“Zetthe! Tara alis tayo. Libre ko,” pag-aaya ni Kervy. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong niyaya na lumabas ngayong araw pero patuloy lang akong tumatanggi.
Sembreak na at ginagamit ko ang mga oras ko para mag-general cleaning ng buong unit. Mula sa kwarto, banyo, sala at kusina. Parang napabayaan kasi ng ilang taon at napakarami ng alikabok ng sulok ng unit ko.
Pinagbigyan ko naman na si Kervy na umalis kahapon at noong mga nakaraang araw pero ayan na naman siya at nangungulit na umalis kami. Kaya nga ngayon lang ako nakapagdesisyon na maglinis na talaga dahil ang dami niyang paandar para mapapayag ako na magkita kami.
Palibhasa kasi ay wala siyang nagagawa sa kanila kaya ako itong lagi niyang inaaya. Although wala namang kaso sa akin ang pangungulit niya. I’m even glad because out of all people, he always chose to invite me every time.
“Naglilinis nga ako ngayon ng unit, Kervy. Hindi pwede,” kalmadong sabi ko. Pinunasan ko ang noo ko at naupo muna sa sala. Tumapat ako sa electric fan upang mawala ang init sa katawan.
“Bukas na lang ‘yan, Zetthe. Mahaba pa ang bakasyon natin. May ilang araw ka pa para gawin iyan,” pangungulit nito.
“Iyan din ang sinabi mo kahapon, noong isang araw at noong makalawa! Kervy, parang awa, hindi na mukhang tirahan ng babae ang unit ko,” natatawang sabi ko.
“Sabi mo kahapon gusto mo masubukan ‘yung samgyupsal diba? Tara na dali, kain tayo doon ngayon. Libre ko na lahat pati desserts.” Napapikit ako. Ayan na naman siya, dinadaan na naman ako sa suhol!
Oo, gustong-gusto ko makasubok doon pero hindi ngayon. Pahinga na muna! Kailangan ko talagang maglinis ng unit!
“Next time na tayo kumain diyan, Kervy. Hindi naman mawawala ang mga restaurant na ‘yan kaya anytime ay makakain tayo,” mahinahon ko pa ring sabi.
“Kapag next time, hindi ko na libre, Suzetthe. Ngayon lang ako manlilibre kaya tara na kasi, alis na tayong dalawa.” Hindi ko mapigilang mapahagalpak sa tawa. Ang kulit niya talaga!
“Edi pag-iipunan ko na lang. May allowance pa naman ako kaya okay lang kahit hindi mo libre,” palusot ko. Natahimik siya. Makaraan ng ilang segundo ay para na itong bata na nagtatampo sa akin.
“Ayaw mo na siguro akong makita, Zetthe? Ayaw mo na akong kasama?” Lalo akong napatawa ng malakas. I can imagine his face! For sure ay nagpapaawa lang ito pero sorry. Nagamit niya na ito noong isang araw and I won’t fall for it again.
“Still no, Kervy. Hindi gagana sa akin ‘yan. Just let me clean my unit for today. I’ll try to finish everything para bukas o sa susunod na araw ay pwede na tayong umalis. Is that okay with you?” Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.
“Gusto sana kita tulungan na lang sa paglilinis at magpunta riyan sa unit mo kaso ang pangit namang tignan kung pupunta ako riyan ng hindi naman emergency. Babae ka tapos lalaki ako sa iisang unit kaya baka ano na lang ang sabihin ng mga kapit-bahay mo riyan. Saka mamaya ay makarating pa sa Papa mo na pumupunta ako sa unit mo, masira pa ko sa kanya,” mahabang sabi nito. Napakagat ako sa aking labi at pilit na pinipigilan na mapangiti.
“Oo. Kaya sa susunod na tayo magkita, okay? Ipahinga mo naman sarili mo sa akin, baka magsawa ka na lagi tayong magkasama,” pang-aasar ko dito. Muli siyang natahimik ng ilang segundo.
“I will never get tired of being with you, Suzetthe. Always remember that,” seryosong sabi nito. Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa loob niyon. Hindi ko namalayan na napatahimik ako nang matagal hanggang sa narinig ko muli ang malalim nitong paghinga.
“Sige na, Zetthe. Maglinis ka na riyan. Huwag mo pwersahin ang sarili mo. Maglagay ka ng bimpo sa likod at kapag pawis na pawis ka na ay magpalit ka ng damit. Mamaya ay magkasakit ka na naman. Ang bilis mo pa naman dapuan ng sakit,” paalala niya.
Binaba na nito ang tawag. Dahan-dahan kong binaba ang phone ko. The fast beating of my heart was still there at habang inaalala ko ang sinabi niya ay lalo lang bumibilis ang t***k ng puso ko. Sh*t ka, Kervy. Friends lang tayo kaya huwag kang nagsasalita ng mga nakakapagpatameme sa akin kung ayaw mong magkasiraan tayong dalawa!
