Kagigising ko lang. Hindi ko namalayang nakatulog agad ako kagabi. Napahilot ako ng sentido dahil sa sakit ng ulo ko. Sobrang dami kong nainom kagabi. Nakailang bote ba ako ng alak? Ilang baso ng hard liquor? Hindi ko na matandaan.
"Morning, Miss Crybaby, It’s good to see you awake,”
Napapilantik ako sa higaan dahil sa gulat. Bigla ba namang may nagsalita.
"Ikaw?” Napataas ang tono ng boses ko dahil sa pagkabigla ko lalo na noong mamukhaan ko kung sino siya. “Anong ginagawa mo dito?" kilala ko yan. Siya ‘yung nakainuman ko kagabi.
Ano nga ulit ang pangalan niya?
Trey?... Tan? Ah! Tristan! Tama. Siya si Tristan! Anong ginagawa niya rito? At bakit naka-topless siya sa kwarto ko?
Nanatili siyang nakatayo at taimtim na nakatingin sa akin habang nakatikom ang bibig. Pinagtataka niya siguro kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko ngayon.
"I’m asking you!” I yelled at him.
Wala pa rin akong nakuhang response galing sa kaniya.
“Bakit ayaw mong magsalita?” naiinis kong tanong sa kaniya. “Sumagot ka, bakit ka nandito sa kwarto ko? At puwede ba, magbihis ka nga ng damit mo? Hindi ko gustong makita ‘yang katawan mo!”
Hindi porket maganda ang pangangatawan niya at halatang napangangalagaan sa gym e ayos lang magpahubad-hubad siya diyan sa harap ko. Babae pa rin ako at dapat niya akong irespeto. Dapat lang na magsuot siya ng sando o kahit t-shirt man lang.
"Bahay ko ‘to,” simple niyang sinabi sa akin na nagpatigil sa pagbulyaw ko sa kaniya. “Ilang beses kitang tinanong kagabi kung tagasaan ka pero hindi mo sinabi kaya no choice ako kun’di dalhin ka rito.”
Ano raw? Anong sabi niya? “Bahay mo ‘to?”
Tumango siya sa tanong ko at nagsalita para ipaliwanag kung bakit siya topless. “Oo, bahay ko ‘to, kama ko ‘yang inuupuan mo,” tumingin siya sa kaniyang katawan bago muling nagsalita. “At ganito talaga ako dito sa bahay ko, hindi ako nagsusuot ng damit."
Bahay niya ‘to? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at mukhang nagsasabi nga siya ng totoo dahil hindi ganito ang hitsura ng kwarto ko. Masyadong manly ang ambiance ng room na kinaroroonan naming dalawa. Mabilis akong tumingin sa suot ko, nakahinga ako ng maluwag dahil kumpleto pa ang saplot ko. Pero tinanong ko pa rin siya para makasigurado.
“Did we had s*x?” diretso kong tanong na nagpakunot ng noo niya pagkatapos ay tumawa ng walang humpay.
“What? Are you serious?”
”Yes,” sagot ko sa kaniya.
“Well miss, I’m not f*****g girls without their consent. Hindi pa naman ako ganoon kalibog, you’re safe with me, no worries.”
"Thank you for being honest with me and for being a gentleman,”
“My pleasure,”
“Bakit nga pala ako nandito?” pag-iba ko sa tanong. Nakakahiya. Dapat una pa lang ay inalam ko na kung nasaan ako, hindi ko agad napansin na nasa kwarto niya pala kami.
"Sinabi ko na, wala akong choice kun’di dalhin ka rito, hindi mo sinasabi sa akin kagabi ang address mo kaya naman dito na kita dinala,” sagot niyang muli sa akin.
Napatango ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita after ko magpasalamat sa kaniya.
“Gusto mo bang mag shower? Coffee or water? May request ka ba for breakfast?” tanong niya.
“Salamat ulit, Tristan, hindi ko alam kung paano ka mababayaran sa kabutihan mo, pasensya ka na kagabi, actually hindi talaga ako ganoon, masyado lang talaga akong maraming nainom,”
Ako ang natigilan dahil sa nakangiti niyang mukha. Tila namamangha siya habang nakatitig sa akin.
“Bakit? May problema ba?” tanong ko na mabilis nagpailing sa kaniya.
“Nakakatuwa dahil hindi ka na nag-e-english,” ngisi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Kagabi kasi halos magmukha ka nang Americana sa pag-English mo, mabuti na lang nag-Tagalog ka na ngayon kahit kaunti, saka pasalamat ka maganda ka kaya bagay sayo ‘yung pag-English mo kagabi.”
Gosh! Ganoon talaga ako ‘pag lasing na, kahit si Kycel ay napapalaban daw sa akin ng englishan sa tuwing nagkakainoman kami at napaparami na ang iniinom ko.
"By the way, Tristan, curious lang, ganiyan ka ba lagi sa bago mong kakilala? Kung umasta ka parang matagal mo na akong kilala, I mean, nakuha mo pa kasing magpahubad-hubad d’yan sa harapan ko,” sabi ko sa kaniya.
"Well, ganiyan ka rin ba sa bagong kakilala mo? Sumasama ka basta-basta. paano na lang pala kung may balak ako sa ‘yong masama kagabi? Baka wala ka nang hininga ngayon, pasalamat ka kasi wala akong intensyong masama kahit anong kulit mo sa akin kagabi."
Nabalisa ako sa sinabi niya. Ano’ng ginawa ko sa kaniya kagabi? Ano’ng tinutukoy niya sa kakulitan ko?
"Binibiro lang kita, masyado kang seryoso,” humagalpak siya ng tawa. "Para kang nabuhusan ng malamig na tubig, putek! Anong hitsura iyon? Laugh trip amp!”
"Tambay ka ba sa kanto? Kung magsalita ka para ka lang nakatambay kasama ang mga tropa mong adik."
"Hindi mo pa ako kilala."
"You're Tristan."
"Yeah. You only know my name not my story."
"Wow. Whatever. Alam mo, okay ka naman kausap kagabi, pero ngayon, para akong nakikipag-usap sa tambay ng kanto namin na mukhang adik!”
"Wow ang ganda mo naman, alam mo rin ba? Ayos ka rin naman kausap kagabi, pero ngayon, hmm, para kang tsismosang kapitbahay ko. Ang daldal ko pa sakit sa tenga ha?”
Grrr! Iniinis niya ako ng todo. Nakakabwisit!
"Tumayo ka na dyan. Handa na ang almusal kung gusto mo kumain bago ka umalis." Aniya.
Napairap ako sa kawalan pagkalabas niya ng kwarto.
Bakit ba ako sumama sa kaniya kagabi? He ruined my day! Hindi ko maintindihan sarili ko, kanina okay lang naman ako, nagpapasalamat pa nga ako sa kaniya but now I changed my mind, ang bilis uminit ng ulo ko, siguro malapit na akong magkaroon kaya ganoon.
"Nga pala,” may sumilip sa pintuan, si Tristan. “Suotin mo muna 'yang T-shirt at boxer ko,” tinuro niya yung kaniyang mga damit na nakapatong sa bedside table. "Para mapalaundry ko ‘yang suot mo. Kung gusto mo lang naman umuwi nang malinis ang damit mo.”
Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Nag-make face na lang ako pero ginawa ko rin naman ang sinabi niya. Alangang umuwi ako ng hindi suot ang saplot ko ngayon. Amoy alcohol na rin kase kaya kailangan mapa-laundry talaga, may point siya doon.
After ko maisuot ang loose plain white t-shirt niya at ang brown boxer niya ay lumabas na ako ng kwarto. The good thing is tapat lang ng bahay niya ang laundry-han kaya di na bibiyahe para lang doon.
"Kumain ka na muna habang hinihintay natin ang damit mo. Mabilis lang ‘yon don’t worry, pina-rush ko na para sa ‘yo,”
"Sure, thanks," umupo ako sa tapat niya. Nandito kami sa kusina. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay niya, sakto lang. May kusina, may isang kwarto at may sala. walang second floor. napakasimple lang din ng disenyo, lalaking lalaki ang datingan.
