Daina's POV
"Medyo pamilyar po siya. Or baka kamukha lang. Ano pong pangalan niya?"
"Clint, iha. Clint Houston."
Nanlaki ang mga mata namin ni Nate sa narinig namin. Clint Houston? Iyon ba yung Clint na kilala namin?
"Hindi ba, Clint Houston ang buong pangalan ni Clint?", tanong ko kay Nate.
"Hindi ba, Houston ang apelyido ni Clint?", tanong sa akin ni Nate.
"So, hindi kaya. Si Clint yung hinahanap niyang anak?", magkasabay naming tanong sa isa't isa.
Binalik namin yung tingin sa gawi nina Ysha at nung lalaki pero hindi na namin nakita yung lalaki. Siguro ay umalis na.
"Kailangan nating sabihin kay Clint ang tungkol dito", ani ni Nate sa akin na sinangayunan ko.
Bumalik kami sa Katalina City at dumiretso sa academy. Pag dating namin doon ay agad naming hinanap si Clint. Pumunta kami sa library at namataan lang namin sina Vilry, Den, Rehan at Aquarius na nag-uusap.
"Den!", sigaw ko sa kaniya.
"QUIET! THIS IS A LIBRARY!", sigaw ng librarian. Agad naman akong nagroll eyes. Quiet pero sumigaw ang depungal.
"Bakit, Daina?", tanong ni Den sa akin. Kita ko namang tumingin din sa akin yung mga kasama niya.
"Nakita niyo ba si Clint?", tanong ko kay Den pero umiling siya.
"Bakit? Anong nangyari?", tanong sa amin ni Rehan.
"Hoy, kung makasigaw kayo parang nakakatakot ah. Did you alam na I am natatakot?", walang kwentang sabi naman ni Vilry sa amin.
I just rolled my eyes at tipong aalis na when Aquarius stopped me.
"Oh baket?", takang tanong ko.
"Papunta ngayon dito si Clint. I read his mind. Dito na lang kayo maghintay para marinig din namin kung anong paguusapan ninyo."
"Tsk. Chismoso ka boy?", pambabara ni Vilry kay Aquarius pero sinamaan lang siya ng tingin ng lalaki.
"Hinahanap mo daw ako, Daina?", tanong ni Clint sa akin pagkadating niya.
"Kailangan mong sumama sa amin", sabi ni Nate kay Clint at hinatak ang lalaki.
"Hoy! Saan kayo pupunta? Sama kami!", sigaw nina Den at Vilry sa aming tatlo.
"QUIET! THIS IS A LIBRARY!"
Naramdaman ko namang sumunod sa amin yung apat. Rehan, Vilry, Aquarius and Den are now trying to trail us. Mabilis ang mga naging pangyayari. We took a shortcut on the city's old coffee shop at pagkalabas namin sa shop ay nasa normal na mundo na kami.
There was so many shortcuts in Katalina City. Isang shortcut lang iyong coffee shop papunta sa normal na mundo. Some places in Katalina goes directly to France, Korea, US or even in Antartica. Meanwhile, the coffee shop goes directly to the Manila, Philippines.
"Woah! Hindi ko alam na may ganito pala", manghang sabi ni Den habang tinitignan pa ang pinanggalingan naming pinto.
"Anong ginagawa natin dito?", tanong ni Clint sa amin.
"May pupuntahan tayo", maikling sagot ni Nate kay Clint.
Pumara ng jeep si Nate at sumakay kaming lahat doon. Hindi ko nga alam kung papaano kami nagkasya sa loob. Mabuti na lang ay walang tao at kami-kami lang ang nasa jeep.
"What is this called?", tanong ni Aquarius sa aming lahat.
"Wait, hindi mo alam yung tawag sa sasakyang ito?", tanong ni Den kay Aquarius.
"Ay iba ka boy! Sosyalin ka!", sigaw ni Vilry.
Nagbayad naman si Nate para sa aming lahat. Meanwhile, Rehan is so serious habang iniisip kung saan kami pupunta. Siguro ay iniisip din niya kung bakit pa siya sumama. Then tinignan ko si Den na manghang manghang nakikipagasaran kaynina Aquarius at Vilry. Alam kaya ng babaeng ito na ang daming nagkakagusto sa kaniya? Clint, Vilry, Rehan, Aquarius, Ivan and Zeus. Sino kaya ang makakatuluyan ng babaeng ito out of those six?
