Buong linggo akong nanatili sa siyudad, at namahala ng clothing line namin. Nang sumapit ang sabado ay uuwi ako ng Sta. Ana. Katulad ng plano ko ay uuwi ako tuwing weekend para makasama ang magulang ko. Naligo lang ako at nag-ayos bago umalis. Wala naman na akong dalang gamit, dahil marami naman na akong gamit doon. Lumabas na ako ng unit ko at handa na sanang umalis nang bumukas din ang pinto ng kapitbahay ko. Hindi ko sana siya papansinin ngunit nagsalita ito. “May pupuntahan ka?” Tanong ni Ivo. Nakapambahay lamang si Ivo at may hawak na basura, mukhang maglalabas lamang siya ng kan’yang basura. “Uuwi ng Sta. Ana,” sagot ko lamang sa kan’ya. Mukhang nagulat siya sa naging sagot ko at tila nataranta pa ito. “U-Uuwi rin ako, sabay na tayo,” natatarantang sabi niya, at nagmamadaling

