Single? Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Ivo ngayon. Hindi ako nililinlang ng paningin ko noong araw na nakita ko silang magkatabi ni Caitlyn, at walang saplot. Kaya papaanong magiging single siya. Hindi niya ba pinanagutan ang babae? Ngunit noong nakasabay namin silang kumain ay tila pinapahiwatig ni Caitlyn ang kan’yang paglilihi. Kaya’t posibling buntis siya! Ngunit ano itong mga sinasabi niya ngayon? Pinaglalaruan niya ba ako? “Hindi mo ako maloloko,” sambit ko. Si Caitlyn mismo ang paulit-ulit nagsabi sa akin na may namamagitan sa kanila. Imposible naman na gumagawa lamang ng kwento ito. Marahil ay inatanggi niya lamang ang babae para makuha niya ang loob ko, at maloko niya akong muli. “Niloko mo na ako noon, hindi ko na hahayaang maulit pa iyon ngayon,” matapang na sambit

