Chapter Six

1141 Words
Chapter 6: Guilty Pleasure Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. May ginawa ba ako nung past life ko kaya nagkakaganito buhay ko? Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. It wasn't because of those delusional women na may gusto kay Darien kaya ako naiinis ngayon. Naiinis ako dahil pinili ako ng department namin para magsuot ng clown costume for the foundation month. Sa dinami-rami ng mga tao sa department namin, ako pa talaga ang naisip nila. Nanandya ba iyong mga iyon? Kung hindi lang mandatory ang pagpaparticipate dito, hindi ako susunod. Kaso wala eh, costume o bagsak lang ang dalawang choice ko. "Iris!" I quickly rolled my eyes when I heard a familiar voice calling me. Mabilis kong sinarado ang librong hawak ko at lakad-takbong nagtago sa likod ng isang shelf ng library pero kung minamalas ka nga naman, naunahan pa ako. "Tinataguan mo ba ako?" Nakangising sabi niya. I glared at him bago umiling. "Of course not! Nakakairita lang talaga ang pagmumukha mo. And hindi ikaw ang pinagtataguan ko, iyong mga babaeng hayok na hayok sa iyo." Ngumiti lang siya sa akin at sumandal sa table. "By the way, balita ko center of attention ka daw next week." Pang-aasar niya. Hindi ko siya pinansin at binalik na lamang ang mga librong hiniram ko kanina. "You will wear a clown costume 'di ba? Ano kaya magiging itsura mo 'nun?" Iris. Breathe. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras ang mga lalaking tulad niya. Sana naman may maghanap sa akin na kung sino para makaalis na ako sa awkward na sitwasyon na ito. "Ay! I heard something about you. About your ability to foresee the soulmate of a person? Pwedeng tignan mo yung akin? Malay mo, pangalan mo pala naka-ukit sa palad ko." Walang ganang humarap ako sa kaniya. "Darien, kung wala kang magawa, huwag mo kong istorbohin. Ano bang ginawa ko sa'yo kaya ka nagiging linta kung makadikit sa akin? Buntot ba kita, ha?" "Hindi ba pwedeng attracted lang sa'yo?" "Hindi. Please 'wag. Doon ka na lang sa iba, huwag lang sakin." Pagdiiin ko. "Wala ka ba talagang nararamdaman kahit na kakarampot lang na familiarity? Like parang magkakilala tayo dati or may nararamdaman ka sa akin?" Tanong niya. Nawweirduhang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Seryosong seryoso siya sa naging tanong niya. Don't tell me may gusto talaga ito sa akin? Umiling ako sa kaniya. "Wala. Walang akong kahit anong nararamdaman sa'yo maliban sa inis at galit. Kaya pwede ba, lumayas ka sa harapan ko?" Nawala ang ngiti sa labi. He also looks like he's been hurt by what I said. Bakit naman siya masasaktan? Pinagtitripan lang naman niya ako. Walang salitang naglakad siya papaalis. Nakaramdam naman agad ako ng pagka-guilty sa ginawa ko. But he deserves it, right? Wala nga akong kahit anong clue kung bakit niya ako pinagtripan. But maybe what I did may made him come to his senses. Masyado na siyang maraming ginawang masama sa akin. Lalo na iyong mga babaeng windang na windang sa kaniya. Akala mo naman may katiting na kabaitan doon. Ayos pa sana kung matalino, mabait o 'di kaya one of a kind na lalaki iyong si Darien. Pero hindi eh, mukha lang meron siya. *** It's been a week since Darien talked to me. Hindi na rin kami masyadong nagkikita ni Jasper since lahat kami ay busy for the midterm examinations at paghahanda sa foundation month ng school. "Iris! Paki-abot nga ito kay Mr. Macapagal. Nandoon siya ngayon sa Business Management building." Utos sa akin ng class president namin habang inaabot ang isang box. Walang reklamong sinunod ko naman siya. I lifted the box and thankfully, sobrang gaan lang niya. Siguro mga folder or papel lang ang laman nito. Habang naglalakad ako, I was happy that I am not getting the attention I used to have before. Siguro naglie-low na rin ang mga chismosa at hindi na ako ang napagdiskitahan nilang maging topic. Kumatok ako sa pinto ng kwarto kung nasaan si Mr. Macapagal. "Come in." Dahan-dahan akong pumasok at nilagay sa tabi ng table niya ang box na hawak ko. "You're from the Psychology department right? Wait here, I am going to give you something." Sabi niya sa akin at naghanap ng hindi ko malamang bagay sa drawer niya. Napatingin naman ako sa klase niya and to my surprise, I saw Darien who's staring at me. Napakunot ang noo ko when I saw bruises in his face again. Napa-away na naman siya? "Here." Lumingon ako kay Mr. Macapagal and look at the folder he gave me. Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kaniya bago umalis. I gave Darien another look but he already shifted his attention to someone else. Lumabas ako ng room at naglakad pabalik sa building namin when I heard someone shouted my name. "Iris!" I looked at the man running to me. Mukhang galing siya sa kwarto ni Mr. Macapagal. "Why? May naiwan ba ako?" Tanong ko sa kaniya pagkalapit niya sa akin. Umiling naman siya at inabot sa akin ang isang pirasong papel. "Pinapa-abot ni Darien." He told me before he left. Napatingin ako sa papel na binigay niya and was bewildered when I read what Darien wrote. 'Don't get close to your classmate, Casimir. Just don't.' Anong pinagsasabi ni Darien? Ni hindi nga ako lumapit kay Casimir ni isang beses. Maybe when we were in a group before but I didn't totally knew him. Isa pa, napaka-weird ng lalaking iyon. Hindi ko nga alam kung sadyang introvert lang talaga siya o ayaw niya lang talagang makipagkaibigan sa kahit na sino sa room. Why would Darien wrote these kind of words? Masyadong pointless. Nilukot ko na lamang ang papel at tinapon sa pinakamalapit na basurahan. Pagbalik ko sa classroom, agad kong binigay ang folder sa president namin. "Thanks. Oh! By the way, nakita mo ba si Casimir habang pabalik ka dito? Inutusan ko din kasi siyang pumunta ng business management building but hindi na siya bumalik." Sabi ng president namin. Umiling naman ako sa kaniya. "No, I haven't seen him. Try kong hanapin." "Sige, salamat ha. Nasa kaniya kasi yung USB. Andoon pa naman nakalagay lahat ng mga plano natin for the foundation month." Tumango na lamang ako at naglakad papaa-alis ulit. Bumalik ako sa business management building but I didn't saw any traces of Casimir. Nagtanong na rin ako sa mga estudyante doon but even they didn't saw him. Babalik na sana ako sa building namin when I saw a flashing light coming from the janitor's room. Lumingon ako sa paligid but there's no students anywhere. Maybe bumalik na sila sa mga klase nila. Dahil sa curiosity, I went in front of the janitor's room at dahan-dahang binuksan ang pinto. But before I opened the door, bigla na lamang akong nakaramdam ng lamig and immediately passed out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD