Dinala namin si Nanay Esme sa office. Dito na muna siya mag stay, pinainom din namin siya agad ng tubig. Baka kasi himatayin o atakihin sa puso si Nanay Esme. Nahihirapan din kasi siyang huminga. Pagkatapos uminom ay inabot ko ang baso kay Nanay. "Nay, relax lang po kayo, kinakabahan kami sa 'yo e," ani Nirva. "Nay, mahiga na po kayo dito sa mahabang upuan, magpahinga na lang po muna kayo dito." "Samantha, anak, totoo ba ang narinig ko kanina? Hindi ko matatanggap ang lahat ng paratang mo kay Kycel, kilala ko ang anak ko, hindi niya magagawa iyon, siguro nagkakamali ka lang, baka hindi talaga si Kycel ang kabit ni Arthur." "Totoo pong si Kycel ang kabit, 'nay," ani Nelda. "Madalas ko rin po sila noong nahuhuli lalo na noong nasa states pa si Ate Sam, tapos nakumpirma ko noong sinugo

