Chapter Seven

1000 Words
Chapter 7: Coincidence or Destiny? Nagising ako at agad pumukaw ng pansin ko ang lalaking titig na titig sa akin. I looked at him confusedly. "Why are you staring at me? Nasaan ako?" Magkasunod kong tanong sa kaniya pero hindi man lang siya sumagot. I waved my hands in front of him pero wala man lang akong nakuhang kahit anong reaksyon. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa buong kwarto at napag-alaman na nasa clinic ako ng university. But I still couldn't remember why I am here. Sa pagkakatanda ko, hinahanap ko si Casimir pero hanggang doon na lang iyon. Wait...why I suddenly thought of a door all of a sudden? Anong meron sa isang pinto? Umiling-iling na lamang ako para maalis iyon sa isipan ko. Binalik ko ang tingin kay Darien but still, nakatulala pa rin siya. Is he deaf? Blind? O nababaliw lang talaga siya? Hindi ko na lang siya pinansin ngunit bigla siyang nagsalita. "Iris." Mabilis akong lumingon sa kaniya. At last nagsalita rin ang kupal. "Ano iyon? Kanina ka pa nakatitig sa akin, nababaliw ka na ba?" Pang-aasar ko. "You could read people's soulmate, hindi ba?" Seryosong tanong niya sa akin. Nalilitong tumango naman ako. For all the questions na dapat itanong sa isang tao na kakagising lang and nasa isang clinic, bakit iyon pa ang naisip niya? "Haven't you wondered why? And how it started?" "Yes, I also thought about it pero wala lang akong makitang kahit anong sagot. Bakit mo pala natanong?" He looked at me at umiling na lamang. "Wala. Wala naman." •~• Darien's POV Lumabas ako ng clinic pagkatapos dumating ng nurse para tignan si Iris. I don't know what to think and do after I saw what happened. "Bakit ko ba hinahabol iyong babaeng iyon? Hindi naman siya kagandahan." Inis na sabi ko sa sarili ko. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko simula nung nagkita kami when she helped me pero hindi ko alam kung anong dapat i-sagot. Sa hindi malamang dahilan, I just felt something when I am with her. Parang may sense of familiarity ako sa kaniya, pero hindi pa naman nagkikita before. Umiling na lamang ako. Nababaliw na nga ata talaga ako. Pababa ako ng hagdan when I saw Iris. Bumalik siya? Dahil ba sa akin? I sighed. Nagiging delusional na talaga ako. Bababa na sana ako para kausapin siya but I suddenly stopped myself. Bakit ko naman siya kakausapin? Tama naman ang sinabi niya last time. Wala talaga akong totoong rason para gawin iyon. Kahit nga ako hindi alam bakit ko ba siya nilalapitan at nagpapapansin sa kaniya. Bumalik ang tingin ko kay Iris. Nakita ko naman siyang papalapit sa storage room. I also saw a flashing light coming from the room. Nagpalinga-linga ako sa paligid but it seems kami lang dalawa ni Iris ang nasa side ng building na ito. Siguro nasa mga classrooms na ang ibang mga estudyante o hindi kaya'y nagpplano para sa foundation month. I looked at Iris when I suddenly I heard a loud blag. Nakita ko naman siyang nakahiga sa tapat ng pinto ng storage room. Mabilis akong tumakbo pababa sa kaniya and immediately see if she's fine. "Iris! Iris!" Sigaw ko sa kaniya pero mukhang walang epekto. But she's breathing just fine. Normal lang din ang pulses niya. Bubuhatin ko na sana siya when I saw the light again coming from the storage room. Ano bang meron sa loob nito? Bubuksan ko na sana ang pinto when someone opened it from behind. Wait...pamilyar itong lalaking ito ah. Parang hindi siya nagulat nang makita niya ang lagay ni Iris sa harapan niya. He just looked at me at naglakad papaalis without uttering any words. Hinayaan ko na lamang siya at binuhat si Iris papunta sa clinic. Everything seems to happen in a flash. Yung lalaking iyon, Casimir. Kaya pala pamilyar siya sa akin. Isa si Casimir sa mga kinikilala kong mga baliw na nilalang sa mundong ito. Ilang dangkal lang ang agwat ng mga bahay namin and kahit na halos nagkakasabay kaming umuwi lagi, he doesn't seem to bother. Nag-try akong makipagkaibigan sa kaniya but as usual, tingin lang ang binigay niya sa akin. I know he is weird pero hindi ko alam na may itataas pa pala ang level ng ka-weirduhan niya. I also always see him with Iris. Hindi man sila magkasama, lagi naman silang magkatabi o 'di kaya'y magkasalungat ng inuupuan. Hindi ko alam kung stalker ba siya o purely coincidence lang talaga iyon. Isa pa, siya ba ang dahilan nung mga ilaw na nakita ko sa storage room? Kinurot ko na lamang ang sarili ko para magising ang diwa ko. Kanina pa malalim ang iniisip ko lalo na noong nakita ko ang marka sa kamay ni Iris. Akala ko nagbibiro lang sila noong sinabi nila na kayang malaman ni Iris ang nakatadhana sa isang tao pero hindi pala. She's the same as me. Though our abilities are different. She can see the destined one of a person, while me... I can see the fate of a person in love. It's just a glimpse of their future but it is enough for me to understand what might happen pero noong nakita ko si Iris. My ability just doesn't seem to be used on her. "Hello po!" Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng siguro ay nasa senior high school na. "Nakakagulat ka naman." Saad ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin. Kunot-noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. "Bakit po?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. "W-wala naman." Sagot ko lamang sa kaniya. Bakit hindi din gumagana sa kaniya ang ability ko? If I summarize this, nasa lima na ang bilang ng mga taong hindi ko napaggagamitan ng abilidad ko. First it was Jasper, then Lea, then Casimir, Iris and now itong batang babaeng hindi ko kilala? "Ako nga pala si Naomi." Pagpapakilala niya na parang nababasa ang nasa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD