Maaga akong nagising at hindi na ulit ako makatulog. Dagdag pa ni Arthur na gising na sa tabi ko at may kausap pa sa phone niya, ang aga, pero hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila kahit na si Arthur lang ang nadidinig ko. "Hindi ko na alam 'bro. I'm so f****d up. Ayaw ako kausapin ng asawa ko. Galit na galit sa akin." "..." "Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Samantha pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako." "..." "Kasalanan ko 'to. Kung sana una palang pinutol ko na yung relasyon namin ni Kycel e 'di sana walang problema. Pero hindi e, nabuntis ko pa bago ko narealize kung gaano ko kamahal ang asawa ko. Tangina ko di ba? Gago ako e, napakagago ko." Napapairap na lamang ako sa mga sinasabi niya. Ang hirap lang paniwalaan ang bawat salita na lumalabas sa kaniyan

