Sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa kung babalik pa ba si Kervy. Hindi niya pa nakikita ang anak niya. Wala akong idea kung ano ang gusto niyang mangyari. Hindi naman ako pwedeng magdesisyon sa sarili ko na aalis ako dito at pupunta sa Davao sa kabila ng lahat ng naitulong ng pamilya niya sa amin ngayon. Isa pa, may karapatan siya sa pagdedesisyon kung ano ang magiging set-up namin. Basta ang alam ko, I was just here, patiently waiting for his return. Waiting until he came home with a decision. Kahit ano man iyon ay haharapin ko. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng bigat na nararamdaman naming lahat ngayon. Kahit anong mangyari ay iisipin ko kung saan magiging masaya ang mga anak ko. Hindi ko na namalayan na aabot na pala ng isang taon ang paghihintay ko

