Den's POV
Pagkamulat ng mata ko, isang pares ng mga mata ang bumungad sa akin. Vilry's eyes.
"Bwiset ka Den! Ginulat mo ko. Pwede bang dumilat ka naman ng dahan-dahan yung katulad sa mga dramas para may thrill yung pagkikita ng mga mata natin", sabi niya at kumindat pero halata namang kinakabahan siya habang iniiwas ang mata niya sa pagkakatingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nanghihinang bumangon ako at umupo. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at napagalaman ko na nasa dorm na pala ako.
"Anong nangyari?", takang tanong ko sa kanila.
Gulat namang tumingin sa akin si Cygnus at lumapit sa akin. "Hala Den! May amnesia ka! Omo-"
"Can you please shut up?", pasigaw na sabi ni Aquarius kay Cygnus. Malungkot naman niya akong tinignan at umakto pang zinizipper ang bibig bago bumalik sa tabi ni Trinity.
"Nagwala ang holding magic ni Ysha at pilit na lumalabas. The whole contest area was full of ice. They told us to go out but I think you're too f*ck*ng crazy and want to be dead that you stayed there-"
Matalim na tinignan ko si Ivan. "Pwede bang magpaliwanag ka ng hindi ako dinadown?"
Ivan cleared his throat. "Okay, so you being so stubborn-oh sh*t sorry. I mean, may I just ask you, bakit hindi ka lumabas sa contest area on time? You'll just find that f*ck*ng white door for god's sake!"
Tignan mo itong lalaking ito. Sabi ko huwag akong idown but nagmura pa.
He sighed and looked at me with guilt in his eyes. "Sorry, I'm just concern. I mean we are concern-oh f*ck, I need to go out for a minute", sabi niya at lumabas.
Nagtatakang tinignan ko naman siya. Baliw na ba siya? Tsk. Papaalalahanan ko ang sarili ko na kapag gumawa ako ng sarili kong potion na nakakapagpatino ng pag-iisip, bibigyan ko siya.
"So, sino sa inyong apat ang nagdala sa akin dito?", tanong ko kaynina Zeus, Cygnus, Vilry at Aquarius. "Obvious naman para sa akin na hindi si Ivan iyon."
"It's me."
I looked at the guy in the door. Katabi niya sina ate Ylle at kuya. Nakangiting kumaway sa akin si Ate Ylle na ikinangiti ko.
"Ikaw yung multo 'diba?", takang tanong ko.
"The hell? I am not a ghost okay? Pwede bang alalahanin mo yun?", inis niyang sigaw sa akin.
"Sorry naman po", paghihingi ko ng paumanhin.
"Casper save your life. Pumasok siya sa contest area to find you at inilabas ka", pagpapaliwanag ni kuya sa akin.
"And pinagsisisihan ko na iyon. Tsk. Bakit mo ba naging kapatid iyan, Derrick?", sabi niya kay kuya bago umalis.
Natatawang lumapit sa akin si kuya at tinignan ang lagay ko. "Are you okay now?"
Tumango ako sa kaniya. "Wait, kamusta na pala si Ysha?", tanong ko.
"Hindi namin alam. Bago kami pumunta dito, nasa infirmary pa rin siya", sabi sa akin ni Trinity habang iniiwas ang sarili kay Cygnus na lagi siyang sinusundan. Pag-ibig nga naman oh.
"I just received a letter. Pinapapunta tayo sa Master Center sa Katalina. They would erase Ysha's memories", sabi ng kararating lang na si Ivan.
"Hala?! Bakit daw?", tanong ni Vilry.
"She is now a mundus", sabi niya habang direktang nakatingin sa amin.
"We need to move fast. Bumango ka na Den kung gusto mo pang makita si Ysha", sabi ni kuya sa akin.
Dali-dali akong nag-ayos kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari. Mabilis kaming bumaba ng dorm at sumakay sa kotse papuntang master center.
"What is a mundus? Ngayon ko lang narinig iyon", tanong ko sa kanila.
Sumagot naman si Trinity na katabi ko lang at nagpaliwanag sa akin. "Mundus is a non-magical humans. They didn't have any knowledge about us and they don't have any magics. Ito ang worst part ng pagiging holders. Gaya ni Ysha, if your holding magic is drained at nawala, you could be mundus. And since hindi ka na kabilang sa mundo ng mahika dapat matanggal ang lahat ng alaala mo, just for the sake of the magic society."
"Even your parents? Hindi mo na maaalala?", dagdag na tanong ko na ikinatango niya.
Kawawa naman ang mga magulang ni Ysha. Hindi na sila maaalala ng sarili nilang anak.
"Den, in the first place, mamumuhay ng normal si Ysha. Far away from the messy magic society", pagaalo sa akin ni Zeus.
But still, iba pa rin dito. Dahil nandirito ang mga magulang niya.
Paglabas namin ng kotse agad kaming dumiretso sa council hall. Sila daw ang magtatanggal ng alaala ni Ysha.
Pagpasok namin, agad naming nakita sina Bella. Kita ko naman ang gulat sa mga mata ni Clint habang nakatingin sa akin. I smiled at him.
Nakita ko din ang pamilya ni Ysha na mangiyak-ngiyak na nakatingin sa walang malay nilang anak.
Napayuko ako dahil ayaw kong maiyak. Naaawa ako sa kanila. Kung pwede lang na iabolish ang law na iyan.
Ramdam ko naman na may umakbay sa akin. Kita ko si Zeus na nakatingin sa akin na nagaalala. I stand straight at inayos ang postura ko pero agad din akong napayuko nang makita kong papalapit ang isa sa council sa katawan ni Ysha.
"Dennylaine. Ysha will be fine. Just think of that", hinanap ng mga mata ko si Aquarius na siyang nagsalita gamit ang telepathy.
Kita ko naman siyang seryosong nakatingin kay Ysha.
Napangiti ako. Maybe she would be fine. May tiwala ako kay Ysha. Eventhough hindi na niya kami naaalala at mamumuhay na siyang normal, she would still remember us deep in her heart.
"Iyan, ngumiti ka na rin", sabi ni Zeus habang nakatingin sa akin. Inalis na rin niya ang pagkakaakbay sa akin at binalik ang tingin kay Ysha.
I looked at Ysha's family again. They are now wiping out their tears. I think they already know na magiging maayos ang anak nila, magiging normal.
Nang matapos ang ginawang spell ng isa sa mga council, nilabas na nila ang katawan ni Ysha. I think she would be going to the normal world na at pagkagising niya, hindi niya maaalala na may nangyaring ganito or in short, hindi niya maaalala ang lahat.
Agad kaming nagbow sa mga council but agad nanliit ang mata ko when I saw a familiar face sitting in one of the council's chair. He smirked at me nang makitang nakatingin din ako sa kaniya. No, no, no. It can't be right? Paanong nandito siya?
"Den, kailangan na nating umalis", pag-aaya ni Bella sa akin na ikinatango ko naman. Sinulyapan ko ulit ng tingin ang lalaki. Why is he here? What does my ex-boyfriend doing here? Ito ba ang dahilan kung bakit ka nawala, Rehan?