"Galing akong China bago ako pumunta ng Katalina. Even though, half Filipino ako, I've never been in this place before", paliwanag ni Aquarius sa dalawa.
"Ow? Hindi ko alam na ching chong ka pala", gulat na sabi ni Den.
"Dapat ang tawag sa iyo ay Ching Chong Aquarius. Basta ako si Hulk."
Tila ay wala akong magets sa mga pinaguusapan nila. Hindi ko nga alam kung bakit may equivalent sila sa avengers or marvel characters eh.
Vilry is Hulk; Den is Black Widow; Cygnus is Iron Man; si Kuya Derrick naman ay si Hulk Eye; si Clint ay si Captain America daw; Bella is Scarlet Witch; Zeus is Thor; Trinity is Mantis.
"Ako? Ano ako doon?", tanong ni Aquarius kay Vilry.
"Ay may nabasa ako sa sinulat ni Cygnus eh", pagsali ni Clint sa usapan.
"Ano yun?", tanong ni Vilry.
"Ysha is Wasp; Daina is Gamora; si Aquarius si Aquaman-"
"Hindi marvel si Aquaman", pagpuputol ni Aquarius sa sinasabi ni Clint.
"Edi si Falcon ka na lang. Tapos si Nate si Ant Man; si Ate Ylle naman si Nebula; si Ivan si Black Panther tapos ngayon ngayon lang, si Rehan daw si Doctor Strange."
Kilig naman itong si Nate nang marinig niyang siya si Ant Man at si Ysha si Wasp. Naku naku naku. Walang poreber mga chaka!
"Paano sina Casper tapos sina Melizabeth at Cassandra?", tanong ni Den kay Clint.
"Ay! Oo nga pala! Si Casper daw si Vision; si Meliza si Shuri tapos si Cassandra daw si Valkyrie."
"Ang dami niyong alam", biglang sabat ni Rehan sa usapan pero nagmake face lang sina Vilry at Clint sa kaniya.
"Andito na po kayo", sabi ni manong tsuper.
Agad naman kaming nagpasalamat at bumaba na sa jeep. Pagdating namin sa subdivision na tinitirhan ni Ysha ay agad din naming nakita ang babae.
"Hala! Si Ysha yun 'di ba?", gulat na tanong ni Den sa akin.
"Oo, siya nga. Lagi naming dinadalaw iyan dito pero hindi siya ang pinunta namin dito", sagot ni Nate kay Den.
Dumiretso kami sa bahay na katabi lang ng bahay kung saan nakatira si Ysha. Agad kaming nagdoorbell at pinagbuksan din naman agad kami.
"Sino iyan? Sandali lang", sabi ng isang magandang boses. Siguro ito ang asawa nung kausap ni Ysha noong nakaraan.
Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay agad siyang napaiyak sa kaniyang nakita. Clint is at her front right now. Sh*t! So si Clint nga talaga ang anak nito?
"C-cl-clint a-a-anak", nahihirapang sabi ng babae kay Clint bago niya ito niyakap.
Naguguluhang tinignan kami ni Clint ngunit umiling lamang kami.
"Chera, sino daw ba iya-", hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya nang makita ang kalagayan ng dalawa.
Agad na napaluhod ang lalaki at umiyak.
"Hala kayo, pinaiyak niyo", ani ni Vilry sa amin kaya sinikuhan siya ni Den para manahimik. Umakto naman si Vilry na zinizipper ang bibig.
"A-a-anak ko!", sigaw ng lalaki bago dinaluhan ang mag-ina sa pagkakayakap.
Ramdam ko naman na may pumatak na luha sa mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan.
"Pahingi tissue, please", bulong ni Den kaynina Vilry at Aquarius na katabi lamang niya pero umiling lang ang dalawa habang halatang nagpipigil ng pag-iyak.
Itong si Aquarius akala ko atapang na bata, bakla din pala. Tsk.
"Sir, you are quite familiar to me. Kayo po ba si General Jacinto Houston? The General who is close to the King of Katalina?", seryosong tanong ni Rehan sa kanila.
"Huy Rehan. Kitang nagfafamily time sila eh. Anong general general ka dyan?", tanong ni Den kay Rehan at marahang hinampas.
Wait. General Jacinto Houston? Bakit pamilyar na parang hindi?
Kumalas ang matandang lalaki sa pagkakayakap sa kaniyang mag-ina at tumingin kay Rehan.
"Galing pala kayo ng Katalina. Yes, I am General Jacinto Houston. Tawagin niyo na lamang akong Supremo Heneral."