I found myself walking in a small park. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayang malayo na ang nalakad ko. Hindi na ako nakasakay ng sasakyan dahil nakaharang sa labas ng bahay ang sasakyan ni Arthur kaya no choice ako kun'di maglakad. Sa ngayon hindi ko alam ang pupuntahan ko, hindi ko alam kung saan ako mag-i-stay at kung sino ang lalapitan ko. Ni hindi ko magawang matakot sa dilim ng kalsadang dinadaanan ko, bihira pa ang mga sasakyang dumaraang dahil anong oras na rin, wala na masyadong bumabiyahe ng ganitong oras. Naupo ako sa tabi ng palaruan. I smiled a bit, napahawak ako sa tiyan ko. Kahit papaano mayroong nagpapasaya sa akin sa ganitong sitwasyong lugmok na lugmok ako. I can't wait to see my baby's playing at something like this park. Masaya siguro iyon lalo na kung

