Pumasok ako sa kwarto para magpaalam kay Tristan na aalis na ako. Pasado alas-dies na rin ng umaga, naabutan ko siyang may nilalaro sa phone niya.
"Takte, ang bobo!" nagulat ako sa pag-sigaw niya. “Bobo ng kakampi putanginang ‘yan!"
Ito ba talaga ‘yung nakilala ko kagabi? Hindi naman siya ganito kagabi at hindi siya nagmumura pero ngayon, daig pa talaga niya ‘yung adik sa kanto namin dati. Ang lutong magmura..
"Tristan," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin, nakatuon lang talaga ang atensyon niya sa kaniyang paglalaro. “Tristan, uuwi na ako,"
Doon lang niya ako tinapunan ng tingin. "Teka, malapit nang matapos 'to."
Tumayo ako ng ayos at hinintay siyang matapos. Nanood lang ako sa pagtalon-talon niya sa tuwing may napapatay siya, pinakinggan ko rin ang mga mura niya kapag napapatay ng mga kalaban ang mga kakampi niya. I know he is playing an Action Game, sound effects palang e.
"Tangina MVP na naman," tuwang tuwa ang mokong, pinagyabang pa. "Uuwi ka na?" tanong niya at lumapit sa akin, tinago na niya ang phone niya sa bulsa, hindi tulad kaninang naka-boxer lang siya, ngayon ay nakabihis na siya, branded tshirt and jeans ang porma niya. Mukha siyang hypebeast. ‘di niya kinagwapo ang porma niya. Natawa ako sa isip ko dahil sa pag-insulto sa suot ni Tristan. Napakabad ko na.
"Aalis na ako. Salamat sa lahat,” sabi ko at tinalikuran na siya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso.
"Teka lang, alam mo ba kung paano umuwi?"
Napaisip ako sa tanong niya. Oo nga, hindi ko alam.
"Hindi mo nga alam kung nasaan tayo ngayon,” he smirked.
"I can manage."
"Hatid na kita sa inyo. Tagasaan ka ba?"
"For your information, I know how to commute. Lumaki ako sa hirap."
"Mabuti na ‘yung safe, ‘di ba? Ayaw mo bang safe na makauwi? Marami ditong gago sa daan."
"Isa ka sa kanila,”
Tumawa siya sa sinabi ko.
"Alam ko," pag-amin niya na isa rin siyang gago.
Ano bang nakakatawa doon? Iniinsulto ko na nga siya nakukuha niya pang tumawa.
"Kaya alam ko ang mga galawan ng gago, Samantha. Kaya ihahatid na kita pauwi."
"Do I have a choice?"
"Wala. Kaya tara na,"
Umirap na lang ako sa kawalan.
"Where is your car?" tanong ko sa kaniya pagkalabas namin ng bahay. Wala kasing laman ang garahe niya.
"Ano’ng where is your car?" panggagaya niya sa akin habang bumubusangot pa ang mukha. I find it funny but I chose not to laugh, baka lumaki ang ulo niya.
"Nasaan nga?" tanong ko sa kaniya, medyo iritable na. “Don’t tell nag-commute lang tayo kagabi?”
“Kaya isipin mong mabuti kung gaano ka kapurwisyo sa akin kagabi,” umismid siya.
“So, mag-commute nga tayo ngayon?”
"Oo. Magcocommute tayo. Sabi mo nga ‘di ba alam mo kung paano mag-commute. Try natin kung alam mo nga,” nginisian niya ako. "Bakit parang kinakabahan ka?
"Bakit ako kakabahan? Parang babiyahe lang. Sanay ako makipagsiksikan,” sarili ko nga pinagsisiksikan ko noon sa asawa ko kahit ayaw sa akin.
"Sige sabi mo ‘yan. Panindigan mo. Tara?"
"Tara!”
Ang tapang ko pang naglakad papunta sa Bus Station, puro puno ang Bus papuntang Pasay. itong si Tristan ay may balak pang sumama sa akin. Ihahatid talaga ata ako hanggang bahay. Ang lakas ng loob bumiyahe. Akala niya ata ililibre ko siya, asa siya! Ginusto niya iyan kaya bahala siyang gumastos.
Sabi ko naman sa kaniya I can manage myself ang kulit niya. Cubao lang naman ito. Malapit lang sa Pasay. pwede nga akong sumakay ng Bus pa-MOA para malapit na rin sa Restaurant na pupuntahan ko. Sasaglit lang ako roon, sisilip, bago ako umuwi sa bahay namin ni Arthur.