Hinintay ko munang kumalma ang sarili ko bago ako nagpatuloy sa paglilinis. Inuna ko ang sala dahil iyon ang may pinakaunting kalat. Halos sumakit nga ang braso ko kakalipat ng mga gamit dahil naisipan ko rin na ayusin ang posisyon niyon para mas malinis ko lahat ng sulok.
Ganoon din ang ginawa ko sa kusina. Mabuti nga at nauusog ang ref kaya maging ang likod at ilalim nito ay nalinisan ko rin. Ang tindi ng alikabok. Kinailangan ko pang maglagay ng tela sa ilong ko upang hindi malanghap ang mga iyon habang naglilinis.
Dagdag pa na ang dami ko palang alaga dito. Nagsilabasan ang mga ipis at daga kaya naman matapos kong linisin ay nag-spray ako at nag-iwan ng mga naphthalene balls sa bawat sulok ng bahay kung saan maaaring dumaan ang mga bubwit at ipis.
Hinugasan ko ulit lahat ng mga plato ko at nilinis ang mga cabinet. Halos mandiri ako dahil sa dami ng itlog at tae ng ipis. Ang lala!
Pagkatapos ko doon ay ang kwarto ko naman ang nilinis ko. Ito ang pinakamakalat na lugar ng unit ko. Ang daming papeles at mga damit na nagkalat sa sulok. Nagpalit ako ng bedsheet at mga kurtina tapos ay nagpagpag ng mga alikabok. Nagwalis at naglampaso na rin ako ng sahig.
Binuksan ko ang aking cabinet at halos mapangiwi nang makitang babagsak na ang mga dami ko. Sa sobrang tamad at pagiging busy ko ay hindi ko na tinutupi ang mga damit ko at dinidiretso siksik na lang sa loob ng cabinet. Pambihira ka, Suzetthe! Babae ka ba talaga? Ipis ka ata sa past life mo kaya ganito ka kakalat!
Kinuha ko ang lahat ng iyon at sinimulang tupiin ng maayos at piliin ang mga gamit na hindi ko na gustong suotin. Dadalhin ko na lang iyon sa simbahan para maisama sa donation. Natapos kong ligpitin ang mga iyon at hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa cabinet ko. Sana lang ay mapanatili kong maayos iyan hanggang sa susunod na mga araw.
Kumuha ako ng bagong damit at tuwalya saka nagtungo sa banyo. Iyon naman ang lilinisin ko dahil nanggigitata na ang inodoro at mga tiles doon. Diretso na rin akong maliligo pagkatapos.
Pagod na pagod ako at hindi ko namalayan na madilim na sa labas nang matapos akong maglinis ng buong unit. I wasn’t expecting to finish all of it in a day. Pero mas mabuti na rin iyon para bukas ay mahihiga lang ako at tutunganga sa kwarto.
Nagluto ako ng itlog saka kumain ng hapunan. Kinuha ko na rin ang phone ko para ma-check iyon. Ngayon ko na lang ulit iyon nahawakan ngayong araw dahil sa pagiging abala sa paglilinis kaya naman nang makita ko ang maraming missed call at texts mula kay Kervy at maging sa mga magulang ko ay hindi ko na lang napigilang umiling.
Una kong tinawagan sila Papa para sabihin na naglinis ako ng unit buong araw. Nakipag-video call pa nga ako sa kanila para maipakita kung gaano kalinis ang paligid. Ang laki ng ngiti ko habang pinupuri ni Mama. Mukhang pasado sa nanay ko ang ginawa ko ngayong araw ha.
Sunod ay binasa ko ang mga text ni Kervy sa akin. Hindi pa siya nakuntento sa anim na missed calls at mayroon pa siyang mga sinend na message sa akin sa messenger ko. Tawang-tawa ako dahil sa mga pangongonsensya niyang message. Nag-send pa nga ito ng picture niya habang nagmamakaawa. Nakakaloka talaga.
Nang makita kong online siya ay kaagad ko siyang tinawagan. Video call iyon kaya nang sumagot siya ay kaagad kong nakita ang nakasimangot niyang mukha. Napahalakhak ako nang malakas.
“Anong mukha ‘yan?” natatawang sabi ko.
“Natiis mo talaga ako,” nagtatampong sabi nito. Lalo akong napatawa. Parang bata!
“Aba, akala ko ba maayos na ang usapan natin kanina? Ang dami mo pang sinasabi kanina kesyo wag magpatuyo ng pawis tapos labag naman pala sa loob mo ang mga ‘yon?” pang-aasar ko dito. Parang gusto kong panggigilan ang pisngi niya nang makita ko ang paghaba ng nguso nito.
