy-tuloy ang naging pagkain ko at tila nawala na sa isip ko ang mga nangyayari.
Kervy taught me on how I can utilize the side dishes as well as the lettuce and cheese. Napansin niya kasi na napaparami ang kanin ko at hindi raw magiging worth it iyon dahil mabilis akong mabubusog.
Nang makaluto siya ng second set of meat, which is pork ay una niya ulit na nilagyan ang plato ko. Nang makita ko na napaparami na naman ang lagay niya ay pinigilan ko na siya.
“Hindi ka ba nangangalay magluto? Ako na sa pangatlong salang. Kumain ka na riyan,” wika ko.
“Nope, I’m okay. Ako na ang bahala na magluto. This is your first time here and I want you to eat everything and taste every meat in the best that you can,” sagot nito. Napanguso ako at hindi na nagreklamo.
Muli itong nagsalang ng meat, chicken naman ngayon tapos ay nagtawag siya ng waiter para mag-order pa ulit ng bagong flavors.
Habang abala siya sa pagluluto, at ako naman sa pagkain ay napalingon kami pareho sa pinto nang pumasok ulit ang waitress kanina at may kasama itong couple ulit.
“Sige, Ma’am, Sir! Kiss each other na po and then you can join our couples here and enjoy our unli-samgyupsal!” energetic na sabi nito. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa dalawa at gusto kong mapahawak sa noo ko at magtago nang napatingin sila sa amin. Nakikita ko bigla ang sarili ko kanina.
Nakalimutan ko na nga ang nangyari, napaalala na naman tuloy sa akin! Nahihiya na naman ako na hindi ko maintindihan.
We busied ourselves with our food. I am doing my best to ignore them pero naririnig ko pa rin talaga ang malakas ng boses ng waitress.
“Sige na po! Huwag na kayong mahiya. Nakikita niyo po ba ang couple na iyon?” Halos mapaubo ako nang maulinagan ko ang pagturo sa amin ng waitress.
“They kissed sweetly a while ago! Nako, Ma’am, Sir, pakitaan niyo nga po ulit ang mga kasama ko para maniwala!” Nanlaki ang mata ko. Itinuro ko ang sarili ko para masigurado kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.
Sa malalaking ngiti ay tumango ang waitress. Nagkatinginan kami ni Kervy. Magkaharap kaming nakaupo. Ako ang nakaharap sa waitress habang si Kervy naman ay nakatalikod.
“We really didn’t have to do it, Suzetthe.” He said seriously.
“Ma’am, kahit saglit lang po! Patunay lang po dito kila Sir,” udyok ng waitress. I can’t believe this is happening!
“Suzetthe, we already proved it to her a while ago. Hindi na kailangan ulitin pa para sa convenience nila,” wika ni Kervy.
Pinunasan ko ang aking kamay. I wiped my lips using the tissue at walang sabi-sabi akong tumayo para umikot at lumapit kay Kervy.
Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha nang marahan ko siyang hinawakan sa magkabila nitong pisngi at dahan-dahan na hinalikan sa labi. It only lasted for some seconds bago ako humiwalay at tumingin sa waitress at ngumiti.
Malalaki ang ngisi ng waitress saka muling bumaling sa couple na kasama niya. The two seemed at ease because of what they saw kaya naman kampanteng hinalikan ng lalaki ang partner niya. Nakahinga ako nang maluwag at bumalik sa upuan ko.
Nakita kong tulala sa akin si Kervy. Ngumiti ako sa kanya.
“Quits?” I grinned at him and continued eating. Sinikap kong hindi pansinin ang puso kong nagwawala na sa loob ko.
I heard his soft sigh. Kita ko ang maaliwalas nitong mukha habang nakangiti at nagpatuloy sa pagluluto.
I can feel it. We are friends but there is this thin line that’s keeping us from to be more than that. Hindi ko alam kung ano. Maybe, we’re both not yet ready to commit to something that’s deeper than friendship. Besides, we have so many things to consider when we started to sort out things between us.
We both know that what we have is not just about mere friendship. Pero kahit ano naman iyon ay masaya naman ako. It’s just that, we’re both taking our time. Walang nagmamadali. Everything is just coming out naturally between us.
“Kaya mo pa ba?” nakangiting tanong nito. Hawak ko ang aking tiyan at busog na busog na ako. Hindi ko na mabilang kung nakailang luto na siya habang ako ay panay lang sa pagkain. Para na akong sasabog. Ang sarap kasi kaya kahit busog na ako at pagod na ang panga ko kakanguya ay tila hindi ko matigilan ang pagkain.
“Bakit parang ako lang ang nabusog? Bakit ikaw parang kaya mo pa kumain?” nagtataka kong sabi.
Siguro dahil siya ang nagluluto. Hindi siya maya’t-maya kumakain tapos ay nakakatunaw pa siya ng kinain niya dahil sa pagluluto niya. Samantalang ako ay walang pahinga sa paglamon. Paubos pa nga lang ang laman ng plato ko ay may naka-ready na namang bagong luto na karne kaya ang bilis ko lang talaga na nabusog!
“Mas marami ka kasing nakain kaysa sa akin. Ibig sabihin, mas matakaw ka. Lagpas kalahati ng mga naluluto ko ay napupunta sa’yo,” pang-aasar nito.
Sumuko na talaga ako sa pagkain at hinayaan ko na lang siya na ubusin ang mga natira mula sa huling set na niluto niya. Siya na rin ang umubot ng mga side dishes na pinadagdag ko kanina. Bawal daw pala kasi magtira dahil madadagdag sa bayad iyon.
He raised his hand to notify the waiter. Nag-bill out na rin kami. Pagkabalik ng waiter dala ang sukli ay kasama na nitong dala ang take out meal na promo. Malaki iyon at mabuti na lang worth it ang ginawa naming kahihiyan ni Kervy.
We’re about to leave when the waitress came in and walked towards us.
“Thank you for dining with us, Ma’am, Sir! As a souvenir, we will have to take a picture of the both of you and we will be asking for consent to post it on our couple’s dashboard. You will automatically be one of the contestants for the sweetest samgyupsal photo for our third year anniversary promo! Pwede po kayong manalo ng cash prizes or meal packages!”