Nasaan kaya ang pamilya niya? Siya lang ba mag-isa dito? Wala ba siyang mga kapatid? Nanay? Tatay?
"Gusto kong tinapay." Bulalas ko out of nowhere.
"Tinapay?" tanong niya sa akin, clueless.
Tumango ako. "I prefer fruits or bread rather than these,” tinuro ko ang mga niluto niyang ham, hotdog, and egg. “I’m sorry,”
Napakamot siya ng ulo. "Bakit hindi mo agad sinabi?"
"Malay ko ba, kagigising ko lang 'no saka hindi ka naman nagtanong,” I smirked, feeling ko tuloy nakaganti ako sa pagkabwiset ko sa kaniya kaninang umaga.
"Akala ko kasi yamanin ka."
"Mukha ba akong yamanin?"
"Oo, para kang Americanang tsismosa."
"Saka ganyan ba ang almusal ng mayaman?" tanong ko.
"Oo.”
"Yan na iyon? Sure ka?”
"Oo. Yan na ‘yun sa pagkakaalam ko." tumawa siya ng malakas. May nakakatawa ba?
"Nakakatawa iyon?" tanong ko at sumeryoso naman siya. Napahiya siguro. Wala naman kasi talagang nakakatawa pero kung makatawa siya dyan akala mo ay wala nang bukas.
"Pagtiyagaan mo na muna ‘yan, malayo ang bilihan ng pandesal dito, tinatamad akong lumabas."
Nagkibit balikat na lamang ako. Ano pa nga ba? bakit kasi walang stock ng bread?
"Mukhang choosy ka pa, pasensya ka na, hayaan mo sa susunod bibili na ako ng maraming tinapay ewan ko lang kung hindi ka pa magsawa. maumay ka mula umagahan tanghalian hanggang gabihan, magtitinapay ka,” nakacross-arm pa siya habang nakasandal sa refrigerator.
"There will be no next time, Tristan."
He just shrugged.
Ewan ko kung bakit nakangiti ako habang sumusubo ng ham at itlog. In fairness, masarap din naman pala talaga ito pang umagahan. Nasanay lang talaga siguro ako na fruits and bread ang kinakain sa umaga.
After ko kumain, nanghiram ako ng charger kay Tristan kasi deadbat ang phone ko, actually, kagabi pa iyon, ngayon ko lang naisipan mag-charge.
Pag-open ko pa lang ng phone, ang daming message mula kay Arthur ang sunod-sunod na dumating. Hindi na halos huminto sa pag-vibrate ang cellphone ko dahil doon. Umabot iyon ng ilang segundo bago tuluyang matigil.
Nakarating na raw kayo dito sa Manila. Asan ka?
Bakit hindi ka pa umuuwi?
Nasaan ka ngayon?
Anong oras ka uuwi?
Anong oras na wala ka pa!
Asan ka ba?
Samantha!
Uuwi ka ba ngayon?
Tumawag si Tita, kanina ka pa raw umaga umuwi dito sa bahay. Dapat nandito ka na bago magdilim.
Nasaan ka na ba? Hatinggabi na.
Fuck!
Sagutin mo tawag ko!
Samantha!
At marami pang ibang mensahe mula sa kaniya. Hindi niya alam na galing ako roon kahapon. Busy kasi siya makipagtuhugan sa babae niya.
Nagsimula akong magtipa ng mensahe para sa kaniya.
I’m here with my friends. Baka hapon na ako makauwi mamaya.
Pinag-isipan ko pa kung dudugtungan ko iyon pero tila taksil ang mga daliri ko dahil kusa itong nagtipa at naisend kay Arthur.
I'm sorry, I love you, honey.
Wala akong natanggap na sagot bagkus ay biglang nag-ring ang phone. Tumatawag siya. Agad ko rin naman sinagot ang tawag ng asawa ko.
"Hon," ito na lang nasabi ko.
"Baby, nasaan ka ba? kagabi pa ako nag-aalala sa 'yo."
