Den's POV
Puro na lang inventions ang nasa utak ko. But siguro kung itutuloy ko ito marami na akong matutulong sa mundong ibabaw at baka malagay ako sa history. O baka pati biography ko ay masasama na sa curriculum ng mga eskwelahan? OMG! That would be great!
Hinanap ng mga mata ko si Cygnus pero hindi ko siya makita.
Lahat na rin ng mga estudyante ay nagtatakbuhan. Parang takot na takot sila.
Wews, bakit naman sila matatakot? Sino ba yung tinatakbuhan nila? Sapakin ko pa yun eh.
'Hello Dennylaine'
Isang nakakakilabot at malalim na boses ang narinig ko.
I looked everywhere para hanapin kung sino yung tumawag sa akin pero hindi ko talaga mahanap. Ako na lang din ang mag-isa dito sa labas ng dining hall.
I mouthed 'weird' pero isang nakakatakot na halakhak lang ang narinig ko. Sa likod ko.
Paglingon ko, doon ko nakita ang isang lalaki. He is wearing a full black outfit. Woah, parang kulto lang ah.
Sobrang puti din niya at aakalain mong bampira. Pero hindi niya kamukha si Edward Cullen. Super layo. At one more thing, ang pangit niya.
All smile siya habang papalapit sa akin.
Okay, so nakakatakot siya. I should run right now, right? Pero hindi ko kayang magalaw ang mga paa ko.
I'm starting to gain sweats dahil sobrang kinakabahan na talaga ako.
Baka kung anong gustong gawin sa akin ng lalaking ito. Maybe he wants to r**e me?
And at that tought, napasigaw ako.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!"
Nagulat ang lalaki and started to laugh hard. Pero hindi din nagtagal iyon when someone shoots him an ice shuriken.
Si Ysha ba ang may gawa nun? Siya lang naman ang kilala kong Ice Holder.
But my guess isn't right. It's a girl with a white hair. She is so beautiful and she looks like a goddess to me.
Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko so I just watch them fighting.
Nagpatama ng sunod-sunod na Ice Bullets and Ice Shurikens ang babae. It is so powerful and so fast like a speed of light.
Ang galing niya. That is what I always say to my mind.
Walang mintis ang mga tira niya. Mukhang sanay na sanay na siya sa pakikipaglaban at ibang klase ang Ice power niya. Parang kakaiba.
Agad na nawala ang lalaki.
The woman looked at me. Lumapit siya sa akin at ngumiti.
Shit! Nakakainlab yung ngiti niya mga dre! Nakakatomboy! Hutek!
"DEN!", sigaw ng kung sino.
Wait, boses ni kuya iyon ah.
Napalingon si ate girl doon sa pinanggalingan ng boses at tumingin sa akin. She utters a spell na hindi ko alam ang ibig sabihin at biglang nawala, kasabay ng pagkawala ng malay ko.
~●~
Vilry's POV
Woah! Infernes dumadami na ang mga POV ko dito sa storyang ito.
I'm getting more recognition na rin. I'm so glad talaga at napakathankful ko sa iyo author. Pakiss nga! Mwah mwah!
Plug ko lang sss ko guys, Vilry Scott okay? Add niyo na lang. Yung pinakagwapo ako yun. *wink*
So anyways, mabalik tayo sa tilian session ni Den.
Tumatakbo kaming lahat ngayon papunta sa pinanggalingan ng boses.
Bopols talaga nitong si Cygnus eh. Sabi ko sa kaniya baka nasa dining hall si Den pero ayaw maniwala.
Tignan mo? Nandun pala talaga si Den. Hayst, mas matalino talaga si Hulk kaysa kay Iron Man guys. Proven na iyan sa storyang ito.
"DEN!", sigaw ni Derrick.
Tumakbo ako ng napakabilis yung tipong naunahan ko pa sila sa pagiging mabilis ko.
Woah, hindi niyo alam na mabilis tumakbo si Hulk noh? Tsk. Now you know.
Napatigil ako ng makita kong babagsak si Den. Mabilis pa sa alas-kwatro na nakalapit ako sa kaniya at sinalo siya.
Pasalamat itong babaeng ito naramdaman niya ang precious abs ko na pinag-aagawan ng mga chicks.
I looked at the Dark Spirit na nawawala na. But I found some Ice Crystals sa katawan niya bago mawala siya ng tuluyan.
That's weird. Ice? Kung si Den ang may gawa nun, it must be ashes pero mukhang iba ang may kagagawan nun. Ice crystals eh.
Konti lang naman ang may kapangyarihan na Ice dito sa Academy, including Ysha na kasama namin kanina.
"Den, wake up please", sabi ni Derrick pagkalapit niya sa kapatid niya.
Kinuha agad niya sa akin ang walang malay na si Den at binuhat.
Akin lang yan eh! Soon-to-be wife ko pa yan! *pout*
"I am going to the clinic. Bumalik na kayo sa mga dorms niyo, thanks sa pag-aalala sa kapatid ko", sabi ni Derrick sa amin bago umalis dala dala ang katawan ni Den.
"How sad, ganun na lang yun? Kala ko pa naman may bakbakan na", sabi ni Cygnus.
"Same, same", I agree at tumango tango pa.
"Maybe we should go back to our dorms na gaya ng sabi ni Derrick", sabi ni Ysha.
"Yeah, and maybe dapat we should sleep na rin kasi we're so pagod na din", panggagaya ko sa dalaga.
"Bwiset ka, alam mo ba yun?", gigil na sabi ni Ysha sa akin pero tumawa lang ako.
I bid goodbyes to them at iniwan sila.
Dire-diretso ako papunta sa dorm ko. Naabutan ko pa doon si Casper na patulog na.
"Yow wazzup brad, alam mo ba yung nangyari?", I asked my roommate.
Tumango na lang siya. "Yung sa Dark Spirit ba yun?"
"Uh-huh", sabi ko at tumango-tango pa.
Buti na lang may mga nasasagap ding balita itong karoommate ko. Akala ko wala eh.
Si Casper kasi ay matagal na iyan dito. Kaedaran nga iyan nina Derrick. He is quite a silent person.
Sa pagkakaalam ko isang holder siya pero hindi niya nilalabas ang kapangyarihan niya. Never pa. Ewan ko dyan, 'di ko ng alam kung paano siya nakakapasa sa mga yearly evaluations eh.
"Goodnight brad!", sigaw ko sa kaniya and I jumped to my bed.
Tumango lang siya at tumalikod na sa akin.
~●~
Den's POV
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.
Where am I?
"Gising ka na pala, Den", I looked at Bellatrix na kakapasok lang sa loob ng kwarto.
"Nasaan ako?", tanong ko sa kaniya.
"Nasa clinic ka. Sis pinakaba mo kami kahapon ah", sabi niya sa akin.
"Sorry"
"Naku! Ayos lang yun. Marami talagang umaaligid na dark spirit ngayon mag-ingat ka na lang sa susunod ha? Wait, tatawagin ko muna yung nurse", she said then left me.
Pinalitan naman siya ni kuya na may kasamang isang pamilyar na babae.
"Den! I'm glad you are awake"
I looked at the woman. Pamilyar talaga siya eh. Hindi ko lang alam kung saan ko siya huling nakita.
"Hoy Den! Ayos ka lang?"
I saw the woman smiled at me then pointed out my kuya.