“Dad, hindi ba pweding sa iba na lang?” Hindi ko na napigilan at tinawagan ko na nga ang aking ama, through video call. Namomroblema na ako sa venue ng team building nila. Paano ako makakapunta gayong hindi naman ako pweding pumasok sa Luna. “Anak, matagal na iyang naaprobahan. Kausapin mo na lang muna si Ivo, I’m sure papayag na ‘yon. Ang tagal-tagal na no’n anak, hindi pa ba kayo ayos?” Napabuntong hininga ako, at hindi na kinulit pa ang aking ama. Gagawan ko na lamang ng paraan, at hindi ko na lang muna sila aabalahin sa kanilang bakasyon. Tama naman si Daddy, ang tagal-tagal na no’n pero ‘yong sakit at trauma, nandito pa rin. Nararamdaman ko pa rin, dala-dala ko pa rin ‘yong takot na baka lahat ng lalaki ay lolokohin lang ako. Wala akong contact number ni Ivo kaya hindi ko rin nam

