Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang aking ulo. Nasa tamang kwarto naman ako, ngunit hindi ko maalala kung papano ako nakabalik. Ang huli ko lang natatandaan ay… Wait, ang huli kong natatandaan ay… Sandali tila may mali sa natatandaan ko. Imposible naman, panaginip lang iyon. Tila nararamdaman pa ng labi ko ang labi ng lalaking kinamumuhian ko. Hay naku! Pero imposible ‘yon! Gusto nga niyang umalis na ako ng Sta. Ana, kaya imposibleng magkatotoo ang panaginip kong iyon. Bumangon na ako at nag-ayos ng aking sarili. Kahit na masakit ang ulo ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga empleyado ng kompanya. Hindi man ako nakikilahok sa kanilang mga palaro ay mas gusto ko pa ring maramdaman nila ang presensya ko. “Mukhang naparami ang inom mo kagabi, Ma’am,” sambit ng sekretarya ni Dadd