Hindi ko na ni-check ang phone ko. Hindi ko alam kung may message ba sa akin si Arthur o wala.
"Bakit puno ang mga Bus? Hindi naman rush hour ah!" reklamo ko.
"Maghintay ka lang kase. Uwing-uwi?"
Inirapan ko siya ng todo. Nakakainis.
"Hindi lang naman ikaw ang naghihintay. Tingnan mo sila, matiyagang naghihintay. Pero kung gusto mo pwede naman tayong sumakay na, nakatayo nga lang tayo. Ano, Game ka ba?"
"Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?"
"Kung okay sa ‘yo tumayo sa Bus?"
"Sige go. Kahit ano pa ‘yang posisyon basta makasakay na tayo."
"Alright! Let’s go!" parang gago naman itong isa na ‘to. Kung hindi lang ito may hitsura baka napagisipan na ‘tong mongoloid dito. Adik na adik pa ang datingan.
Pinara niya agad ang unang Bus na dumating kahit pa puno nga iyon. Huminto ang Bus sa tapat namin, may iilan ding sumakay kahit pa nakatayo na ang pwesto, hindi lang kami.
"Ano, okay ka lang ba d’yan?" maangas na tanong sa akin ni Tristan, inaasahan niya sigurong susuko ako sa pagtayo dito sa Bus.
"Can't you see?"
"Ang taray naman," mahina siyang tumawa.
"Kumapit kang mabuti sa nipis mong yan liliparin ka kapag nag-preno si manong driver."
Napapikit na ako sa sobrang bad trip sa kaniya.
Manong driver paliparin niyo na ang Bus na ito nang makarating na agad tayo sa Pasay.
Ang mokong, malakas pa ang loob na ilibre ako sa Bus, mukhang may pera. Mabuti naman kung ganoon, dahil konti lang ang cash ko sa wallet. Hindi ko naman akalain na mapapadpad ako sa kung saan. Hindi ko alam kung anong iisipin ko dito e, kung swerte ba ako sa kaniya o malas na siya ang nakapulot sa akin kagabi sa Restobar.
Sabagay kung iba ang nakakuha sa akin, baka nga kung anong nangyari na sa akin. Pero siya ang tumulong sa akin kagabi kaya ito magtitiis na lang ako sa kakulitan at pang-aasar niya sa akin. I don’t even know how to thank him since he is not into money, I guess. mukha naman siyang may pera. maybe I should say thank you na lang sa kaniya mamaya bago kami maghiwalay ng landas.
Bahala na.
Nagising ako sa pagmumuni nang bumulong sa akin si Tristan. "Malapit na tayo,” ramdam ko ang init ng hininga niya sa tainga ko.
Mabilis ang paglayo ko sa kaniya. Kailangan may pagbulong?
"Alam ko,” sabi ko na lang sa kaniya sabay irap. Tumawa siya ng mahina sa ginawa ko at umiling na lang.
Hindi ko namalayan ang kabang naramdaman ko at pagbilis ng t***k ng puso ko noong maglapat ang mga katawan namin. Ano ba itong naiisip ko?
Bakit kasi dikit nang dikit ang parang adik na iyon sa akin? Nawawala tuloy ako sa focus, may-pagka-adik ata talaga iyon e, ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Wala namang connect ang pag aadik niya sa pagdikit sa akin. Hindi ko alintana ang ngalay sa pagtayo buong oras ng biyahe. ang pang-a-asar sa akin ni Tristan ang kinainisan ko.
"Samantha, ayos ka lang?" tanong niya.
"Ayos nga lang."
"Bakit ka nagagalit?” natatawa niyang tinanong sa akin. “Nagtatanong lang naman ako,”
Hindi ko na lang pinansin.
Kaunting tiis na lang self, malapit mo na siyang iwan. makakahinga ka na rin ng maluwag at hindi ka na maiinis pa. Kaunting oras na lang.
"Makabuntung-hininga. Ang lalim non ah!” pang-aasar niya na naman sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Galit na galit? Gustong manakit?"
Sa sobrang inis ko, siniko ko siya at tumingin ako sa ibang direksyon. dinig ko pa ang angil niya sa sakit ng ginawa ko.
"Ganiyan ka pala mapikon? Takteng yan!”
Pinikit ko na lang ang mga mata ko, malapit na rin naman siguro, makakababa na kami, makakalayo na ako sa lalaking ito.