“A-Anong…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ako makapag-isip habang nakatingin sa nag-aalala niyang mukha. Hindi ko rin maintihan kung bakit naririto siya? Anong problema niya? “Anong masakit sa’yo? Tanong niya habang ang kan’yang mga mata ay gumagala sa katawan ko. Tila naghahanap kung saang bahagi ako nasaktan. Ano bang sinasabi niya? Wala namang masakit sa akin. Iniisip niya bang nadulas ako kaya nakasalampak ako sa sahig? “Ano bang sinasabi mo?” Nagtatakang tanong ko sa kan’ya. “Hindi ba nadulas ka? Kaya ka sumigaw?” Sabi niya. Gusto kong matawa sa kan’ya pero hindi ngayon ang oras para matawa. Dapat nga ay naiinis ako dahil nagkita na naman kaming dalawa, and worst kapitbahay ko pa. “Nababaliw ka na,” sambit ko. Tumayo na ako at pinagpag ang aking pants kahit na