"Pasensya ka na hindi na ako nakapagpaalam kagabi. Ang kulit kasi ng mga college friends ko."
"Sunduin na kita ngayon. Saan ba iyan?"
"Hindi na, hon. Uuwi rin ako mamaya after lunch."
"Dadaan ka pa ba sa Resto?"
"Yes, tapos uuwi na ako."
"Gusto mo bang sunduin kita?"
"Hindi na. Ibababa ko na ‘to baka dumating na kasi friends ko, sumaglit lang ako dito sa labas. Bye."
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Binaba ko na agad ang tawag. May natanggap akong mensahe ilang segundo lang ang lumipas.
Ingat ka d’yan baby, enjoy!
Wala siyang ka-alam-alam na bistado ko na ang kababuyang ginagawa niya kapag wala ako. Kung umasta siya parang napaka-perfect husband niya.
"Punasan mo 'yan."
Naibaba ko ang phone ko dahil may nag-abot ng panyo sa akin. Si Tristan.
"Hindi ka ba nauubusan ng panyo?" palagi na lang siya umeeksena tuwing nag-e-emote na ako.
"Tumae lang ako saglit nag-drama ka na agad d’yan. Ano ba kasing problema mo? Share mo naman para mabawasan ang tinik d’yan sa dibdib mo. Malay mo makatulong pa ako."
"Ikaw, makakatulong? Problema mo nga hindi mo masolusyunan ‘yung akin pa kaya? Saka wala ka namang maitutulong sa akin, baka makakagulo ka pa!"
"Tss! Grabe talaga. Ano, tititigan mo lang ba ‘tong panyo?"
Kinuha ko sa kaniya ‘yung panyo at pinunas sa hindi ko namalayang tumulo na palang luha ko. "Baka pinangpunas mo ‘to sa pwet mo ha?” biro ko sa kaniya habang nagpupunas ng luha.
"E ‘di sana may tae yan,” buwelta niya agad sa asar ko sa kaniya.
Inirapan ko lang siya. Pag kasama ko ‘to feeling ko matatanggal mata ko kakairap. Ang kulit kasi, ang daldal at hindi nauubusan ng sasabihin. Parang adik talaga sa kanto.
"Hindi ba ang sabi ko sa ‘yo kagabi, ayaw ko nang makita kang umiiyak?"
Hindi ko lang siya pinansin.
"Bakit ba kasi ayaw pang mag-share? Ang arte."
At ako pa ang naging maarte? Wow!
"Alam mo mas maganda siguro kung hindi mo na lang alamin, ‘no?” sabi ko sa kaniya at ‘yung uhog ko ay tumulo, mabuti na lang may panyo akong hawak kaya mabilis kong napunasan iyon.
Hagalpak na naman ang tawa nitong mokong.
"Ayan, ang bilis ng karma 'no? Mang-asar ka pa,” hindi na siya tumigil sa pagtawa. "Uhugin amp!"
"Kairita,” inirapan ko siya.
Ang tagal naman ng mga damit ko. Hindi pa ba nila dadalhin? Oo, ihahatid daw ang damit ko dahil regular customer si Tristan, sila na ang nagdedeliver dito ng mga pinapa-laundry niya.
Maya-maya pa ay may kumatok na sa pintuan. Agad pinagbuksan ni Tristan at tama nga ang hinala ko. Damit ko na iyon. Ilang oras din ang tinagal ah. Salamat naman at makakauwi na ako.
"Ito na ang damit mo,” Inabot sa akin ni Tristan ‘yung nakabalot kong damit. "Kung gusto mo, maligo ka muna bago umalis,”
"Siguro ‘wag na. Sa bahay na lang ako maliligo pagkauwi, isa pa, naglinis na ako ng katawan ko kanina. Okay na siguro iyon."
"Okay. Sige, ikaw ang bahala,” biglang sumeryoso siya at pumanhik sa kwarto niya.
Ano’ng nangyari don? Kanina lang ang hyper tapos ngayon ang sungit? Dinaig pa ako sa biglaang pagbabago ng mood.