“A-Ayos lang po iyon sa akin…” sagot ko. Tumango ito at ilang sandali na tumingin sa akin nang seryoso. “Mama specifically requested na ikaw lang ang maaaring magpunta doon. Your parents won’t be able to come, especially your daughter dahil hindi naman nila nalaman na ang totoong mga nangyari. All our family knew is that the two of you had broken up dahil iyon din naman ang nalaman namin. Kervy asked for us to not mention about the real reason, which is you, cheating to my son, with his best friend…” she said plainly. Parang may mapait na naglandas sa lalamunan ko. Hirap na hirap akong lunukin ang mga narinig ko kay Tita Kia. Tila binabalatan ako ng buhay ngayon na kaharap siya at matapang na sinabi iyon sa pagmumukha ko. I couldn’t say a word. There was nothing to defend because what

