I decided to go home after I calmed myself in the park. Nakakapagtaka lang dahil naabutan ko si Arthur sa may sofa. Nakatungo siya at halatang nakasarado ang mga mata. Siguro antok na at gusto nang matulog. Naramdaman niya siguro ang pagpasok ko kaya napamulat siya at napatayo. Inayos niya ang sarili at tiningnan ako. I just look at him with my non-interested look. "I know some shortcuts and I drove fast, maybe that explained why I came home first." he wants to start a conversation with me. Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko siya at aktong didiretso sa hagdan para makapunta sa kwarto. "Honey," nilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Lumalapit siya pero pilit akong lumalayo. "Don't come near me. You may see me but you can act like you don't, it doesn't matter anymore. Simula ngayon,