“Natapos ka naman ba maglinis?” tanong niya. Tumango ako at ipinakita ang paligid.
“Oh ‘di ba? Ang linis na! Mukhang disente at mukhang unit na ng babae,” proud kong sabi dito.
Finally, lumitaw na rin ang ngiti sa kanya.
“Mabuti naman kung ganoon. Ibig sabihin ay pwede na tayong umalis bukas? Samgyup tayo tapos libre ko na kasi ang sipag mo ngayong araw,” wika nito. Napangisi ako.
Plano ko pa naman magpahinga at humilata lang buong araw pero okay na rin iyong suhestiyon niya. Libre niya naman eh. Sino ba naman ako para tumanggi pa doon.
“Oo na, sige na. Basta sagot mo lahat ah. Bente pesos lang ang dadalhin ko bukas kala mo,” pang-aasar ko. Ngumisi ito at tumango.
“Kahit nga huwag ka ng magdala ng wallet eh. Ako na ang bahala sa’yo,” kalmadong sabi nito.
Napagdesisyunan namin na before lunch kami magkikita para kumain sa samgyupsal restaurant. Hindi ko pa kasi na-try doon dahil masyado akong namamahalan. Ang limang daan ko ay marami ng mabibili kaysa sa unli-pork o beef na iyon at pakiramdam ko ay hindi siya worth it. Pero dahil libre ni Kervy ay siyempre, papayag talaga ako kaagad.
Naghihintay ako sa sala. Nakabihis na ako at nag-aabang na lang kay Kervy. When I received his message na nasa labas na raw siya ng building ay dali-dali na akong bumaba.
Malalaki ang ngiti niya nang makapasok ako sa sasakyan. Kaagad kong nalanghap ang pabango niya at aminin ko man o sa hindi ay nagiging paborito ko na iyon. Alam ko na kaagad kapag naamoy ko iyon ay tiyak na nasa paligid lang siya.
Habang papunta kami sa mall ay nilingon ko siya.
“Okay ka naman? Masaya ka na umalis na tayo ngayon? Pambihira ka. Gusto mo ata araw-araw na umalis tayo eh,” wika ko. He glanced at me shortly before he smiled widely. Halos hindi ko na nga makita ang mata nito. Chinito talaga! Kaya ang lakas ng appeal eh. Palangiti pa!
“Nasanay na kasi ako na kasama ka araw-araw. Saka boring sa bahay kaya nga gusto ko laging umaalis. Sana nga may pasok na ulit eh,” sabi nito. Kaagad ko siyang hinampas sa braso.
“Tumigil ka nga! Kaunting panahon na nga lang ang pahinga tapos ayaw mo pa. Nakakapagod kaya mag-aral palagi,” wika ko sa kanya. Nagkibit-balikat ito sa akin bago sumagot.
“Hindi naman ang pag-aaral ang gusto ko kaya hinihiling ko na sana may pasok na. Gusto ko lang kasi na makasama ka lagi at ng mas matagal,” seryosong sabi nito. Napatahimik ako. Gusto ko sanang sumagot o magtanong pero pakiramdam ko ay hindi pa ako handa para doon.
Tumingin ako sa bintana at nakitang malapit na pala kami sa mall. Matapos niyang maiparada ang sasakyan sa parking ay sabay na kaming bumaba at pumasok sa loob. We were both silent until we reached the restaurant.
Nakangiting lumapit sa amin ang staff.
“Table for two po, Ma’am and Sir?” Kaagad na tumango si Kervy.
“Couple po ba? May event po kasi kami ngayong week. We will be giving out free take-out meals for the couples dining in our restaurant. You can either choose any of the following in our menu,” wika nito.
Nagkatinginan kami ni Kervy. Since when did the restaurant are offering such deals with customers? Parang ngayon ko lang narinig ito ha? Hindi naman Valentine’s Day kaya bakit may ganitong paandar.
“U-Uhm, well…” Halata kay Kervy na nagdadalawang isip ito. Tinignan ko ang menu nila at nakitang sayang naman ang take out meal na iyon! Wala naman sigurong masama kung sasabihing couple kami. Ngayong oras lang naman at hindi naman nila malalaman na nagsisinungaling kami.
“Ah, yes. We’re a couple.” Napalingon sa akin si Kervy. Pinandilatan ko siya ng mata at pasimpleng ngumuso sa menu. Sana ay naiintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin.
The waitress clapped and smiled widely.
“Very well, Ma’am. In order to prove that you’re indeed a couple and you’re not just saying it for the convenience of having our take out deal, we will need to see you kissing each other. Kahit saglit lang, Ma’am, Sir.”