Nang makauwi ako sa bahay ay natulog pa ako. Pakiramdam ko ay nanoot sa kalamnan ko ang lamig ng hangin sa labas kanina. Kahit na pinahiram ako ni Ivo ng jacket ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig sa madaling-araw. Mataas na ang araw nang magising ako. “Achuu!” Napatakip ako sa bibig ko nang humatsing ako. Kumuha ako ng tissue sa aking bedside table at pinunasan ang aking ilong. Mukhang sisipunin pa yata ako. Medyo mabigat na rin ang pakiramdam ko sa aking katawan. Kung wala lang kaming usapan na magkita ni Ivo mamaya ay hindi na muna ako babangon, ngunit kailangan ko siyang makausap. Bumangon na ako at nang mapatingin ako sa orasan ay magtatanghali na nga palang talaga. Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo na at makapaghanda. Matapos kong maligo at maghanda ay nagtungo na

