Den's POV
"Galing pala kayo ng Katalina. Yes, I am General Jacinto Houston. Tawagin niyo na lamang akong Supremo Heneral."
"WHAT?!", sigaw nilang lahat maliban sa akin.
"Huh? Anong meron? Bakit parang gulat na gulat yata kayo?", inosenteng tanong ko. Sino ba itong tatay ni Clint? Famous personality ba siya? Kung famous siya, bakit hindi ko siya kilala?
"Ang Supremo Heneral ay ang matalik na kaibigan ng dating hari ng Katalina City", paliwanag ni Rehan sa akin.
"What? May hari ang Katalina City?", tanong ko ulit. Luh? Akala ko ba council lang ang namamahala sa Katalina? Bakit wala akong nakikitang Royal Family or kahit saan. Parang walang nakakaalam na may Royal Family ang Katalina, or ako lang talaga ang walang alam?
All of them looked at me with a confusing look. Parang hindi sila makapaniwala na sobrang inosente ako sa mga ganitong bagay. Like, hello? Bagong salta lang ako dito sa magical thingy guys. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari.
"Pumasok muna kayong lahat at doon na tayo mag-usap", paanyaya ng nanay ni Clint sa amin na sinang-ayunan din namin.
Ilang minuto na din pala kaming nakatayo doon at nangangalay na din ang mga paa ko.
Pagkaupo ko sa sofa ay agad tumabi sa akin sina Vilry at Aquarius. Nagsamaan pa ng tingin ang dalawa na tila ba'y may mga kuryente na lumalabas sa mga mata nila.
"Hoy, para kayong timang na nagaeye-to-eye sa isa't isa. Hinay hinay lang baka mainlove kayong dalawa", pagsasaway ko sa dalawa at tumabi kay Daina. Since nasa kadulo duluhan ng sofa ang inuupan ko ay si Daina lang ang katabi ko.
"Ang haba talaga ng hair mo gurl, ang sarap mong kalbuhin!", nanggigigil na sabi sa akin ni Daina na ikinakunot naman ng noo ko.
"Akala ko ba okay na tayo? Bakit parang gusto mo akong parusahan?", tanong ko.
Napangisi naman siya sa sinabi ko. "Yes, somehow. I don't really care to you naman na and I only care for Zeus pero, nevermind. Nalaman ko na he is so unperfect for me kaya wala na akong gusto sa kaniya. By the way, you can find me a handsome guy if you want."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang g**o g**o talaga ng babaeng ito. "Tsk. Nagbibiro lang eh. Pero sorry for what I did last time, I really got jealous dahil gusto ko si Zeus that time but, yeah, I am over him now na kasi and I find him so lame. Well, he didn't even like me so who cares right? If he don't, then don't. May mas gwapo pa akong mahahanap", sabi niya sa akin.
Eh? May nasabi na naman ba akong mali? Tsk. Napailing na lang ako sa inasal ni Daina at inalala ang mga potion na gusto kong iimbento.
Brrrrrr~ Ang lamig naman dito. Niyakap ko ang sarili ko para medyo mainitan. Ang lamig lamig kasi talaga sa bahay na ito.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong living room pero wala naman akong nakitang aircon.
"Hey Yllaine!", sigaw ni Rehan sa akin. Napataas naman ang kilay ko.
"Magkatabi lang tayo okay? No need to shout", ani ko sa kaniya. He put his hands up as a sign of surrender and utter 'sorry'.
Umupo sa tapat namin ang mga magulang ni Clint. Clint's father look at me na para bang inaalala kung saan niya ako nakita.
"Uhm, sir? What's with that look?", tanong ko.
Umiling siya. "You looked like Thalia. Don't mind me, siguro naghahallucinate lang ako."
Napakunot ang noo ko. "Thalia? You knew my mother?"
"Mother? May anak na sina Thalia at Dustin?", tanong naman sakin ng nanay ni Clint.
"Opo. Ako po at yung kuya ko po", sagot ko.
"Wow, tignan mo nga naman oh. Wala na kasi kaming balita sa dalawa simula nung sabay kaming umalis sa Katalina at nanirahan sa magka-ibang lugar."
Napatangu-tango ako sa sinabi nila. So kilala pala nila ang mga magulang ko. Alam kaya nila na nawawala sila ngayon?
"Kilala niyo ho pala ang mga magulang ko. Alam niyo po ba na nawawala sila ngayon?"
Gulat na tumingin sa akin ang mag-asawa. "Nawawala? Bakit? Anong nangyari?", sabay nilang tanong.
"Dark Spirits po ang may kagagawan", napatingin ako sa Vilry na sumagot sa tanong nila. Oo nga pala, alam niya ang nangyari sa mga magulang ko dahil ganoon din ang nangyari sa magulang niya.
"Vilry Scott tama ba?", tanong ng tatay ni Clint. Tumango naman si Vilry. Paanong kilala niya si Vilry?
"Kilala ko din ang magulang mo, ganoon na rin sa iyo iha", baling niya kay Daina. "At sa inyo din", saad naman niya kaynina Rehan, Nate, at Aquarius.
"Alam ko kung paano niyo malalaman ang lokasyon nina Thalia at Dustin", sabi ng nanay ni Clint.
"Paano po?", magkasabay na tanong namin ni Vilry.
"Halikayo't sumunod sa akin", agad naman kaming tumayo at sumunod sa dalawa.
Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng libro. Mukhang ito ang kanilang mini library.
Binuksan ng nanay ni Clint ang isang libro at pina-upo kaming dalawa ni Vilry, nakatayo naman sa likod namin ang iba pa naming mga kasamahan.
"Isa akong witch at wizard naman ang aking asawa. Hindi kami basta bastang mga taong may hawak ng wand, kakaiba ang aming abilidad kaya't tinawag kaming 'The Thieves'. Kakaunti na lang ang aming lahi dahil ang iba ay nangamatay na sa hirap ng mga spells na ninanakaw nila. Itong libro ay naglalaman ng mga ninakaw kong spells. At isa dito ay galing sa hari't reyna ng Katalina dati", isang nakakagimbal na salita ang huling sinaad ng tatay ni Clint.
Gulat na gulat ang mga kasamahan ko, lalo na si Rehan.
"Ngayon, ipikit ninyong dalawa ang inyong mga mata", sabi ni Heneral Supremo sa amin.
"Wait, bakit silang dalawa lang?", tanong ni Daina.
"Dahil malalim ang koneksyon nila sa isa't isa, sa hari't reyna ng Katalina at sa taong nagsimula ng gulong ito", malalim ang koneksyon ko sa mga taong iyon?
Tumingin ako kay Vilry na nagtataka din palang nakatingin sa akin. Anong koneksyon ang sinasabi niya?
"Ipikit niyo ang mga mata niyo", utos ulit sa amin ng Heneral Supremo. Agad naming ipinikit ang mga mata namin.
Hindi ko alam kung anong mangyayari ngunit nawa'y magtagumpay ito.
"This is a f*******n spell. The darkness locator spell. Ang kasamaan lang sa dugo niyo ang tutulong sa inyong mahanap ang gusto niyo. Kasamaan ang mananatili hangga't hindi niyo pa nahahanap ang ninanais niyo. Nawa'y makayanan ninyo."
"WHAT?!", rinig kong sigaw nina Rehan, Clint at Aquarius. Ramdam ko na pilit silang nagpupumiglas at gustong kumawala ngunit huli na.