Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Kahit mabigat ang maleta nagawa ko pa rin itong buhatin dahil sa inis ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko dahil nakita ko sa labas ang sasakyan ni Arthur, hindi pa ito naka-park ng ayos kaya hula ko ay kakarating niya lamang. Inalis ko ang pagkagulat sa sarili ko at mabilis pumunta sa sasakyan. "Hey, hey, what the f**k is this? What the hell are you doing?" inagaw sa akin ni Arthur ang maleta na pinapasok ko na sa loob ng compartment ng sasakyan. "I'll leave you now." His eyebrows met in confusion. "What did I do wrong again? Ano na naman 'to, Samantha?" "Ayoko nang magpaliwanag pa sa 'yo, Arthur, sawang sawa na ako dahil wala rin namang patutunguhan ang lahat kung magpaliwanag pa ako. Hayaan mo na lang akong makaalis dito sa pamamahay mo."

