Kabanata 30

1144 Words

Malalim ang isip ko habang nagmamaneho ako pauwi. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari kay Ivo, at kung bakit ayaw na niya akong paalisin ng Sta. Ana ngayon. Huwag niyang sabihin na gusto niya akong maging kabit, pagkatapos noong nangyari Doon siya nagkakamali, hinding-hindi ako papayag. Nang makauwi na ako ay naligo lang ako saglit at nagpahinga na. “Napakasaya namin ng Daddy mo, anak, salamat talaga,” sambit ni mommy. Natapos na ang kanilang bakasyon, at nakauwi na sila. “Wala ‘yon, ‘my.” Masaya na akong naging masaya sila sa bakasyon nila kahit na medyo nahirapan naman ako sa pananatili rito sa Sta. Ana. Naging sakit lamang naman sa ulo ko si Ivo, ngunit kahit na sinabi niyang hindi ko na kailangang umalis ng Sta. Ana ay aalis pa rin ako. Wala na rin namang dahilan para mana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD